December, Christmas party.
Maraming pagkain, masaya ang lahat. Kasalukuyang may ginaganap na program ngayon. Lumabas muna ako dahil naiingayan ako.
Dumantay ako sa may bintana at tumingin sa labas. Maaliwalas ang panahon. Napabuntong hininga ako.
*sigh*
Sa tuwing nag iisa ako, laging si Miko na lang ang naiisip ko. Siguro natamaan talaga ako ng sobra sa kaniya. Hindi ko maiwasan dahil lagi siyang sweet sa akin. Pero lately, simula ng sabihin kong naiilang ako sa kaniya ay dumistansya na siya.
Hindi ko na siya gaanong nakakausap, nagkikita nga kami pero ni isang bati wala aking natatanggap sa kaniya. Hindi ko naman ito inaasahan mula sa kaniya. Kaya medyo nahihirapan ang damdamin ko sa bawat pag iwas niya sa akin.
Kaya ang ginagawa ko na lamang ay iwasan na din siya. Inaabala ko na ang sarili ko sa mga curriculum activities sa school. Nag-aaral na lang ako palagi at hindi na muling sumasama sa grupo nila. Sina Lyka at Roselle na lang ang palagi kong kasama.
"Ang lalim ng iniisip natin ah." Napalingon ako sa nagsalita. Si Luke lang pala. Kaklase ko at isa sa mga tropa ni Miko.
Ngumiti ako. "Medyo."
Tumabi siya sa akin. "Care to share? Malay mo matulungan kita." Tiningnan ko siya at ngumiti. Ang bait talaga ng taong 'to. Pero walang makakatulong sa akin sa ngayon.
Umiling ako. "Nah... Sorry, pero akin na lang siguro yun."
Tumungo siya. "Okay, ikaw ang bahala—by the way, may nagpapabigay pala." Sabi niya sa akin habang inaabot ang isang malaking pula na paper bag ng blue magic.
"A-Ano 'to?" Tanong ko. Tinanggap ko yung paper bag. Hindi siya sumagot. Ni-ngitian lang din niya ako at sinenyasan na buksan ko daw. Sinunod ko naman kaya pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang isang pink na stuff toy. Ang cute!!!!
"Kaynino 'to galing?" Tanong ko ulit. Sino kaya ang nagbigay sa akin nito?
Nagkibit balikat lang siya at namulsa. "Hindi ko sasabihin..."
"Ang daya mo naman, Luke!" Natawa ako kasi ng bigla ko siyang nahampas ay sapul siya sa mukha. Hindi ko naman sinasadya. "Ahehehe... Ay sorry!"
"Okay lang." Ngumiti lang din siya ulit. "Pinapasabi ng nagbigay sa iyo na ingatan mo daw yan. Isipin mo na lang na siya yan."
Mas lalo akong nagtaka. "Eh paano ko iisipin na siya 'to kung hindi ko alam kung sino siya?"
"Oo nga no? Hahaha. Basta, ingatan mo daw yan. Okay?"
"O-okay. Pakisabi sa nag pabigay nito, maraming salamat. Iingatan ko 'to." Kumaway si Luke sa akin at saka umalis. Tiningnan ko yung stuff toy. May nararamdaman akong pamilyar na sensasyon habang tinitigan ito.
Hindi kaya galing 'to kay Miko?
Asa naman ako! Hindi yun magbibigay no! Sino ba ako sa kaniya? Wala naman di ba? Heto na naman ako, aasa at masasaktan. Haiiist.
***
Sumunod na taon. Buwan ng Enero.
Nag prapractice ang buong year namin sa nalalapit na musical play sa pebrero. Nasa theater ako ngayon at naghihintay ng aking cue. Matatagalan pa ang scene ko dahil kakasimula pa lang. Pinagpapawisan na ako dahil kanina pa kami nag rerehearse. Nasa may likod ako ng kurtina at nakatayo habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko. Medyo hinihilot hilot ko na din ang binti ko dahil kanina pa ako nakatayo.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako (Short Story)
Romance"Akala ko, lahat ng love story, may magandang simula at may mala-fairytale na ending. Pero hindi naman pala lahat..."-Irish