Sumunod na taon. Fourth year. Graduating. Mas lalong tumindi ang academics namin. Naging abala na ako sa research namin nina Roselle at Lyka. Ganun din ang ibang mga kaklase namin.
Hindi na kami nakakapag usap ni Miko, by the way, magkaklase pa din pala kami. Ganun din si Adrian at iba pang tropa.
Nasa kalagitnaan na kami ng taon. Malapit na mag disyembre. Ilang buwan ko na din iniiwasan si Miko. Ayoko na kasi lumawak pa ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ito papatungo kung ipagpapatuloy ko.
Laging walang kasiraduhan. Lagi na lang siya nagbibigay ng motibo na pwede kong ikalito. Hindi ko na talaga alam kung ano ba yung totoo dahil hindi naman siya nagsasalita o gumagawa ng ano mang hakbang.
Nakakapagod din umasa at maghintay. Oo, umasa ako na sana talagang gusto niya ako. Naghihintay ako na ligawan niya ako o magtapat na siya ng tuluyan sa akin. Pero wala naman siyang ginawa. Nasaktan lang ako. Napagod lang din ako.
"Irish! Tara na! Baba na tayo para makabili ng pagkain natin!" Sigaw ni Roselle sa akin. Nakabungad lang siya sa may pintuan.
"Oo, saglit lang!" Sagot ko. Kinakalkal ko kasi yung bag ko para hanapin ang pera ko. Naiwan na lang ako mag isa sa classroom. Lahat sila ay bumaba na sa canteen. Si Roselle naman ang naghihintay sa akin ngayon.
Sinara ni Roselle ang pintuan pero di nag tagal ay nagbukas ulit ito.
"Eto na nga eh! Nahanap—“ hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana ng makita ko kung sino ang nagbukas ng pintuan. Napatulala ako habang nakatingin sa kaniya.
"M-Miko..." Sambit ko. Bigla siyang naglakad ng mabilis papalapit sa akin at itinulak ako sa may dingding. Sa gulat ko ay hindi ko nagawang mag react ka agad. Tiningnan niya ako sa mata. Parang umaapoy ito. Hindi ko maipaliwanag pero parang nagugulumihanan ang damdamin ko. Sobrang bilis ng pag pintig ng puso ko at pakiramdam ko ay ang init sa loob ng silid-aralan.
Mas nilapit pa niya ang katawan niya sa akin. Tinutulak ko siya pero sadyang malakas talaga siya. Hinawakan niya ang pareho kong mga kamay at saka itinaas sa may dingding, hawak pa din niya ito ng mahigpit.
Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa.
"A-Ano ba Miko... Bitawan mo ako..." Sabi ko. Nagpupumiglas pa din ako pero idiniin niya ako sa dingding kaya hindi na ako makawala pa.
Sa isang iglap ay parang muli na naman ako lumutang ng...
Bigla niya ako hinalikan sa labi.
Maikli lamang ito pero pakiramdam ko, nandoon lahat ng kaniyang emosyon.
Hindi ko inalintana ang nakaharang niyang pangangatawan at ubod ng lakas ko siya tinulak. Napa atras siya ng ilang hakbang mula sa akin samantalang ako naman ay namumula na. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung magagalit ba dahil bigla na lang niya ako hinalikan ko matutuwa dahil hinalikan niya ako--pero bakit niya ako hinalikan?
"Bakit mo ako hinalikan?!" Hasik ko sa kaniya. Seryoso lang siya nakatingin sa akin. Unang beses ko siyang makita ng ganun.
"Alam mo ang sagot diyan, Irish. Hindi ko na kailangan ipaliwanag pa." Sabi naman niya sa akin. Mas lalo pa akong naguluhan.
"Hindi ko nga alam kaya nagtanong ako sayo di ba?" Sarkastikong sambit ko.
"I'm sorry." Bigla niyang sabi sabay labas ng kwarto at iniwan ako na litong-lito. Bakit siya magsosorry?
Pumasok bigla si Roselle. "Oh, anong nangyari sayo? Bakit namumula ka diyan?"
Umiling lang ako. "Wala. May magnanakaw kasi." Sagot ko na lang.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako (Short Story)
Romance"Akala ko, lahat ng love story, may magandang simula at may mala-fairytale na ending. Pero hindi naman pala lahat..."-Irish