11
Papunta na kami ngayon sa probinsya nya. Habang sya ang nagmamaneho, ako naman ay nakikinig sa aking ever friend headphones. Nakadungaw ako sa labas ng bintana. Tinignan ang bawat tanawin na aming nadadaanan.
Hindi naman sa galit ako sa kanya kaya ayaw ko syang kausapin. Kaya lang baka, umandar na naman yung kadumihan sa utak ko at magahasa ko sya.
Napapansin ko kasi nitong mga nagdaang araw, kung hindi mukha nya ang naaalala ko; yung labi nya, katawan, jaw line, collar bone, abs, dibdib, ilong… Ahhh, nag-iinit na naman ako. Bakit ba ganito ang katawan ko.
“Pinag-papantasyahan mo na naman ako noh?” bigla nyang tanong.
Lumingon ako sa kanya at sinabing, Pa’no mo nalaman? sa isip ko. Nilakihan ko na lang yung mata ko, para warning na rin sa kanya.
“Hahaha. Ang cute mo talaga pag ganyan ka.” sabad nya ulit.
Inirapan ko lang sya. Ano pa ba magagawa ko, eh talagang talo na ako pagdating sa pang-aasar nya.
Pinikit ko na lang yung mata ko para naman makalimutan kung asar ako sa kanya.
Nagising ako dahil sa sigaw ng mga tao sa paligid. Ayaw ko pa sanang dumilat pero makulit yung mga tao. Kung kelan gustong gusto ko ng matulog saka naman parang nasa cheering squad kung maka-tili pero naisip ko baka may artista.
Dinilat ko yung isa kung mata, tingin tingin. Ang daming tao, ang ingay naman nila. Dilat naman yung isa at…
“Raphael, sya ba yung girlfriend mo ngayon?” tanong ng isang lalaki na papalapit ang lakad sa akin.
“Hi miss. Ako nga pala si Jasper…” pakilala nya sabay lahad ng kamay.
“I’m Peter Paul.” sabi nung isa.
“Seth.” sabi naman ng isa pang lalaki.
“Robert, at your service.”
Lord, mamamatay na po ba ako? Bakit po ang daming lalaki sa harap ko. Take note, nasa loob pa ako ng kotse nyan at ni isa wala pa akong nakakamayan. Ang dami kaya nila. Tulo-laway ako nito. Hehehe
“Hoy! Mga kumag, palabasin nyo kaya muna sya bago kayo makipag-harutan dyan.” sigaw ni Iñigo sa likod katabi ang tatlong magagandang babae.
“Let me help you.” sabi ni Robert (sya lang yung natandaan ko, sya kasi yung huli) sabay lahad ng kamay nya. Ang gwapo nya.
“Mga kaibigan ko nga pala. Di ko na siguro dapat pa silang ipakilala kasi nagpakilala na naman sila di ba?” lumapit sa amin si Mr. Seleso at inagaw ako kay Robert. Sayang, kilig kilig pa naman ako doon.
“Hah?! Ah, di ko matandaan eh. Ang bilis kasi nilang magpakilala.” bulong ko na parang nahihiya.
“Tsss, ang sabihin mo gusto mo lang silang makamayan.” bulong din na sagot nya.
Bago pa ako maka-palag, dinala na nya ako sa grupo ng mga may edad. (Pangit kasi pagmatanda, may edad na lang).
“Nanay Alice, sya nga pala si Steffanie. Steff, si Nanay Alice, sya ang namamahala ng bahay habang wala ako.” pakilala ni Iñigo sa isang may edad na babae.
“Helow po, Nay. Kumusta po?” magalang ko namang sabi.
“Mabuti naman Eneng. Ang ganda pala ng nobya nitong batang ito.” sabay hawak sa ulo ni Iñigo.
BINABASA MO ANG
The END of LOVE (On Hold)
RomanceMay mga desisyon tayong dapat gawin na hindi na 'tin gusto. Mga insidenteng hindi na 'tin inakala pero nangyayari. Mga kaguluhan sa buhay na imposible... But is it possible to love even the person you love, left you and all they left is... A memory...