* 7 *

202 7 0
                                    

Hindi ko talaga maitindihan si Miko. Lahat ng gawin niya ay napapaibig ako. Kahit ang maliliit na gestures niya, minamahal ko.

Oo, mahal ko si Miko. Pero hindi ko masabi. Hindi ko maamin. Dahil ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na kakalimutan ko na siya. Pero anong nangyari? Hindi ko nagawa, Hindi ko magawa. Dahil mahal ko siya. Mahal ko na talaga siya.

Sa tuwing nakikita ko siya, panay tibok ng puso ko ng napakabilis. Parang tumitigil ang oras sa tuwing kasama ko siya.

Noong kelan, sa theater, kinausap niya ako. Pakiramdam ko, nagselos siya. Dahil kay Luke. Sana nga hindi ako nagkamali na nagselos nga siya.

Haaaay… pero simula nung araw na yun, hindi na muling nagparamdam sa akin si Miko. Naging malamig na siya. Ilang araw pa lang ang lumilipas, pero kasing lamig na ng yelo ang pakikitungo niya sa akin. Pag nakikita niya ako, lagi na lang siya umiiwas.

Bakit kaya?

Gusto kong malaman pero mukhang hindi pa ako handa malaman ang sagot. Natatakot ako.

Hanggang dito na lang ba talaga kami? Wala na ba kaming pag-asa? Ay—wala palang ‘kami’. Ako lang ito ang nag-iisip na meron kami.

Hindi ko alam kung saan ko ihehelera ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sa tingin ko, one-sided ‘to na parang hindi naman.

Pakiramdam ko, gusto niya ako pero hindi naman niya sinasabi. Ako ang klase ng tao na kailangan verbal. Hirap ako maka-gets ng mga galaw ng isang tao, kaya hindi ko masabi kung ano ang ginagawa ni Miko sa akin.

Ang hirap ng ganitong klaseng love story.

Hindi ko alam kung saan papunta.

Hindi ko alam kung happy ending ba.

“Irish, hinahanap ka ni Luke.” Sabi sa akin ni Roselle. Napalingon ako at nakita ko si Luke na kumakaway  sa may pintuan.

“Bakit daw?” tanong ko naman. Bakit kaya hinahanap ako ni Luke?

“Aba, malay ko. Sinabi niya lang na hinahanap ka niya.” Anya ni Roselle. Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang librong nasa harapan niya. Tumayo na ako para sana lapitan si Luke pero pinigilan ako ni Roselle. “Payo ko lang sayo, friend? Sundin mo kung ano ang nasa puso mo. Hindi mo kailangan malito dahil nandiyan lang ang sagot.” Sabay turo sa may dibdib ko.

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Roselle sa akin. Hindi ko na gets.

Hinayaan ko na lang at saka pinuntahan si Luke na nakangiting sinalubong ako.

“Uy, Luke! Bakit?” tanong ko sa kaniya.

“Pwede ka bang makausap?” sabi niya sa akin. Tumungo lang ako. Nagpunta kami sa isang classroom na bakante. Dito niya ako dinala. Mukhang pribado ang pag-uusapan namin ah?

Pag pasok namin sa loob ng kwarto ay parang may naramdaman akong kakaibang aura. Hindi naman ito nakakatakot pero parang may magaganap na hindi ko inaasahan.

Tumigil si Luke sa may teacher’s table habang ako naman ay tumayo lang sa gitna ng buong silid-aralan. Pinapakiramdaman ko siya, parang may gusto siyang sabihin sa akin na nag-aalangan pa siya kung sasabihin niya ba o hindi.

“Luke? Ano ang pag-uusapan—“ hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang humarap sa akin at tama nga ang hinala ko dahil hindi ko inaasahan ang itatanong niya sa akin.

“Pwede ba kitang ligawan, Irish?” diretso at seryosong tanong niya sa akin.

“Ha?”

“I like you Irish, can I court you?”

Napakurap ako ng ilang beses. Tama ba yung naririnig ko ngayon? Teka, bago ang lahat, paanong naging ako? Bakit ako?

“G-Gusto mo ako?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Ito ang pangalawang beses na makatanggap ako ng confession. Pero ito ang masasabi kong seryoso. Dahil si Luke ay serious-type of person at hindi mahilig magbiro. “Bakit ako?” tanong ko ulit. Tulad ni Miko, gwapo at madaming nagkakagustong babae kay Luke.

Ngumiti siya at nilapitan ako. “Bakit ikaw?—hindi ko alam kung bakit, Irish. Basta ang alam ko, gusto kita. Sa tingin ko hindi naman kailangan ng rason para gustuhin ang isang tao di ba?”

Tumungo ako. Oo nga naman.

“So, pwede ba kitang ligawan?” tanong niya ulit. Hindi ko alam ang isasagot dahil ayoko mag paligaw ng wala pa akong nararamdaman para sa isang tao. Dahil pakiramdam ko, pinapaasa ko lang siya.

Ano ang isasagot ko?

Gusto ko si Luke pero bilang kaibigan lang. Ayoko siyang paasahin sa wala lalo na’t iba naman ang gusto ko…

“Ah…Kasi..Luke, Ano eh…” simula ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang sasabihin.

“Ano?”

Sabi ng isip ko, okay lang tanggapin ang tanong ni Luke, pero taliwas ito sa sinasabi ng puso ko… Nalilito ako.

‘Payo ko lang sayo, friend? Sundin mo kung ano ang nasa puso mo. Hindi mo kailangan malito dahil nandiyan lang ang sagot.’

Naalala ko ang sinabi ni Roselle sa akin kanina. Sundin ko ang nasa puso ko? pero kapag sinunod ko ang puso ko, wala itong kasiguraduhan. Pero kung pipiliin ko si Luke, masasaktan ko lang siya dahil hindi ko naman siya gusto.

Nakapag desisyon na ako.

“Luke. I’m Sorry.” Sambit ko.

Bumitiw siya ng napakalalim na hininga.

“I knew it. You like him that much huh?” napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin at lumapit. “Sinubukan ko lang kung uubra ako pero hindi pala. Basted kaagad.” Natatawa niyang sambit. Alam ko na kahit tumatawa siya ay malungkot pa din siya. Nakikita ko sa mga mata niya yun.

“Sorry talaga Luke, You’re a good friend pero hanggang—“ hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng hinarang niya ang hintuturo niya sa labi ko para patahimikin ako.

“Huwag mo ng ituloy. Masakit eh.” Sabi pa niya. Nakita ko siyang napakagat sa labi bago niya inialis ang daliri niya sa labi ko. “Can I get atleast a hug from you?”

Ngumiti ako at tumungo. “Oo naman.”

Lumapit pa siya lalo sa akin at buong puso ko ibinigay sa kaniya ang mumunti niyang hiling. Kung isang yakap lang ang magpapa-ibsan sa nararamdaman niyang kalungkutan ng dahil sa akin, handa ako ibigay yun ng walang pag-aalinlangan.

Kasabay ng paghihiwalay namin sa isa’t-isa ang malakas na kalabog mula sa labas. Parang may kung anong bumagsak.

“Ano yun?” bigla kong tanong.

“Hindi ko alam.” Sagot naman ni Luke. “Mukhang pintuan. Baka hinangin lang kaya sumara ng malakas.”

Ilang saglit pa ay lumabas na kami ng classroom. Sa pag labas naming, marahil iba nga ang tingin at nararamdaman sa akin ni Luke ngayon pero mananatili pa din dun ang pagkakaibigan namin. Sa lahat, iyon ang nangingibabaw.

__________________________________________________

A/N:

Tinatamad ako gumawa ng Author's Note. Wala naman ako sasabihin eh! hahahah :D

Ikaw at Ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon