Chapter 4: Zio Edmundo Alfonso

64 1 0
                                    

4

Pagdating namin sa venue, ang dami ng tao. Sosyal lahat. Hindi ako sanay sa mga gathering lalo na kung mayayaman ang kasama. I admit mayaman si Lolo pero hindi naman yun palaging nagpapa-party. Kung may handaan man, tuwing kaarawan lang at anibersaryo na hinahanda sa rancho. May lupa kasi ang lolo ko sa bukid, isa sa resthouse nya, para naman daw maiba hindi puro building ang nakikita.

Sumusunod lang ako kay Caroline, wala naman kasi akong kakilala dito at puro pa mayayaman. Hindi ako sociable na tao pero di din naman ako anti-social.

Bawat tao na madaanan namin ay binabati nya o kaya ngingitian nya. Nahahawa na rin ako sa kanya kaya ganoon din ang ginagawa ko.

Lumapit sya sa isang magandang babae.

“Hi Faye, this is Steffannie Ramos, a friend. Steff, she’s Faye Carter, the organizer of this event and... the designer.” bigatin.

“Hi.” sabay shake hands. “Wow, what an opportunity to meet someone like you. Mahilig din ako sa fashion pero ayaw ng fashion sa akin eh.” Tumawa kaming tatlo.

“Don’t say that. Everyone deserves a try. Gusto mo gawin kitang model sa susunod kung project?” tinignan nya ako mula ulo pababa. “Maganda ka naman, may hubog yung katawan mo. Why not? Wanna try?” she smile so sweetly.

“Oh! No thanks. Hindi ako sanay sa crowd baka masira ko lang ang show.” Tawa ng konti.

“You should build first your confidence, dear. Feeling ko kulang ka lang nun.” sagot nya.

“Faye, tawag ka ni Rick.”  sigaw ng isang babae na matangkad.

“Excuse me for a while, may kakausapin lang ako. Enjoy yourselves. The night is very beautiful.” sabi nya at umalis na.

“Gusto mong uminom?” tanong ni Caroline.

“Oh, sure. Matagal na rin nung huli kung inom ng alak.” sabay bigay ng isang glass ng white wine sa’kin ni Caroline.

Dahan dahan kung ininom ang laman ng glass. Party etiquette. Palinga linga ako kasi feeling ko may taong nakamasid sa akin.

May biglang kinawayan si Caroline, isang mid 40’s na lalaki. Lumapit ang lalaki sa amin.

Buona sera signor Alfonso. Come stai??" (Good evening Mr. Alfonso. How are you?) sabi ni Caroline kay Mr. Alfonso.

“Sto benissimo e tu? Bello come sempre." (I’m fine and you? Beautiful as ever) sagot nito. Hindi ko na maintindihan yung ibang pinasasabi nila kasi di naman talaga ako magaling ng Italian.

Lumingon ako sa iba’t ibang bahagi ng room. Marami talagang tao, yung iba matatanda na, may ibang ring kasing edad ko. May mga lalaki, may gwapon rin. Masaya ‘to, boys hunting. Hahaha..

“Steff, ipapakilala kita.” sabay kalabit sa’kin ni Caroline.

“Steff, I’d like you to meet Mr. Alfonson...” hindi ko na siya pinatapos. Bumulong ako ng…

“Hindi ako marunong mag-Italian.”

Tumawa sya. “Try him. Marunong yang mag-English.”

Naka-smile na si Mr. Alfonso ng tignan ko. “I’am Edmundo Alfonso.” sabay lahad ng kamay. “And your name, young lady?”

“S-S-Steff.. Steffanie Ramos. Nice to meet you Sir.” smile at wag kang kabahan, girl. Sabi ko sa sarili ko.

“Steffanie Ramos, nice name. Kasing ganda mo.” sabi nya matapos halikan ang aking kamay.

“Marunong po kayong mag-tagalog?” gulat kong tanong.

“Oo naman. Tumira din naman ako dito ng tatlong taon bago ako bumalik sa Italy.”

Tumawa ako ng konti, “Hahaha, kala ko po di tayo mag-kakaintindihan.” I smile sweetly. “Bakit po kayo bumalik sa Italy? Ayaw nyo po ba dito?”

“Not quite. It’s just that, I still need to finish some business there.” he smiles with me. “You know what, I remember someone whenever you smile.”

“Really? Maybe your wife. Do I look as pretty as her?” galak kong sabi.

“No… not really. Just someone in my past. Well, it was long ago. Let’s drop it and savor the event. Are you enjoying your night?” he asked.

“Yes sir. It’s my first time to attend this kind of event. Hindi po kasi ako mahilig sa ganito.” binulong ko yung huling pangungusap.

Tumawa sya at sinabing, “Pareho pala tayo pero you know what hija… You need to socialize because in business people need to attract their client to closet a deal.”

“Kaya po pala mahilig kayong makipag-kaibigan.” tumawa ako ng konti.

“Hindi, magaan ka lang talagang kasama.”

“The show will start, NOW…!!” the emcee announced.

“Magsismula na po pala. Halika po kayo. Dito po tayo.” umusog kami sa may unahan kung saan mas nakikita ko yung mga models.

Halos malaglag ang panga sa sobrang ganda ng palabas. Lahat ng models ay magaganda at gwapo. Hindi ko maalis ang mata ko sa kanila.

“Gusto mo bang sumali sa kanila? Kilala ko si Faye Carter, yung designer nyan. Gusto mo?” tanong nyang tila galak na galak.

“Hindi po. Hindi po ako bagay dyan...”

“Maganda ka naman ah. Matangkad. Maputi. Paanong di ka bagay sa isang fashion show.” pagtataka ni Mr. Alfonso.

Nginitian ko sya at sinabing “Wala po ako ng tinatawag na confidence… Sir Alf…”

Zio... Zio na lang. It means Uncle in Italian. Just believe in yourself, no one will do it except you.”

“But…Mr… Ah, I mean Zio..

“I will help you build your confidence and in time you will be the one to develop the courage… in you.” tinignan ko sya dahil sa sinabi nya.

 “Know what, someone told me this, to succeed in life, you need two things: ignorance and confidence, it was quoted from Mark Twain. See, you need to be confident and ignore them. You are the one who makes your future; we are just your guide.” hindi ko maintindihan, parang may gustong iparating si Zio.

I smiled with him as he smiles back. There is something in him that I can’t understand. Something called…

home.

The END of LOVE (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon