* 8 *

267 7 0
                                    

A/N:

This is the last part of the story :)

________________________________________________

Sumunod na buwan, pag katapos ng theater production namin ay bumalik na kami sa buhay estudyante. Naging abala na naman kaming lahat sa paghahabol ng mga projects at exams.

Simula ng huling pag-uusap namin ni Miko, hindi na niya ako muling kinausap. Okay lang din sa akin kahit masakit dahil makakatulong ito para sa pag move-on ko. Medyo mahirap dahil magkaklase kami ni Miko pero sa tulong na din nila Lyka, Roselle at Luke ay naiiwasan ko ang pagkikita namin.

Akala ko, magiging okay na ako, pero hanggang sa dumating ang isang balita…

“Alam mo na ba ang balita?” bungad ka agad sa akin ni Jake ng pumasok ako sa loob ng classroom namin galing sa isang meeting sa student council.

“Ang alin?” tanong ko naman.

“Si Miko at Jessica na!”

(PLEASE PLAY THE SONG ON THE SIDE)

Hindi ako nakapag salita. Pero para hindi mahalata ni Jake ay ngumiti ako kaagad.

“T-Talaga? Good for him.” Sabi ko na lang at saka pumasok sa loob ng classroom at tumabi kay Lyka na abala sa pagsusulat ng research.

Kilala ko si Jessica. Mabait na bata yun. Mas bata sa amin yun ng dalawang taon. Medyo close siya sa akin kaya wala akong maipipintas sa kaniya. Kumpara kay Julie, mas boto ako kay Jessica dahil inosente pa ito at walang bisyo. Libro lang ang hilig niya.

“Irish… Condolence ha…” malungkot na sabi ni Lyka ng mapansin niya akong dumating. Bahagya akong tumawa at binatukan siya.

“Sira” ani ko at umupo na lang sa tabi niya. Saglit kaming natahimik hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.

“Ano na ang gagawin mo ngayon?” tanong niya.

Umiling ako at medyo napasinghot dahil pakiramdam ko, naiiyak na ako. Sumisikip kasi ang puso ko. Aaminin ko, nasasaktan ako. Dahil umasa ako. Umasa ako at naghintay sa kaniya. Nagbabakasakaling magtapat na talaga siya.

“Hindi ko alam Lyka.”

~Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Sana ay iyong nariring

Sayong yakap ako'y nasasabik...~

Tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase. Naunang lumabas sina Roselle at Lyka. Sumunod naman ako. Pero sa pag labas ko ay parang nabiyak ang puso ko sa napakaraming piraso.

Nakita ko na magkayakap si Miko at Jessica. Masayang nag-uusap habang magkadaupang-palad.

Nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ko.

Sari-saring emosyon ang umaapaw ngayon sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw, umiyak pero hindi ko magawa. Dahil ayokong may makakita sa akin sa ganoong estado. Kaya naman napakapit na lang ako sa may pintuan at lihim na pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi ko.

Mahal kita, Miko… pero mukhang hindi na pwede…

“Irish… okay ka lang ba?” lumapit sa akin si Lyka, sumunod naman si Roselle.

Umiling ako. May luha na naman pumatak sa mata ko.

~Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Ikaw at Ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon