"Alam mo... Crush kita..."
Ayan kaagad ang bumungad sa akin ng pumunta ako sa mga ka-grupo ko na nag titipon na sa isang sulok ng silid-aralan. Nanlaki kaagad ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na sinasabi niya sa akin ang mga salitang yun sa harap pa mismo ng aming mga kaklase.
"Crush kita..."
Inulit pa niya ang pag-sabi dahil nakaamang lang ang bibig ko at tila hindi naniniwala sa sinabi niya. Well, hindi naman talaga ako naniniwala. Kilala ko siya, mahilig siya magbiro at lagi niya ako tinutukso. Hindi naman ako naiinis dahil alam ko naman ang mga biro niya. Sinasakyan ko na lang palagi at tinatawanan.
Pero sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya masakyan. Hindi ko masabi kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi.
Crush niya ako? Bakit ako? Paanong naging ako?
"Eh? Di nga?" Sa wakas, nakapag salita na ako.
Nakakabigla naman kasi siya! Bigla na lang mag sasabi ng 'crush kita' out of nowhere! Tapos bakit ako? Hello??? Ang gwapo gwapo niya tapos ako—never mind na nga lang. Ayoko na idegrade pa ang sarili ko. Masakit sa damdamin. Pero proud ako sa sarili ko dahil kahit papaano ay marunong naman ako sa eskwelahan.
"Oo nga. Crush nga kita, ayaw mo maniwala?" Tanong niya sa akin. Nakangiti siya ng pakalapad lapad. Tumingin ako sa paligid, baka hindi ako ng kinakausap niya. Pero pag tingin ko ulit sa kaniya, sa akin lang din siya nakatingin. Ibig sabihin ako talaga ang sinasabihan niya?
Tumawa ako. "Ayan ka na naman sa mga biro mo, Miko."
Umiling lang siya at ngumiti ulit. Ang gwapo talaga niya. "Nag sasabi ako ng totoo, Irish. Crush nga kita."
Tumawa na lang ulit ako. Awkward na tawa. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya sasagutin. Haleeer , kung totoo man ang sinasabi niya, unang beses ko pa lang makatanggap ng confession sa buong buhay ko. Kailanman ay ni isang lalaki ang nag tangka mag tapat sa akin dahil...urrrggghhh... Di bale na nga lang... Sabihin na natin na ako ang tipo ng babae na hindi magugustuhan ng mga lalaki. Yun.
Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin at niyakap ako. Pag lingon ko, nakita ko ang classmate ko na si Lyka.
"Crush ka talaga niyan ni Miko... Irish." Sabi niya. Maingay ang buong classroom dahil sa activity na ginagawa namin, pero kaming tatlo lang ang tila hindi nag aabala sa pinapagawa ng aming guro.
"Eh? Pati ba naman ikaw, Lyka? Bibiruin mo ako?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa lang siya at tinapik tapik ako sa balikat.
"Ang kulit mo, Irish, hindi ka namin binibiro ano!"
Kung hindi niya ako binibiro, then, totoo nga na crush ako ni Miko? Eh?!!!!
Napatingin ako kay Miko na tumingin lang sa akin at ngumiti. Hindi ko namalayan na pumunta na pala siya dun sa mga ka grupo namin at tumulong na sa activity na gagawin namin. Sumunod na din si Lyka at naiwan ako na nakatayo dun sa may sulok at gulong gulo ang utak.
Crush ako ni Miko? Parang hindi talaga kapani-paniwala. Bakit ako? Marami naman diyang iba na di hamak na mas maganda sa akin! At ang alam ko, may gusto si Bea sa kaniya na Ms. Campus Crush. Bakit hindi sa kaniya? Bakit ako? Paanong naging ako?
Ang daming katanungan na namuo sa utak ko. Nalito ako at nabigla sa mga pangyayari. Parang ayaw iabsorb ng utak ko ang mga sinabi ni Miko.
Pinalipas ko ang mga araw. Nawala na din sa isipan ko ang biglaang pagtatapat niya sa akin. Ilang araw na din kasi na hindi ko siya nakakahalubilo. Medyo naging abala na kami sa mga club activities namin at ang papalapit na term examination.
Ngayon, dalawang linggo na ang lumipas, tuluyan ng nabura sa isipan ko ang mga sinabi niya. Hindi na din ako masyado nag pa-apekto. Baka pinag tripan lamang niya ako.
Abala ako ngayon sa pag rereview ng advanced geometry. Second year nga pala ako sa high school. Umupo ako sa teacher's table hindi inalintana kung gaano ako kabigat. Sa tingin ko naman, hindi bibigay ay lamesa dahil mukha naman matibay ito. Wala pa naman ang teacher namin kaya pwede pa naman ako umupo.
Tumapat ako dun sa isang kaklase ko na lalaki na magaling sa geometry. Naka upo siya sa may silya, samantalang ako naman ang nasa lamesa.
Pag may hindi ako maintindihan sa pinag aaralan ko, tinatanong ko siya. Halos mapasubsob na ang mukha ko sa kakabasa ng formulas. Sa lahat ng mga subjects, math ang pinaka ayaw ko. Sumasakit kasi ang ulo ko sa mga numero. Hahaha.
Habang tutok na tutok ako sa libro ay naramdaman ko na lang na may tumayo sa gilid ko at tumitig sa akin ng bongga. Pag lingon ko, si Miko pala. Lumapit pa siya sa akin at dumantay sa lamesa.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito--sa kaniya.
"Anong meron?" Tanong niya sa akin habang di niya pinuputol ang tingin niya sa aking mga mata.
"A-Ah... May exam tayo sa geometry ngayon." Hindi ko maiwasan ang di mautal. Kinakabahan kasi ako. Malakas talaga kasi ang dating ni Miko. Marami ang nagkakagusto sa kaniya. Hindi lang siya gwapo, napaka athletic pa niya. Mabait, masiyahin at palakaibigan siya.
"Talaga?" Mas lumapit pa siya sa akin at halos kulang na lang ay yakapin niya ako sa ginagawa niya. Yung kaliwang pisngi niya ay halos padikit na sa kanang pisngi ko. "Patingin nga..." Hinawakan niya yung libro na hawak ko pero imbes na libro ang mahawakan niya ay yung kamay ko ang nahablot niya.
Akala ko tatanggalin niya iyon pero nagpatuloy lang siya sa pagbabasa ng libro habang hawak ang kamay ko.
Nanlamig ang buong katawan ko. Namamawis ang aking mga palad. Sana lamang ay hindi niya iyon mapansin.
Hindi ko na alam kung ano na ang binabasa ko. Hindi ako makapag concentrate! Ang lapit lapit ng mukha niya sa akin! Isang maling galaw lang ay mahahalikan ko siya! At yung kamay niya na nakapatong sa kamay ko! Arrrgggh! Hindi ko alam kung nagkataon lang o sinasadya niya na eh.
Sa loob ng 15 minutes na katabi ko siya, tahimik ako, tahimik din siya, parang nawala naman ako sa sarili. Lumutang ang utak ko at hindi ko na alam kung saan napadpad.
Tumunog bigla ang bell, kasabay nito ang biglang pag galaw ko at mabilis na pagsara ng libro.
"B-balik n-na ako sa upuan ko... S-sige..." Sabi ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya, hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis ako ng naglakad patungo sa upuan ko.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi pa din ito kumakalma...
"Hoooooh..." Humugot ako ng napakalalim na hininga. Medyo naibsan na ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Pumasok ang teacher namin at muling nanumbalik ang kaba sa aking dibdib.
Patay na! Hindi ako gaanong nakapag review—D-Dahil sa kaniya! Ahhhhhhhh!!!!
________________________________________________
First Chapter posted :)
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako (Short Story)
Romance"Akala ko, lahat ng love story, may magandang simula at may mala-fairytale na ending. Pero hindi naman pala lahat..."-Irish