Chapter 4: Paano kaya?

1.1K 6 0
                                    

Mira's POV

                                                                         RECESS TIME

Hala?! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala! Isa ito sa mga wish ko! Ang maging kaklase ko sya, at mapansin nya rin ako. 

"Ellie! Sampalin mo nga ako!" sabi ko kay Ellie. Kaya ginawa nya. 

"Aray! Ang sakit naman!" 

"Tange ka pala eh, nagpapasampal ka kay Ellie, eh alam mo namang sadista yan!" sabi naman ni Fam na kakadating lang.

"Fam, baka gusto mong sampalin rin kita?!" sabi ni Ellie.

blah.blah.blah.

Nagbangayan na naman 'tong dalawa.

Wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.  Napatunganga kasi ako kay Chris, na nakita kong bumibili sa stall ng canteen. Grabe. Ganun pa rin sya. Friendly, kasi ang dami nya na kaagad kabarkada, first day pa lang naman. Syempre, GWAPONG GWAPO pa rin! Haayy. Kailan nya kaya ako mapapansin?? 

"Hoy Mira!" sabay na pagsigaw nung dalawa. Nagulat ako.

"HAHA!" tawa ni Fam

"Oh bakit? Bakit ka tumatawa Fam?"

"Tumutulo na kaya laway mo Mira!" sabi ni Fam na tawa pa rin ng tawa.

Tinignan ko si Ellie, na mukhang nagpipigil ng tawa. Pinunasan ko gamit ng kamay ko yung bibig ko.

"Oo nga, tulo na laway ko! Nakakahiya!"

"HAHAHA. Actually kanina pa ako nakatingin sa'yo, nagpipigil ng tawa. HAHAHAHA" sabi ni Ellie.

"Hmmp! Ewan ko sa inyo! Kahit na tumutulo ang laway ko, maganda pa rin ako. Bleh!" palusot ko na lang sa kanila.

"Oh ano, nakapagdecide ka na ba?" tanong ni Ellie. 

"Na ano?! Hindi kita maintindihan." 

"Haay. Sabi na nga ba hindi ka nakikinig eh. Sino bang.. (sabay tingin nya sa direction kung saan ako nakatingin kanina) ay, kaya naman pala. Si Mr. Handsome naman pala ang tinitignan eh." sabi ni Ellie.

"Hindi ah!"

"Sus! Palusot oh! Aaminin mo ba o tatawagin ko sya?" sabi ni Fam. Kahit kelan talaga ang lakas ng loob netong kaibigan kong 'to.

"Weh? Kaya mo?"

"Oo! (Tumingin sya sa kinaroroonan ni Chris, at akmang tatawagin talaga nya)"

"Wag! Oo na oo na. Sya na. Pero please Fam, wag mo sya tawagin, please?"

"Oh, yun naman pala eh, aamin din!" sabi ni Fam.

"Uyyy!!" sabay na asar ng dalawa sa'kin. 

Napalakas ang asar nila sa'kin. Sa sobrang lakas, napatingin sa amin yung iba pang nasa canteen, pati na rin si Chris at yung mga kabarkada nya.

Nagkatinginan kami, pero binawi nya agad yung tingin nya, at umalis.

Meanwhile,

"Sorry po, sorry" sabi nila Fam at Ellie sa mga nakatingin.

"You can continue now." suplada kong sagot sa kanila. Kaya agad silang nagsikainan ulit.

"Mira, wala ka pa bang balak kumain? Gutom na kami eh." sabi ni Ellie.

"Oh sya, umorder na kayo, my treat."

"Yehey!" parang bata talaga tong dalawa. XD

Habang umoorder sila, naalala ko na naman si Chris. Bakit kaya sya ganun? Bakit sa akin hindi sya friendly? Iniignore nya lang ako. Pero, yung tingin nya kanina, seems like meron syang gustong iparating, Pero, nah, baka wala. Ang assuming ko naman. Isang napakagwapong katulad nya? Magkakagusto sa'kin? In my dreams.

"Oh Mira." sabi ni Fam sabay abot sa'kin ng Burger at Juice. 

"Thanks." 

"Oh ano? Ano nang desisyon mo?" sabi ni Ellie

"Anoo baa kashee yoownn?" 

"Haha, tapusin mo nga muna yang kinakain mo. Don't talk when your mouth is full. Pero sige, I'll explain na lang muna. Well, I'm thinking to have a nightout sa house, lahat ng classmates natin isasali ko. Kinda like aquaintance party lang. Para naman makilala natin ang isa't isa. Si Fam, naka-oo na. Ikaw? Wanna come?" sabi ni Ellie.

Wait! Did you just say? na kasali lahat? So it means kasali si Chris?! Oh my God! Nilunok ko na kaagad ang kinakain ko sabay inom ng juice.

"Oo! Oo sasama ako!!" sabi ko with a big,big smile.

Sabay ring ng bell. 

Nagmadali kaming pumasok nila Ellie at Fam sa fourth period class namin. Buti umabot.

"Good Morning class, I'm Miss Torres, your professor for this subject. I don't really know all of you, so may you please introduce yourselves in front." 

Hannubayan. Kung kailan fourth period na saka pa magiintroduce ng sarili.

"You're first,man in front, at the right corner."

"Tss. I'm Prince Montemayor. Now, can I please take my seat mam?!"

Ang sungit! 

blah.blah.blah. 

"Next!"

Kumakabog na naman yung puso ko. Katabi ko sya di ba?! Haay! Dedma lang sya sa'kin.

Lumilipad na naman ang isip ko.

Paano ko kaya sya kakausapin? I mean, kakausapin ko ba? 

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, bigla akong kinalabit ni Ellie.

"Mira, ikaw na."

"Huh?! Ako?!" 

"Oo, tumayo ka na, kanina ka pa tinatawag." pabulong nyang sabi.

Sa sobrang panic, bigla akong napatayo, at dali daling pumunta sa unahan. Tahimik lahat. Hindi ko alam kung paano ko iiintroduce ang sarili ko.

"Introduce yourself, miss." sabi ni Chris.

"Ahh. okay. I'm Maria Frencheskka Elaine Mira Verde, Mira for short. Its so nice meeting you all. By the way, I can be your friend." sabi ko sabay ngiti. Para hindi halatang kinakabahan.

Pagkatapos ay umupo na ako. 

Sa pagupo ko, may naalala na naman ako. 

Isang bagay na nakakapagpagulo pero nakakapagpakilig sa akin..

[Flashback ung kaninang umaga]

"Oh my  God! Chris?!"

"M..m..mira, ikaw p..pala."

[End of Flashback]

First Day pa lang 'to ah.

Hindi ko naman sya kaklase dati ..

Pero bakit nya alam ang pangalan ko?  Paano nya nalaman? Ngayon nga lang ako nakapagpakilala ah.

The UNEXPECTED.Where stories live. Discover now