Chapter 17: Faces of the Night!

801 7 0
                                    

Mira's POV

Haay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Parang ito na yung pinakamasayang araw sa buhay ko. Sa wakas .. Hindi na rin ako aasang mahal nya rin ako.. Kase mahal nya nga talaga ako! All this time kase, akala ko hanggang pangarap na lang ako .. Yun pala .. Destiny has something in store for me, at si Chris yun. Grabe, nagsayang lang ako ng luha ko nung umiyak ako dahil sa kanya noon. Tapos para pa akong tanga kase nag-emote-emote pa ako. Haay ..Ayoko nang matapos tong araw na to. 

Sabay kaming bumalik ni Chris sa quadrangle, malamang kase hinahanap na rin ako nila Ellie at Fam. 

Pagdating namin ..

Nakita kami ng maraming tao ..

Lahat ata sila nakita kami. At lahat sila ganito ang mukha .. 0_0 Parang katulad lang nung mukha nila Daddy,Mommy at Lira kanina .. Siguro kase nagtataka sila kung bakit kami magkasama. 

BULONG.

BULONG.

BULONG.

"Ano ba yan? Bakit sila magkasama? Err. Yuck kadiri yung girl oh."

"Oo nga eh, hindi sila bagay. Di hamak namang mas bagay kami ni Papa Chris!"

Ano ba 'tong mga 'to! Nagbulungan pa, rinig na rinig ko naman! Hmmp! Pasalamat sila mahaba ang pasensya ko ngayon. HMMP!

Lumayo na lang muna ako kay Chris .. kase baka pati sya madamay sa iskandalo. Ayoko namang mangyari yun. Pumunta na lang ako sa upuan ko kanina, at nandoon sila Ellie at Fam. Miski sila rin pala, gulat na gulat.

At habang papunta ako sa kanila ..

"Hmmp! Ang panget naman nya, she looks haggard. And, hindi talaga sila bagay ni Chris. Ang gwapo kaya ni Chris para sa kanya!"

"Right girl, and how could Chris be attracted to that kind of girl? Ni hindi nya naman kayang pantayan ang standards ni Chris sa mga babae."

Aba sumosobra na 'tong mga 'to ah! Leche. Isa pa talaga, pag ako nabadtrip susupalpalin ko isa-isa mga mukha nyo! Pero, magpigil ka muna Mira. Konting pasensya pa.

"Yuck! Stupid girl! Hindi kayo bagay ni Chris!"  sabi nung babae na pumunta pa sa harapan ko para ipagsigawan yung mga salitang yun.

"Aba! Kanina pa ako nagtitimpi ah! Bakit ba? Magaganda ba kayo para pagsalitaan ako ng ganyan?     Perpekto ba kayong mga tao para husgahan ako? Ang yabang nyo. Hindi porket ganito lang ako, na mababa ang uri hindi na ako pwede magkagusto sa kanya. Oo. Gwapo nga siya, sikat sa school at pinagkakaguluhan ng maraming magaganda't sexy na mga babae. Pero .. mahal ko pa rin sya kahit ganito lang ako! Kaya sana wag nyo na ako guluhin! Nakakabwiset kase kayo!"

"Tama na Mira, tara na. Umupo ka na lang muna." sabi ni Ellie.

"Oo nga Mira, wag mo na lang silang patulan ulit. Inggit lang sila sa'yo." sabi ni Fam.

At dahil medyo nahimasmasan na ako nun, umupo na lang ako sa isang tabi. Pinipilit kong wag umiyak para hindi ako magmukhang kawawa .. Ayoko talaga kaseng umiyak dahil lang sa mga sinasabi nila.

Kumain kami nila Fam at Ellie .. Madami-dami ang nakain ko .. Kase naman eh !! Nakakabad-trip !! Ikaw ba naman ang ipahiya sa lahat ng mga tao ? Eh di syempre yung mga sama ng loob ko .. Ibinuhos ko sa pagkain .. 

"Okay guys and gals .. Let me interrupt for just a minute .. I hope you are enjoying the party. I guess you have a lot of friends now! And since its our Acquaintance Party, we have our faces of the night. Faces! So it means it is more than one. Yes! Its two. We will choose a girl and a boy as the faces of the night. The faculty members will serve as the judges, and they will judge each and everyone of you. At yaman lamang na first time ito sa history ng ating school, ang mapipiling Faces of the Night ay kailangang .. KISS ! Oo. Tama ang narinig nyo, KISS! It means they will kiss.  Pero, wag kayo mag-alala, dahil kayo ay mga college students pa lang, at ang ilan sa inyo ay di pa ganap na adults, maybe ung kiss ay sa cheeks na lang. "

"Ayyiiee!!" sabi ng karamihan.

Yung iba naman .. 

BULONG.

BULONG.

BULONG.

"Sigurado akong si Chris na ung isa sa mga Faces of the Night."

"Oo nga. Sino naman kaya yung isa?"

"I'm pretty sure si Kate yun. Nakita mo ba kanina nung hinalikan ni Kate si Chris sa cheeks? Kyyyahhh! So pretty. Bagay talaga sila."

Ay.. So talagang pinaparinig pa nila sa'kin yung mga bulong-bulungan nila. Leshe tlaga to eh. Kabadtripp! 

"And .. the Faces of the Night are .. "

"Mr. Chris Residencia and .."

"Ms. Ma. Frencheskka Elaine Mira Verde!"

Haay .. Sino kaya ang nanalo? 

I'm sure si Kate at si Chris.  Hayy.

"Can we call on Ms. Verde here on the center stage?"

BULONG.

BULONG.

BULONG.

"Ha? What did the emcee just say? That girl? Eww."

"May taste ba ang mga faculty members sa school na 'to? Bakit sya ang nanalo? Bakit hindi si Kate?"

Ha? Ano bang pinagsasasabi nila? Sino ba kase ang nanalo? 

"Ui Miraaaa! Ikaw ang nanalo!!" sabay na sabi nila Ellie at Fam with matching talon pa na para silang nanalo sa lottery. 

Ako ba daw?

Weh?

Talaga??

Totoo?

The next thing I knew was ..

Anjan na si Chris sa harap ko .. At ino'offer nya ang kamay nya. [KILLEEGG!]

"Shall we?"

Ayan na naman ang bidang bida nyang dialog- SHALL WE? HAHAHA.  With matching sweet smile. PAMATAY talaga. 

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Sa stage .. Nanalo tayo Mira .. "

BOOM. Katangahan ko na naman ang umiral . Bakit ba hindi ko narealize nung una pa lang na nanalo pala kami ??  Pero ayos lang naman kase .. Sinusundo naman ako ng  .. PRINCE CHARMING, at KNIGHT IN SHINING ARMOR ko .. OHdiba? Ang taray ! ^________^

Dahan-dahan kong inabot ang kamay ko sa kanya .. 

Wooh! This is eett! This is the moment I've been waiting for! *punas-punas ng luha*

Thank you. Thank you! *kaway kaway* 

"Okay ka lang ba Mira?"

"A..ah.. Oo. Okay lang .. "

Nung nasa stage na kami ..

Hindi ko inaasahan na ..

"Kiss !!" sabi nung ibang nasa may right side ko. 

Ha? Ano ba daw? Kiss? Hala! Hindi pa ako ready !! 

"BOO!!" sabi naman ng mga nasa left side ko. 

Ano ba??

Habang sobrang confused ako dito .. 

Inagaw bigla ni Chris yung microphone sa emcee. 

"Mahal ko po si Mira, at kung may angal kayo sa bagay na yon, BETTER KEEP OFF MY SIGHT!"

Galit ba si Chris? 

Ano ba kase ang nangyayari ?? ?_?

Biglang natahimik ang lahat.  Yung mga babae na kanina lang eh wagas ang lait sa'kin .. Ngayon parang napagalitan lang ng teacher. 

Humarap sa'kin si Chris. Yung mukha nya hindi ko talaga maexplain. Hindi ko matagalan ito. Tumingin ako sa left side ko. Nakita ko si Kate. 

Nung nakita nya akong nakatingin sa'kanya ..  Parang may sinabi sya .. Hindi ko alam kung ano, tapos bigla na syang nagtatakbo paalis. 

"Mira .. "

"Hmm??" sabay pagharap ko kay Chris. 

*kissss*

The UNEXPECTED.Where stories live. Discover now