EPISODE NINE
Uwian na. Sama-samang lumabas ng school sina Elza, Anna, at Xienne. Sa kanilang paglabas, may dalawang babaeng lumapit sa kanila.
GIRL1: Ate, ate, may nagpapatawag po sa inyo. Gusto nya daw po kayong makausap. (Maamo.)
XIENNE: Sa’kin?
ELZA: Ay hinde, hinde! Baka sa’kin? Sayo nga nakatingin eh. XD
GIRL2: Ate, sumama ka na lang po sa’min.
XIENNE: Ah eh ' Sino bay un?
GIRL2: Ayaw po magpakilala eh. Basta may mahalaga daw po syang sasabihin.
XIENNE: Hmmm… Pano yun? (Napatingin kay Elza at Anna. Nakapout.) Mauna na kaya kayo?
ANNA: O sige,sige. Bye bye! Ingat.
XIENNE: Ingat!
GIRL2: Ate, tara na po! :>
XIENNE: Okay. (Sumunod sa kanila.)
Dinala ako ng dalawa sa isang tagong lugar sa lungga ng mga sorority. Ngunit hindi ko alam ang tungkol dito. Sa aking pagtayo sa kalagitnaan, agad akong tinalian ng dalawang babae kasabay ng paglabas ni Jessica at ang buong sorority. Sa mga puntong yon, pinindot ko na ang emergency button sa iWatch ko. Nagsalita si Jessica.
JESSICA: Oh, nandito ka na pala! Anung ginagawa mo dito? Ba’t ka nakatali, huh? Ay! Nakamasking tape pala yung bibig mo Teka, tatanggalin ko. (Tinanggal ng biglaan ni Jessica ang tape. Masakit yun! Pinagtawanan nya pa ko.) Oh poor Xienne, how are you?
XIENNE: Anong kailangan mo?
JESSICA: Aba, at nagawa mo pang mag-angas ah! (Sinabunutan ako ng walang kalaban-laban.)
XIENNE: Ganito ka ba lumaban? (Laughs.) you’re weaker that I thought.
JESSICA: Anong sabi mo?! (Galit.)
XIENNE: Binge?
JESSICA: Ah ganon?! Girls! (Lumapit yung mga babae at binugbog si Xienne.)
XIENNE: Go on Jessica! The more you hurt me, the more you dig your own pit. Go on bury yourself! [Gosh, bakit wala pa yung SC?]
JESSICA: At ang taas pa rin ng confidence mo ah! Why don’t you try to shout nang may makarinig sa’yo at iligtas ka?
XIENNE: Bobo ka ba? E dinala nyo nga ako sa tagong lugar eh!
JESSICA: Sumosobra ka na !>.<! (Sinampal si Xienne.)
Samantala, nung pinindot ko kanina ang emergency button, na-alarma ang Student Council …
LLOYD: Ano kaya ang nangyayari kay Xienne? Hindi ba’t uwian na?
KEI: Ayon sa tracker, si Xienne ay nasa labas ng school, sa street wherever. Mukhang sa isang tagong lugar.
TRISTAN: At ano namang ginagawa nya dun?
ELLE: Posibleng may kinalaman to kay Jessica.
LLOYD: Hindi nya kaya.~
TRISTAN: Puntahan natin si Xienne!
ELLE: Right. Come-on, guys!
______________________________________________________________________________
Dali-daling pumunta ang Student Council members sa kinaroroonan ko. Sakto, pagkadating nila, tinutorture ako ni Jessica at ng mga kasamahan nya. Tulala lahat sila. Ang ganda ng eksena, tila action movie lang. The worst part is, sira na ang beauty ko. Kelangan ko nang mag-retouch! Feeling ko talaga bida ako sa isang teleserye at sasagipin ako ng leading man ko. Kaso wala sya dito ngayon. Siguro hindi talaga pang love story ang eksenang to. Kundiman City Hunter, Power Rangers nalang tutal marami naman silang sasagip sakin. Imbes na magseryoso sa sitwasyon, natatawa na lang ako. Ang weird kasi eh! Promise!
ELLE: What’s going on here?! (Pasigaw.)
TRISTAN: Xienne!
JESSICA: Wag kayong makialam dito!
ALESSANNA: Hindi ka pa rin ba nadala, Jessica?
ELLE: Boys, get Xienne out of here. Well take care of these girls.
NIKKO: Huh? Parang baliktad ata? Nevermind.
ELLE: If you want fight then fight! Don’t let these people escape. (Sa paglapit ng boys kay Xienne, hindi nanlaban ang mga babae, malamang dahil nahumaling sa mga ito. Kusa silang sumuko. Tinanggalan na nila ng tali si Xienne then, kinuha nila ang mga I.D. ng mga babaeng estudyante na nandon..)
TRISTAN: Xienne, okay ka lang?
XIENNE: (Naiyak.) Thank you, guys! Nakakatouch! T.T
KEI: Good thing you pressed the emergency button!
NIKKO: Thanks to Kei’s iWatch! XD
ALESSANNA: Halika na, Xienne. Let me clean your wounds.
XIENNE: (Nods.)
After Alessanna helped me clean my wounds, the Student Council accompanied me home and explained what happened to my parents. It’s good that my mother calmed down after hearing this. Then she cooked us dinner, yun, kahit na hindi maganda yung nangyari kanina, nagtapos yung araw nang masaya. Salamat sa iWatch. =D At syempre sa Student Council.
______________________________________________________________________________
Makalipas ang ilang araw, naging maayos na ang lahat. Wala na rin ang bruhang si Jessica, nabuwag din ang sorority nila. Astig talaga ang Student Council! Sa sususnod na kabanata, matutuklasan natin ang ilang lihim sa pagkakaibigan naming lima, si Elza, Anna, Carlo, Trsitan at ako! Hmmm… Tawagin nyo nalang kaming the Friendships! Haha. Walang maisip eh. XD Continue reading! ^^ See’ya on the next page!
BINABASA MO ANG
My Song Lyrics: Art of Letting Go
Teen FictionPara sa mga nasaktan, para sa mga iniwan, para sa gustong magmove-on pero 'di magawa, at para sa mga umaasang magmamahal muli... My Song Lyrics presents "Art of Letting Go", a story about love, friendship, and simple happiness that lasts. Xienne, th...