IKAW AT AKO

4K 41 1
                                    

Ito ay galing sa isang tulang isinulat naming dalawa ng aking kaibigan. Kinuha ko lamang ang mga parteng aking isinulat. Pasensya na kung hindi malinaw.
---
Ikaw at ako. Tatlong salita. Siyam na letra. Mga salitang kay sarap pakinggan ngunit ngayo'y tila nagdadala ng pait sa aking kalamnan.

Aking inalala, mga matamis na ngitian, mga masasayang tawanan. Mga panahong tayo'y may sariling mundong ginagalawan. Ngunit sa isang iglap, biglaang naglaho. Tila ba'y nagising sa realidad na walang salitang 'tayo'.

Aking naalala na minsan mo akong tinanong kung anong kanta ang bagay sa ating dalawa. Di ko man masagot noon pero malinaw na ito sa akin ngayon. Kilala mo ba si KZ Tandingan? At ang kantang, anong nangyari sa ating  dalawa?

Hanggang ngayon, aking tinatanong ang sarili. Ako ba ang nagkamali noong ika'y aking pinili? Ikaw at ako. Isang pangarap na matagal kong hinangad. At noong akala ko'y makakamtan na ng aking mga palad. Winasak mo ang lahat. Dinurog mo ang pag asang nabuo sa aking mga puso. Itinaas mo ako sa ere. Sinabay mo ako sayong paglipad ngunit tila'y nakalimutan mo na wala akong mga pakpak. Ako'y iyong binitawan na para bang isang basura. Hinaayan mo na mahulog at lumagapak sa lupa.

Kaya ngayon bago ko ito tapusin, nais ko lamang sabihin saiyo. Ikaw at ako ay walang tayo. Tayo'y mga linyang hinding hindi magtatagpo. Tayo'y hindi itinadhana upang magsama kundi para lamang turuan ng leksyon ang bawat isa. Oo, masakit ang ginawa mo. Pero balang araw sana ay magawa kong ngumiti at magpasalamat saiyo. Salamat sa sakit na naidulot. Salamat sa pagpapaasa. Salamat sa pagtrato sakin na parang tuta. Kung di dahil sayo, di ako matututo. Na hindi lahat ng pag-ibig ay kailangan ipilit. Minsan may mga nararamdaman na kailangan din iwaksi. Uulitin ko, ikaw at ako. Walang tayo. Kundi isa lamang ito sa imahinasyon na aking nabuo.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon