Sundo

215 4 5
                                    

Ricardooooooo!!!! Sigaw ni nanay sa akin,mga ilang metro ang layo sa akin.kahit nga cguro nasa kabilang baryo ka pag sumigaw ang nanay ko siguradong maririrnig mo.Lumingon ako at patakbong lumapit sa knya

BAKIT PO? '" maang na tanong ko.medyo asar pa ako ksi naudlot ang paglalaro namin ng taguataguan ng mga kaibigan ko

Anong bakit ha? Anung oras na? Aba, ricardo pagabi na baka nmn my balak ka pang umuwi?"singhal ni nanay.ganyan si nanay pag alasingko na at wala pa aq sa bahay asahan mo aalingawngaw ang boses nyan sa buong baranggay.daig pa nga ang kampana ng simbahn kung bumagting eh,

"Kung di ka pa susunduin,hinde ka pa uuwe! Anong gusto mo jan ka n lang? Hala kunin mo n mga gamit mo at jan ka na tumira sa mga kaibigan mong amoy araw!!!" Patuloy na sermon ni nanay.kahit asar at nabibingi na ako sa kakadakdak ni nanay,eh wala nmn ako magawa kundi sumunod pauwe.ayoko nmng sa lansangan tumira noh!

Habang binabaybay namin ang daan pauwe sa aming bahay,panay pa din ang sermon ni nanay di ko n pinapakinggan kasi ung ibang linya nya kabisado ko na!..

PADILIM na pala !! Ngaun ko lng napansin na halos maghiwalay na nag liwanag at dilim..pag enjoy k nmn kasi sa paglalaro di mo mapapansin ang oras,akala mo di gumagalaw ang oras pag kasama mo mga kalaro mo!

"Hala bilisan mo ang pagllaakad at nagugutom n ang itay mo kanina ka pa nya hinahanap!" Halos kaladkarin ako ni nanay habang naglalakad.
kung makahatak sa braso ko,wagas!
Pag napilay nmn aq sobrang magaalala ! Hayyyy..nanay ko...talaga..

Teka ,parang may iba akong napapansin sa dinadaanan namin ! Parang anlayo na ng nilalakd namin samantalng ilang bahay lang ang mula sa pinaglaruan ko ung pagitan ng bahy namin,
Pero bakit parang kanina pa kami naglalakad eh di pa kami nakakauwe?
Iginala ko ang mata ko sa paligid..

Bat ganun?? Parang tahimik ang mundo?

Bakit parang walang tao sa paligid?
Bahagya akong tumigil..

"Nay?"inangat ko ang mukha ko na sobrang nagtataka sa nakikita ko sa paligid ko

"Ano ba! Bilisan mo na! ...."pagalit na sabi ni nanay,sabay hatak sa braso ko.hudyat yun na dapat sumunod aq sa kanya..

Muli kong inihakbang ang mga paa,kasabay ng paglalakad ni nanay..

Nang bigla akong napatingin sa mga paa ni nanay...

Nanlaki ang mga mata ko..

Di ko alam kong namamamalikmata lng ako...

ANG MGA PAA NG NANAY KO HINDI NAKASAYAD SA LUPA!!!!

"N-nay??" Banggit ko

Ngunit patuloy sa paglalakad ang nanay ko na nakalutang ang mga paa sa ere..

Hatak hatk nya ang braso ko at mahigpit ang pagkakakapit nya dto..

" malapit na tayo ..anak konting lakad pa.." Hindi lumilingon si inay..

Iba n din ang hampas ng hangin..
Yung parang pag dinmpian k ng hangin eh magtatayuan lahat ng balahibo mo?
Basta kakaiba!!
Kinikilabutan n aq sa pagkakataong yun ..gusto ko ng kumalas sa pagkakahawak ni nanay sa braso ko!
Gusto kong sumigaw pero parang ayaw ng bibig ko?
Parang may kong anong kapangyarihan ang pumipigil sa akin...

"Ricarrrdoooooo!!! Anakkk!"

Napalingon ako

Boses ni nanay!

Paanong si nanay ang sumisigaw at tumatawag sa pangalan ko eh kasama ko xa ngaun PAUWE?

Napatigil ako!!

Inangat ko ang mukha upang tingnan ang mukha ng aking INA na umaakay sa akin pauwe..

Halos mapasigaw ako sa takot ng makita ko ang tunay na hitsura ng umaakay sa akin!

Puting puti ang mukha nya
Matutulis ang taenga
Mapula ang mga mata
At may matutulis n ngipin!!

Nagsisisgaw ako!
Pilit akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak nya sa braso ko..
Lalo nmng humigpit ang pagkakahawak nya sa akin
Nanlilisik ang mga mata
Nagaapoy ang mga mata nya
Lalo akong nilukuban ng takot
Sumigaw ako ng ubod ng lakas!!

" NAY!!! TulongGGGGGGGGGGG!"...

Patuloy akong nagpupumiglas!
Umiiyak na ko sa takot.patuloy akong nagpumiglas!

"Ricardoooo!! AnAkk!!
Muli kong narinig ang sigaw ni nanay

"Lintek kng bata ka!! Anong ginagawa mo jan sa sagingan??"

Napalingon ako sa likuran ko.

Ang aking ina!!!

Umiiyak akong tumakbo at yumakap ng mahigpit sa aking mahal na nanay!
Humahagulgol ako

"Anong nangyare? Ha bakit parang takot na takot ka??? ""
Hagulgol lang ang tanging naisagot sa mga tanong ng aking nanAy
"Xa tahan na..umuwe ka na ,,kanina pa kita hinahanap,nakuu bata ka!
Anong oras na nandito k pa sa labas!!
Baka mamaya mapaglaruan k ng mga engkanto sa sagingan..

"Engkanto?.." Takot na sambit ko sa sinabi ni nanay..

"Oo engkanto ricardo! Engkanto! Kaya ikaw wag kang magpapagabi sa kakalaro bka madala k nila sa mundo nila..

Ilang hakbang na kami palayo sa sgingan ay lumingon ako
Nandun pa din ang replika ni nanay nakangiti,
Kumakaway sa akin
Muli akong napayakap ng mahigpit kay NANAY..

SIMULA nuon hinding hindi na ako napapaabot ng gabi sa daan..
Sumusunod n din ako sa mga utos ni nanay..
Kung hindi pa ako muntik matNgAy ng engkanto,di pa ako titino
Sabi nga eh experience is the best teacher hehehe...

To be continued...

SundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon