EPISODE TEN.
Month of September. Ang mga nakalipas na araw ay ordinaryo lang. pagkapasok sa eskwela, parang naiba yung atmosphere. Anna and Elza were supposed to greet me good morning, but they didn’t. Inisip ko na baka nakalimutan lang nila. Recess time, sama-sama parin kaming kumakain. Hindi umiimik ang dalawa. Si Carlo, makulit pa rin naman, si Tristan, ganun pa rin. What’s wrong with them? Tinatanong ko yung dalawa, hindi rin daw nila alam. Magkaaway kaya sila? Pagkatapos kumain, gaya ng usual naming ginagawa, ako naman ang nagyayang maglaro ng “Spin-the-Ballpen”.
XIENNE: Kung sino satin yung matapatan ng ballpen, sasabihin kung ano yung bagay na tinatago nya sa grupo. Okay ba? (Sumang-ayon yung dalawang mokong.) Eto na game. (Inikot ko ang ballpen, alam kong hindi naman nakatingin yung dalawa kaya tinapat ko kay Elza.) Elza, sabihin mo na.
ELZA: (Kinakabahan, teary-eyed.)…May…may… May boyfriend na ako. (Napayuko sa hiya.)
XIENNE: T-Talaga? O_o
CARLO: (Humalakhak ng todo.) Hahaha!!! Ikaw? May boyfriend? Ano! Impossible! Sinong magkakagusto sa tulad mo? Hahaha.
XIENNE: Tumigil ka nga dyan Carlo.. Eh, sino naman yang boyfriend mo?
ELZA: (Kinabahan lalo.) Si… si… Alex… Alex Villafuerte.
XIENNE: Si Alex? Yung ex ni Anna? (Napatingin kay Anna. Si Anna nagwalk-out.) Teka, Anna!~ (Tuloy lang sa pagwalk-out.) Elza, kelan pa?
ELZA: Isang buwan at ilang araw. Sorry, Xienne.
XIENNE: Bakit ngayon mo lang sinabi?
ELZA: Kasi magagalit si Anna, T.T Shen, anong gagawin ko? Galit na sakin si Anna! T.T (Umiiyak.)
XIENNE: Eh natural magagalit yon! Kelan nya ba nalaman?
ELZA: Kahapon, nakita nya kaming dalawa ni Alex. T.T
XIENNE: (Sigh.) Mabuti pa kausapin natin si Anna. Tapos ipaliwanag mo lahat.
ELZA: Yun nga eh, ayaw nyang makipag-usap sakin. T.T
______________________________________________________________________________
Matapos nun, sinubukan ko ding kausapin si Anna.
XIENNE: Anna.. Okay ka lang ba?
ANNA: (Umiling.) Wag muna nating pag-usapan yung tungkol don, Shen.
______________________________________________________________________________
Kinabukasan, hindi pa rin nagpapansinan yung dalawa. Nung uwian na, sinubukan ko silang pagsamahin.
XIENNE: Mag-usap nga kayo! Kung pinahahalagahan nyo yung pagkakaibigan nyo, wag nyo na ‘tong patagalin, Sige na. (Iniwanan ko sila.)
ELZA: Anna~
ANNA: Alam ko na. Sorry diba? Yan yung sasabihin mo?
ELZA: Anna, wag naman tayong ganito oh. Kahit ano gawin ko just to win you back!
ANNA: Okay. I want you to break up with him.
ELZA: Pero mahal ko sya Anna ~
ANNA: Sabihin mo gagawin mo lahat diba?
ELZA: Bakit ka ba nagagalit? Ano bang mali?! Bakit? Gusto mo pa ba si Alex, huh? Sabihin mo!
ANNA: (Nagalit.) Oo, bakit?! Are you satisfied with that answer? Elza, alam mo nung una pa lang kung bakit kami nagbreak. And you’re telling me gusto ko pa sya? Eew.
ELZA: Eh kung ganon, anong pinuputok ng butsi mo? I mean, ba’t ka pa nag-iinarte?
ANNA: (Sa sobrang galit, napaiyak.) Akala ko alam mo kung bakit. Let’s end this here. (Tumakbo paalis.)
______________________________________________________________________________
Habang tumatakbo si Anna, nakasalubong nya si Tristan. Nakita ni Tristan na umiiyak si Anna kaya tinanong nya ‘to. Anna stopped and cried loudly. Then Tristan took her to the crowdless stairway and sat.
TRISTAN: Anong nangyari sayo, Anna? Ba’t ka umiiyak?
ANNA: (Sniffs.) Si Elza… ~ (Sniffs.)
TRISTAN: Akala ko nag-usap na kayo. Hindi pa ba kayo nagkaayos?
ANNA: Oo eh. =(
TRISTAN: Ano bang problema? Pwede ko ba malaman?
ANNA: Ganito kasi yon… Elementary palang kami ni Elza, sya na yung bestfriend ko. Hindi sya nagtago ng sikreto sakin ever! Pero ngayon, naglihim sya sakin… Nagkaboyfriend sya nang wala man lang akong ideya. Ang worst of it, yung bastardong ex ko pa! (Cries.) Pano kung lokohin din sya nun? Pano pag lumayo na sya sakin? Anong gagawin ko? (Sniffs.) :’(
TRISTAN: (Taps Anna's shoulder.) Bakit hindi mo sinabi sa kanya? (Sa mga puntong yon, napadaan ako sa likod nila ngunit hindi lang umimik at umalis. Baka kasi makaistorbo.)
ANNA: Nakakainsulto kasi yung sinasabi nya kaya nagwalkout ako. (Sigh.) Gusto kong intindihin lahat ng yon pero ansakit eh. L Hindi ko talaga kaya. L (Tumahan na.) Salamat ah, Tristan. Salamat sa pakikinig. J
TRISTAN: Wala yun, Anna. Sana okay ka na. ^^
ANNA: Okay na ko, anjan ka eh! :> Tara sabay na tayo umuwi.
______________________________________________________________________________
The day after, hindi pa rin nag-usap si Anna at Elza. Hanggang maging isang linggong hindi sila nag-uusap. Wala akong magawa para sa kanila. Break time, kinausap ko si Elza.
XIENNE: Ano, hanggang kelan ba’to tatagal? Wala ka man lang bang gagagwin?
ELZA: Shen, sinubukan ko na syang kausapin. Pero walang nangyari. Lalo lang napalala yung sitwasyon.
XIENNE: Elza ibaba mo muna ang pride mo. Kausapin mo ulit. Try and try, Elza!
ELZA: Ayoko na, Shen.
XIENNE: So ganon? Itatapon mo nalang yung friendship nyo? Mamili ka, si Anna o si Alex?
ELZA: Shen naman!
XIENNE: Alam mo ba yung feeling na pinaglilihiman ka ng taong pinakamalapit sayo? Elza, para mo na rin syang trinaydor! Think of it, Elza. (Leaves.)
ELZA: (Sigh.) Kung tutuusin, tama si Shen, anong gagawin ko? Waaahhh!!! T.T
Nag-isip-isip si Elza at nakapagdesisyon na kung ano ang kanyang gagawin. Maya-maya ay tinawagan nya ang kanyang boyfriend na si Alex.
ELZA: Alex, magbreak na tayo.
ALEX: Sure.
ELZA: O_o Wala ka bang gustong sabihin?
ALEX: Wala. Di ka naman kawalan eh. Sige bye. Good luck sa lovelife mo. xD
ELZA: Ouch. T.T
______________________________________________________________________________
After that, nag-emote muna si Elza. Being with Alex was such a big mistake. Good thing, she decided to break up with him. Now the only problem is the friendship that was ruined by their relationship. So Elza hurriedly went to Anna. Gulat sila. Medyo madrama na naman ang eksena.
ELZA: Let’s settle everything, Anna.
ANNA: O_o So you want our friendship back now?
ELZA: Remember the deal? I already broke up with Alex.
ANNA: (Startled.) R-really? O_o
ELZA: I told you I’m willing to do anything just to win you back. If that isn’t enough I’d~
ANNA: Elza! (Hugs her.) I miss you.
Nagkabati na rin sa wakas ang dalawa. Simula nun, bumalik na ang lahat sa dati. Moral lesson? Never keep a secret to your bestfriend. Kahit magalit pa sya. At lalong wag papasok sa isang relasyon kung hindi ka pa sigurado sa taong yon. Pero kung gusto mo magsuicide, sige gawin mo yun. xD Zaijian!
BINABASA MO ANG
My Song Lyrics: Art of Letting Go
Novela JuvenilPara sa mga nasaktan, para sa mga iniwan, para sa gustong magmove-on pero 'di magawa, at para sa mga umaasang magmamahal muli... My Song Lyrics presents "Art of Letting Go", a story about love, friendship, and simple happiness that lasts. Xienne, th...