9
Did he just… just kiss me?
After how many seconds, bumitaw sya. Habol habol nya ang kanyang hininga. Samantalang ako ay halos di na humihinga. Gulat na gulat ako sa ginawa nya.
“Sorry…” yun lang ang nasabi nya.
Halos mawala lahat ng lakas ko sa tuhod. Bigla akong napa-upo sa may sofa, sa tabi ko.
Tinignan ko sya. Telling him what did just happen?
“Sorry, I didn’t mean… Ah, uh, I mean.. It was not my intention.” nabasa nya siguro sa mukha ko yung tanong.
Umupo sya sa tabi ko. Ina-adjust nya kung ano ang dapat nyang gagawin.
Hindi pa rin ako nakakapag-salita. Ilang minuto pa ang lumipas. Wala na ring nagsalita sa amin.
“Sorry, I kiss you. I couldn’t just take… Uhhh, this is frustrating.” siya na ang bumasag sa katahimikan namin.
I still can’t find the right words to tell him. Until one question poop on my mind.
“Are you jealous with…? Mark?” there, I told him.
“Maybe…” I thought he would deny it. As I look at him, I saw seriousness in his face. Real.
“What? But you… you have a girlfriend. Are you cheating on her? Because… Please, I don’t want to be involved in any third party.”
“Break na kami.!” sabi nya habang naka yuko. I can feel pain in his voice.
Bigla akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung aaluin ko ba sya o hahayaan. O kahit anong damay na pwede kung ipakita sa kanya.
So I decided to sit near him. Very near. I pat his back, telling him that I am here; I can be his shoulder to cry on.
Siguro, dala na rin ng problema nya at himas ko. Bigla nya akong niyakap. Sobrang higpit. Yakap na akala nya iiwan ko sya.
Kahit hindi na ako halos makahinga, hinayaan ko lang sya. Hinayaan ko syang umiyak habang yakap ako. Hindi ko din naman alam paano sya i-comfort lalo na at feeling ko sobrang in love sya kay Caroline.
“Okey lang yan. May mahahanap ka ring iba.” sabay hagod sa likod nya.
“Hindi ko pa yata kaya. Minahal ko sya Steff… Sobra.” sagot kasabay ng mumunting hikbi.
“Siguro hindi lang talaga kayo para sa isa’t isa. Na may mas karapat-dapat pa sa inyo. Lahat naman tayo dumadaan sa mga masasakit na bagay. Nasa sa atin na yun kung paano na’tin i-handle yung problemang dumating.”
“Nasasabi mo lang yan kasi hindi ka pa na-iinlove.” pang-aasar nya.
“Oh bakit. At least may nasabi ako. Di tulad mo iyak ng iyak. Akala ko pa naman tunay na lalaki.” patawa ko sa kanya.
Tinulak nya ako ng bahagya. Napansin ko rin na medyo tumawa sya ng kaunti.
“Oh! Di napatawa din kita. Hahahaha.” natatawang sabi ko.
“Gusto mo ulitin ko yung halik? Para mapatunayan ko sa’yo na lalaki talaga ang kaharap mo.” I was caught off guard. Lahat ng tawa ko kanina biglang nawala. Nag-iinit tuloy yung mukha kaya agad akong umiwas sa tingin nya.
“Di natahimik ka. Akala ko ba matapang ka. O kaya gawin na na’tin yung naiisip ko… Dito mismo sa sofa. I’m sure kasya naman tayo dito. At kaya naman siguro tayo nito” he said in a husky voice. Habang papalapit yung labi nya sa akin.
BINABASA MO ANG
The END of LOVE (On Hold)
RomanceMay mga desisyon tayong dapat gawin na hindi na 'tin gusto. Mga insidenteng hindi na 'tin inakala pero nangyayari. Mga kaguluhan sa buhay na imposible... But is it possible to love even the person you love, left you and all they left is... A memory...