6
Araw ng Martes at araw ng pag-alis ni TK. Hindi nya ako pinayagan na sumama sa paghatid sa kanya sa airport kasi baka daw umiyak ako at mag-iskandalo. Kita mo tong taong ‘to aalis na nga lang nang aasar pa.
Tinext ko na lang syang ingat at God bless. Hindi ako nagsasabi ng “good luck” kasi alam ko mas better ang God bless kesa doon.
11:00am na pero di pa rin ako maka-concentrate sa ginagawa ko. Ang daming pumapasok sa utak ko, mga pangyayaring kahit ako di ko maipaliwanag. Mga nangyari noong araw ng sabado.
A message poop up my computer screen, the same name as the other day.
Hmmm… Palagi na lang itong taong ‘to ah. Hindi ko naman kilala. Nanggugulo lang siguro.
And again ignore him/her. Keep on working about the things I need to finish for the deadline but then I remember something… or someone.
“Ate Jade, absent na naman po ba si Iñigo? Hindi ko po sya nakikita ngayon.” sabay lingon sa upuan ni Iñigo.
“Uuuuyyyy, hinahanap yung lover nya. Hmmpp, sinasabi ko na nga ba, may something sa inyong dalawa eh.”
“Hindi ah.. I-I mean wala.” sabay yuko, feeling ko pulang pula na yung mukha ko.
“Eh, ba’t ka namumula. A...minin..” tumawa sya na parang kinikilig. “Ok, sige na, tama na. Para kanang mansanas sa pula. Inilipat na sya sa ibang department.”
“Ho?” gulat kung tanong.
“You heard it right. Kahapon ng umaga. Late ka kasi dumating di ka tuloy nakapag-paalam sa kanya.”
“Sa…saan pong department sya inilipat Ate Jade?”
“Hindi ko din alam eh, basta ang sabi sa high rank na daw sya ililipat. Ang bulong bulongan pa nga, sa susunod daw na makita natin sya dapat na daw tayong bumati sa kanya. Hmmpp, ewan ko ba sa mga tao dito ba’t yun ang sinasabi.” at bumalik na sa ginagawa nya si Ate Jade.
Ba’t di nya sinabi sa akin na lilipat na pala sya. Galit ba sya sa’kin dahil sa nangyari nung sabado? Hayy, boring naman. Wala na si Mr. Asar.
“Miss mo na sya noh? Ba’t ka napabuntong hininga dyan? Uyyy, miss na nya. Dalawang araw pa nga lang eh.”
“Hah..! Ah, eh.. Di kaya. Si Ate Jade talaga oh.”
Bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Ayaw ko naman tignan si Ate Jade baka mahuli na naman ako.
Habang abala ako sa pag-ta-type, bigla naman may lumabas sa computer screen ko.
Hi… I’m your new co-worker. I’m looking forward to meet you. :)
Hayyttss, ano na naman ba ‘to. Kalokohan. Mag-rereply na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sir Gerald, ang asst. ng HR namin.
“Good morning ladies, I would like you to welcome Mr. Mark Enriquez. He will be the one who will continue the work of Mr. Alcantara. Please take care of him and help him do the work. Gotta? Adios.” may pagka-bakla kasi si Sir Gerald, kaya ganoon magsalita.
Pero wait, balik nga tayo. Totoo ba ‘to? Akala ko sa Korea lang maraming gwapo. Mali pala. Kasi nandito sya! Isang gorgeous hot guy. Ang ganda ng build ng muscle nya, tapos yung mata nya pati lips. Oh so hot…
Hindi ko namalayan, papalapit na pala sya sa akin, ay este sa table dati ni Iñigo. Halos magkaharap kasi kami ng table. Nang naka-upo na sya, humarap na sya sa computer nya at nag-smirk. Shhheeekkaass, ang gwapo.
BINABASA MO ANG
The END of LOVE (On Hold)
RomanceMay mga desisyon tayong dapat gawin na hindi na 'tin gusto. Mga insidenteng hindi na 'tin inakala pero nangyayari. Mga kaguluhan sa buhay na imposible... But is it possible to love even the person you love, left you and all they left is... A memory...