ANG HIRAP

3K 29 1
                                    

Ang hirap magsulat kung walang inspirasyon
Pilit na pilit pinapagana ang imahinasyon
Hindi ito tula.
---
Nakalimutan ko na kung paano magsulat ng tula,
Hindi ko alam ang tamang paraan, kung saan dapat magsimula,
Ano ang dapat gawin at kung para saan ang mga salitang susulatin.

Kasabay ng paglimot ko sayo at sa mga nararamdaman ko
Ay ang paglimot din sa imahinasyon
at kakayahan kong lumikha ng isang magandang tula.

Hiniling ko lang ay makalimutang ang nadarama
ngunit
Pakiramdam ko parte ng pagkatao ko'y nawala?

Tunay nga bang nakalimutan na kita?
O pilit ko lang na itinatago sa pinakailalim ng puso at isip ang iyong mga alaala?

Ang gulo ng isip ko at nakikisabay pa si puso.
Ano ba talaga?
Ang hirap, di ko na kaya.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon