BUWAN

2.1K 9 0
                                    

Minsan sa isang pagkakataon,
Ako'y napatanong sa buwan.
Bakit ang paglabas mo'y paglisan ng araw?
Bakit kayo'y di man lang nagtagpo at nagkasabay na lumitaw sa kalangitan?

At doon ko napagtanto,
Kayo'y may iba't ibang gampanin,
Nakatakdang gumawa ng iba't ibang gawain.
Pagsilbihan ang mga taong sainyo ay nahuhumaling.

Minsan sa isang pagkakataon,
Ako'y napatingin sayo.
At doon namutawi ang katanungan na nabuo sa isip ko.

Bakit di tayo pinagtagpo?
Bakit ay sa tuwing ako'y napapatingin, ikaw ay sa iba nahuhumaling?
Bakit sa tuwing ikaw ay nagpapapansin, ako'y sa iba naman naglalambing?

Sa tuwing tayo ay sumusubok na bigyan ng pagkakataon ang isa't isa,
Iba't ibang hadlang ang nabubuo sa pagitan nating dalawa.
Sa tuwing tayo ay nagkakaroon ng lakas ng loob na lumaban,
Tila ba'y tadhana na mismo ang kusang sumusuko at nagbibigay dahilan.

Tayo'y ba ay tulad ng araw at buwan?
Hindi magtatagpo kahit tayo'y nasa iisang kalangitan?
Ikaw ba ang araw na sa umaga lamang nakikita
At ako ba ang buwan na sa gabi naman lumilitaw habang ikaw ay nakatago na.

Siguro nga, tayo ay isa sa mga taong hindi pinagtagpo at hindi itinadhana.
Tayo ay isa sa mga taong nakatakda lamang ng pagmasdan ng saglit ang isa't isa.
Tayo ang buwan at araw na magkaiba,
Hindi para sa isa't-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon