Chapter 10: The Other One

1.5K 60 16
                                    

Alas sinco na ng umaga pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Napag desisyunan kong tumayo na lang. Nagtimpla ako ng kape at nagpunta sa may terrace at sumalampak doon.

Hinugot ko ang phone ko sa bulsa ng pajama ko para tawagan sya. Pero gaya nung mga nakaraang araw ay cannot be reached ang phone niya.

Nagsimula na naman akong maluha. Ang sakit na ng mata ko kaiiyak. Hindi na maubos ubos ang luha ko. Peste!

"Risse, ano naman yan? Ano ba ang aga aga! " napalingon ako sa may sliding door kung saan nakatayo ang konsumidong si Samantha.

Oo, dito sya natulog. Natatakot daw sya na baka magpatiwakal na ako.

Pinunasan ko ang luha ko at ininom ang kape. Naramdaman ko na lang ang pagtabi nya sakin.

"Pasensya ha. Ang sakit pala nito. Ganto ka rin ba dati? Ganito rin ba feels mo nung iniwan ka ni twinnie? " tanong ko sa kanya.

"Oo masakit. Ganyan din ako. Pero mas pathetic at pangit ka nga lang."

"Ulol! Gago u! "sikmat ko.

"Hay. Totoo naman kasi. Tanggapin mo na kasi ang katotohanan na wala ng pupuntahan ang relasyon nyo ni Rafael." sabi niya.

Pero umiling ako.  "No. I'm doing my best na isalba 'to."

"Ikaw. You are doing your best. Eh sya? It takes two to tango, ika nga. At sa nakikita ko, hindi naman na din sya nag-e-effort. "

Napabuntong hininga na lang ako. "Sa tingin mo, ganun yun?"

"Baks, ano ba? Obvious naman. Kung hindi pala eh bakit hindi mo na sya ma-contact. Sorry friend, pero alam mo sa tingin ko, napikot na yang ulol na yan. At sa tingin ko, kung pipiliin nya si ate girl, ay tama ang gagawin nya. "

Sinamaan ko sya ng tingin. " Kaibigan ba talaga kita? Grabe ka naman. Ang sakit ha. "

" Kaya ko nga sinasabi kasi kaibigan mo ako. Di bale nang masaktan ka sa katotohanan at tama kesa naman ipilit mo pa yung mali... Ako, natutunan ko na sa love, hindi naman laging puso ang nananaig. Minsan utak din. Kaya nga siguro nilagay ng Diyos ang utak sa ulo para sya ang mag isip. Sya ang lider ng katawan mo. Sya ang masusunod. Hindi ang puso. " sabi nya.

Napatungo ako dahil sa sinabi nya at nagsimula na naman ako lumuha.

" Alam ko naman. Tang ina. Alam ko. Pero hindi ko kasi matanggap Sam. Mahal na mahal ko si Rafael. Kaya mahirap sakin 'to. Mahirap na pakawalan ko sya. Sa ganitong sitwasyon, mahirap piliin ang tama. Mahirap paganahin ang utak. Dahil isa lang ang ibig sabihin nun..... Kailangan ko na syang bitawan. "

Lumapit sya sakin at niyakap ako. Pinapakalma nya ako dahil halos hindi na ako makahinga sa pag hagulgol.

" Gets ko, baks. Sa maniwala ka o hindi naiintindihan kita. Pero mas masasaktan ka lalo kung hindi ka pa bibitaw. Tandaan mo, sa kahit na anong anggulo, dehado ka sa laban na 'to. Baby yung kalaban mo eh. At alam kong labag sa prinsipyo mo ang manakit at sumira ng future ng isang bata. "

Tumango tango ako. Tumunghay na ako at nagpunas ng luha.

" Risse... Kaya mo yan. You deserve better. You deserve someone who  will not break you to pieces like this. " nakangiting sabi pa nya.

Tumango ako muli. At pilit na ngumiti sa gitna ng mga luha.

" Y-Yeah. I deserve better. "

Lalong lumuwag ang ngiti nya sakin.  " That's my girl.... Oh, umayos ka na. Halika na sa kwarto mo at matulog ka na. "

Beyond MeasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon