Chapter 7: FrieNemies

1.2K 53 10
                                    

"HOY! ANONG GINAWA NYO?!" naeeskanadalong sigaw ni Sam.

Napa bangon ako bigla dahil sa sigaw niya.

"Sam?! What are you doing here? "

"Hindi mo sinagot ang tanong ko! Nag sex kayong dalawa?!" galit na galit na sigaw pa nya.

Nanalaki ang mga mata ko sa paratang nya.

"Yang bibig mo! " saway ko.

"Mali ka Sam. We didn't do anything. We just slept." si Rafael na ang sumagot.

Dito na kasi sya natulog sa condo ko. Yes we slept together. But we didn't do anything besides sleeping in each other's arms.

Nalukot ang mukha niya lalo nang magsalita si Raf.

"Ang kapal din naman talaga ng apog mo ano Rafael! Matapos mong lokohin ang bestfriend ko, gaganyan ka ng parang walang nangyari! " she said angrily.

Tumayo na ako sa kama para harapin ang nag eeskandalong bestfriend ko.

" Samantha, will you stop bickering! " saway ko sa kanya. Seriously, she's getting into my nerves the past days. Masyado na namang umiiral ang pagkapalengkera nya.

" I will bicker all I want at hindi mo ako mapipigilan! You're so stupid, alam mo yun? Ginago ka na nga ng hayop na yan, nakadikit ka pa rin. Ang tigas tigas ng ulo mo Marisse! Ugh. Nakakabwisit ka na! " galit na galit na sigaw nya sakin.

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. But I controlled myself. Instead, binalingan ko si Rafael na nakatayo na rin tulad ko.

" Babe, please. Leave us first. "

Nakakaintindi syang tumango. He even kissed me. Narinig ko na lang na sumarado ang pinto sa labas.

" Pwede ba Samantha, tumigil ka na ng pangingialam? "madiin kong sabi. "Sumusobra ka na! Kung nabubwisit ka sakin mas nabubwisit ako sa'yo! Kung magsalita ka parang hindi ka galing sa ganito ah?! Bakit, diba nagpakatanga ka rin naman sa kapatid ko." I shouted at her.

Pikang pika na kasi ako. Sobra na sya. At hindi na ako natutuwa.

"Wow! Ako pa ang masama. Ako pa ang pakialamera! Oh edi sige, magpaka tanga ka dyan sa lalaking yan. Oo nga't dumaan din ako sa ganyan pero mag kaiba tayo ng sitwasyon Marisse! May anak kami ng kapatid mo. Ako ang nabuntis! Nagpaka tanga ako hindi dahil sa kapatid mo kundi dahil sa anak ko, kung yan ang pinuputok ng butse mo! " ganting sigaw nya sakin.

" Anong pagkakaiba noon?! Ang point dito parehas tayong nagmahal. At pwede ba, buhay ko 'to. Desisyon kong tanggapin ulit si Raf kahit na may anak na sya sa iba. Bakit ba ikaw ang affected? Ako ba ikaw ha? Kasi sobra ka kung maka react, Sam at hindi ka nakakatulong! " I blurted out.

Too late for me to realize the words that I fired. I saw how her angry face changed to being pained.

Damn.

" Ay sorry ha. Pasensya ka na." mahinahon pero halata ang hinanakit. "Kaya lang kasi ako ganito maka react ay dahil concern ako sa'yo. Pasensya ka na kung nasaktan din ako nung nasaktan ka. Alam mo kung bakit ako nagkakaganito kasi ayaw kong matulad ka sakin. Yun na nga nanggaling na ako dyan. Kaya ayaw ko nang maranasan mo yung sakit na pinagdaanan ko. Siguro nga... Siguro nga sobra na ako sa panghihimasok sa buhay mo. Ngayon kung minamasama mo, eh wag kang mag alala. Dahil hindi na kita pakikialaman. Bahala ka na sa buhay mo Risse. At sana kung matauhan ka, hindi pa huli ang lahat. " nanginginig ang boses nya. I know she's fighting back the tears. And I know how hurt she is.

" S-Sam.. "

Hindi na nya ako tiningnan pa. Tinalikuran na nya ako at umalis ng bahay ko.

Napaupo na lang ako sa gilid ng kama.

Beyond MeasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon