16
After ng araw na mag-I love you kami sa isa’t isa, tinanong ko sya kung pwede ko na ba syang maging girlfriend. Noong una, pakipot pa talaga. Keso pag-iisipan pa daw nya o kaya minsan iniiba nya ang usapan pero sa bandang huli bumigay din sya.
Sinagot nya ako nung nakita nya akong kasama si Victoria. Akala ko ako lang ang seloso pati pala sya.
“Manang, aalis na po kami. Kayo na po ang bahala dito hah. Sa susunod na pagbalik namin, hindi na girlfriend ang ipapakilala ko… kundi… asawa na.” sabi ko kay Manang Alice.
Nasa tabi ko lang si Steff, naka-akbay ang kanan kung kamay sa balikat nya at halatang kinikilig sa sinabi ko, namumula eh.
“Oh, sya mag-ingat kayo sa biyahe. Dalhin nyo na lang yung kakanin na niluto ko para di na kayo baba pa para bumili ng makakain.” sabi naman ni Manang.
“Salamat po ulit sa pag-aasikaso sa amin Manang. Babawi na lang po ako sa susunod na makadalaw ako dito.” malambing na sabi ni Steff.
Ang sweet nya talaga.
“Sus, nakabawi ka na. Nung araw na dumating ka, alam ko bawing bawi ka na.” tinignan ko si Manang Alice, alam kong alam nya ang sikreto pero di ba nga sikreto kaya di dapat ipasabi.
“Huh? Hindi ko kaya maintindihan Manang? Ano pong naka-bawi na ako?” pagtataka ni Steff.
Tumingin sa akin si Manang at tinignan ko din sya na parang sinasabing, ‘Wag nyo po sabihin’ at mukhang na kuha nya naman.
“Basta. Oh sya, alis na kayo baka gabihin pa kayo sa daan. Mahaba pa naman yung biyahe nyo.” sabay tulak sa amin pa puntang kotse ko.
Pumaspok na kami sa loob ng kotse at nagpaalam na sa lahat ng tao na nandoon.
“I’ll miss them.” sabi Steff sabay pakawala ng isang buntong hininga.
“We’ll come back, I’m sure of that.” sabi ko sabay hawak sa kamay.
Then I saw a smile on her face. The angelic smile I like.
Hinayaan ko na lang syang matulog sa biyahe. Malapit na rin kami pero tulog na tulog pa rin sya. Alam ko din na pagod talaga sya dahil sa kasal ni Megan at yung pista sa amin.
Sobrang kulit nya kasi after ng kasal. Na gusto nya daw sya yung makakuha ng bouquet para sya na daw yung susunod na ikasal at sympre ako daw yung groom.
Nakakatawa nga kasi lahat ng gawin nya kailangan kasama ako pati pagkuha ng makakain, kailangan nandoon ako.
Sobrang sweet nya noong di pa kami pero mas naging sweet sya ngayong kami na.
“Steff… Babe, we’re here.” tinapik ko yung mukha nya pero mahina lang.
“Hmmm…” ungol lang yung sinagot nya.
BINABASA MO ANG
The END of LOVE (On Hold)
RomanceMay mga desisyon tayong dapat gawin na hindi na 'tin gusto. Mga insidenteng hindi na 'tin inakala pero nangyayari. Mga kaguluhan sa buhay na imposible... But is it possible to love even the person you love, left you and all they left is... A memory...