10
Bago ako umalis sa condo nya, pinagluto ko muna sya ng pagkain. Marami rin naman kasi syang pagkain sa ref, siya lang siguro nagluluto para sa sarili nya.
Pumasok ako na maga yung mata. Ikaw ba naman matulog na dalawang oras, di kaya mamaga yung mata mo. Halos di na nga ako natulog kasi malapit na pala duty time ko.
Sa loob ng department, di ko matignan si Ate Jade kasi madami akong gustong itanong at kompermahin sa kanya.
Iniiwasan ko sya buong umaga. Nung lunch time na, bigla nya ako tinawag.
“Steff, lunch na tayo?”
Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Nahihiya kasi ako pag-nalaman nyang nagkakagusto na ako kay Iñigo. Guilty kumbaga. Sabi ko pa naman noon na hinding hindi ko papatulan yun. Haayyy, wag kasi magsalita ng tapos.
“Si…sige Ate Jade. Mauna kana lang.”
“Okey.” at umalis na sya. Buti na lang di sya namilit.
12 noon na pero wala pa ring Iñigo Alcantara na may ari nitong kompanya ang nagpapakita sa akin. Baka di makabangon dahil sa hangover.
May nag-text sa akin. Isa sa mga kaibigan ko, si Gellaine.
Kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo, siguro ay wala talaga syang barya kaya wag kang magbigay ng buo.
Heartbroken na naman siguro ‘to. On-off kasi yung relasyon nila ng boyfriend nyang si Kian. Habang nagbabasa ako, may naalala ako saglit. Si Iñigo, mapagtripan nga.
Sinend ko sa kanya yung quotes. Pang-aasar lang. Ano kaya magiging reaksyon non. Hahaha. Pag-nagalit, BITTERR..
Hapon na at wala pa rin akong natanggap na reply mula sa taong inaasar ko. Paglabas ko ng building, maglalakad na ako pauwi ng may tumawag sa akin.
“Steffannie!” kilala ko kung sino ang may ari ng boses na ‘yun kaya di ako lumingon at naglakad ulit.
“Steffanie Ramos, hintay.!” humabol sya sa akin. Ngayon nasa tabi ko na sya.
“Ano kailangan mo?” sungit kong tanong sa kanya. Bad trip eh, walang response sa taong hinihintay mong mag-text.
“Sungit! Meron ka noh?” sabay tawa ng malakas.
“Bwesit ka! Wala kaya. Wala lang ako sa mood. So, ano na? What do you need?” walang gana kong tanong.
“Itatanong ko lang kung anong available day and time ka this weekend. Bisitahin ulit natin yung foundation.” galak nyang sabi ni Mark. Na-excite naman ako doon. Yes, pupunta ulit kami.
“Teka, isipin ko muna.” habang nag-iisip ako, biglang tumunog yung phone ko.
Di ko na tinignan kung sino at sinagot ko na agad. “Hello.?”
“Akala ko ba di mo ako iiwan at iiwas ka sa taong yan? Alam mo naman na nagseselos ako sa kanya di ba?” at binaba ang telepono.
I didn’t expect it, every words he just said. Naalala ko lang nung tinanong ko sya kung nagseselos ba sya kay Mark. Joke lang naman sana yun kaso sumagot sya ng “Maybe”
Bumalik lang ako sa ulirat nung may yumugyog sa akin.
“Hoy! Parang may kumausap sa’yong multo hah. Okey ka lang?”
“O..Okey lang. Di na pala ako pwedeng sumama sa’yo Mark. May… may kailangan pa pala akong gawin sa mga susunod na araw. Sorry.” sabay lingon lingon kahit saan makita lang ang hinahanap ko.
BINABASA MO ANG
The END of LOVE (On Hold)
RomanceMay mga desisyon tayong dapat gawin na hindi na 'tin gusto. Mga insidenteng hindi na 'tin inakala pero nangyayari. Mga kaguluhan sa buhay na imposible... But is it possible to love even the person you love, left you and all they left is... A memory...