* 2 *

363 6 0
                                    

“Ako na magbitbit ng bag mo, Irish.” Alok sa akin ni Miko ng magkasabay kami pababa ng school building. Napahinto ako ng bigla siyang humarang sa dadaanan ko. “Akin na yang bag mo”

Tiningnan ko lang siya. Bakit niya gusting bitbitin ang bag ko? “Huh? Huwag na Miko. Magaan lang naman ‘to.” Sagot ko.

Hinablot niya ang bag ko at saka isinabit sa balikat niya. “Anong magaan? Eh halos magpasan ka ng isang sakong bigas sa bigat nito ah!”

Kukunin ko sana ulit pero agad niya itong iniwas. Kaya wala na akong nagawa kundi ibigay yun sa kaniya ng tuluyan.

“Bakit si Irish, tinulungan mo? Ako hindi? Unfair mo naman, Miko! Bigat din kaya ng dala ko!” pamamaktol ni Lyka sa kaniya.

Inismiran lang siya ni Miko. “Kaya mo na yan Lyka.” Pagkasabi niya nun ay nauna na siyang naglakad sa amin.

“Tingnan mo yun! Grabe ha.Ikaw lang laging may special treatment sa kaniya!” ani pa ni Lyka. Tumawa lang ako.

“Tama naman siya. Ke-liit naman ng bag mo tska wala naman laman yan kundi pangpaganda mo.” Sagot ko naman. “Tsaka, anong special treatment? Nagpapaka-gentleman lang si Miko. Nakita niya kasing hirap na hirap ako sa dala ko. Kaya nag offer lang siya ng tulong.”

Nagtaas ng kilay si Lyka. “So pagiging maginoo ba yung ikaw lang yung nililibre ng lunch? Yung laging pinagbubuksan ng pintuan? Yung laging inaasikaso? Yung parang ikaw lang ang babae sa buong classroom?”

Natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga, ginawa lahat sa akin ni Miko yun. Pero di ko binibigyan ng anumang malisya. Likas talaga kay Miko ang pagiging gentleman eh. Ayoko bigyan ng anumang kahulugan ang mga inaakto niya sa harapan ko. Kahit napupuna ko na kakaiba ito kumpara sa pakikitungo niya sa mga kaklase naming babae.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang pakikitungo niya sa akin. Ang totoo niyan, sa tuwing ginagawa niya sa akin ang binanggit ni Lyka, pakiramdam ko, napaka-espesyal ko.

(Please play the song on the side while reading this part  )

Tiningnan ko si Miko na naglalakad ng dahan-dahan papalayo sa amin. Sa tuwing tinatanaw ko kahit ang likod lamang niya ay parang bumabaliktad talaga sikmura ko. Napapahinto ako, natutulala, nawawala sa sarili kapag kaharap ko siya.

~Sa tuwing ika'y nakikita

Anong saya

Pag lumapit na kausap s'ya

Natutulala~

“Ay, Si Irish… na iinlove na… yieeeeh~” biglang asar ni Lyka. Nahampas ko tuloy siya. “Aray! Ano ba yan! Bakit ba kapag kinikilig ang kaibigan, may hampas na automatic?! Saket ah!” daing pa niya.

“Ikaw kasi eh! Tigilan mo nga ako Lyka!” angil ko. Ramdam ko na nag-iinit yung mukha ko.

“Yieeeeh~~ ang pula ng mukha mo Irish! Ang cute!!! Ahahaha!” tawa pa si Lyka.

~Ibang-iba ang nadarama

Anong kaba

Aaminin ko na...~

Biglang tumigil sa paglalakad si Miko at nilingon kami. Ngumiti siya.

Thump. Thump. Thump.

~Sayo na lagi na lang

Lagi na lang

Lagi kang nasa isip ko

Lagi na lang

Lagi na lang

Lagi kang nasa puso

Ko'y iyong-iyo

'Wag hayaan na

Masaktan

Asahan mo di

Magbabago

Hanggang kailan~

“Mareng Lyka… may sakit na ata ako sa puso….” Wala sa sariling bulong ko.

“Naku, babaita, wala kang sakit sa puso… tinamaan ka lang ni cupido.” Sagot naman ni Lyka.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Miko sa amin.

“Tara na! Irish, hatid na kita sa sakayan…” sabi niya sa akin. Pero hindi ko narinig dahil parang sumara ang butas ng tenga ko. Nakatingin lang ako sa mata niya na parang nang hihypnotized. “Irish?”

“A-Ah…” Napaamang ang bibig ko. Hindi ko mahanap ang boses ko.

Thump. Thump. Thump.

Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko.

Kung wala akong sakit sa puso… then… tinamaan ako ni kupido?

May gusto na ba ako kay Miko?

~Ibang-iba ang nadarama

Anong kaba

Aaminin ko na~

“Irish? Tara na?” bakit ang ganda ng boses ni Miko? Tapos ang gwapo pa niya? Yung ngiti niya parang katulad sa mga anghel. Teka, ano ba yung sinasabi niya? Nakikita ko lang na gumagalaw ang labi niya pero hindi ko maintindihan yung sinasabi niya?

“IRISHIANA!!! HUUY!”

Napapitlag ako. “Ay palakang kekok na Lyka!!!” nagulat ako sa pagsigaw ni Lyka sa tenga ko.

“Sinong palakang kekok?!” galit na tanong niya. Hinimas ko yung kanang tenga ko. Ang lakas ng boses nito! Nasira ata eardrums ko. Panlilisikan ko sana siya ng mata kaso ng makita kong mas matalim pa sa kutsilyo ang tingin niya sa akin ay di ko na lang tinuloy.

“Ikaw—este, may nakita akong palakang kekok, Lyka!” palusot ko na lang.

“Hahahahaha!” sabay kaming lumingon ni Lyka sa tumatawa. Si Miko. “Nakakatuwa ka talaga, Irish.” Lumapit siya sa akin at saka ako kinurot sa pisngi. “Ang cute mo pa…”

~Sayo na lagi na lang

Lagi na lang

Lagi kang nasa isip ko

Lagi na lang

Lagi na lang      

Lagi kang nasa puso

Lagi na lang

Lagi na lang~

Thump. Thump. Thump.

Napakurap ako. Tama ba yung narinig ko? Cute ako? Oh. My. God. Ang lakas ng pintig ng puso ko.

“Masyadong matamis dito! Nilalanggam ako! Makaalis na nga!” bulyaw ni Lyka saka naglakad ng mabilis papalayo sa amin.

Naiwan kaming dalawa ni Miko na nakatingin pa din sa isa’t-isa.

“Cute—I mean, maganda ka Irishiana…” sambit ulit ni Miko. Napatigil ako. Unang beses niya ako tawagin sa buong pangalan ko. Nagtaasan ang balahibo ko sa braso at bumaliktad na naman ang sikmura ko.

~Sayo na lagi na lang

Lagi na lang

Lagi kang nasa isip ko

Lagi na lang

Lagi na lang

Lagi kang nasa puso ko

Lagi na lang

Lagi na lang~

__________________________________________________

A/N:

Sound Track by Kiss Jane

Ikaw at Ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon