Hindi ako mapakali.
I'm really worried.
Raf said, Cristine's dad wants to talk to him and he already knew the situation.
Sabi nya tatawag sya pagkatapos ng closed door meeting nila but up until now na dinner time na, ay wala pa syang paramdam.
Napalingon ako sa pinto nang may narinig akong kumakatok.
"Come in. "
The door opened. Si Nana Lucy pala.
" Neng, pinapatawag ka ng daddy at mommy mo sa library. "
Kumunot naman ang noo ko.
" Bakit daw? "
" Hindi ko po alam eh. Nandyan din po ang mga kakambal nyo at si Sir Marco. "
Tumango tango ako.
Hindi ko man lang namalayan ang pag dating nila. Ganon na ba ako ka-tensed?
" Sige, pababa na po ako. " I replied. Nasa 2nd floor kasi ang library at nasa 3rd naman ang mga kwarto naming magkakapatid.
I went down and knocked at the door. Pag bukas ko. All of them were looking at me.
Bigla akong kinabahan sa itsura ni dad. He looks murderous. Kahit yung mga kapatid ko. And mom, para bang awang awa sya sakin.
"D-Dad, Mom. Anong meron?" I tried smiling.
"Anak... " si mom iyon at agad nya akong niyakap.
" W-What's going on? " I naively asked kahit may hint na ako kung bakit sila ganito.
They knew already.
" Marisse, hiwalayan mo na si Rafael. " Dad said in gritted teeth.
I suddenly felt my knees shaking in fear. Kapag si dad kasi ang nag salita, I knew so well na hindi iyon mababali.
I heaved a sigh and looked at him again. I'm honestly lost of words.
What am I going to say?
" So you knew this all along, don't you? " he seriously noted.
Wala akong nagawa kundi ang tumango.
" So you broke up with him? " seryosong tanong ni Gadiel. I looked at him, all of them and they have the same faces... Furious.
" No. I didn't break up with him. "
" Then do it! " napatayo na si Dad.
Napalunok ako. Natatakot ako. Ano bang gagawin ko?
" I-I.. I'm sorry dad but I can't. " I bravely answered.
" WHAT?! " sabay sabay na sabi nilang apat. Si mom ay tahimik lang na nakikinig.
"Bakit hindi baby sis? Niloko ka nung hayop na yun! She impregnated someone else." kalmadong wika ni Miro.
"Pero hindi nya sinasadya. H-He was drunk. They were both drunk. They have no relationship. What happened is an accident. " I tried explaining. Pero lalo lang naging mabalasik ang mga mukha nila lalo na si daddy.
Bigla namang sumabat si Kuya.
" At naniwala ka naman! Of course he wouldn't admit that. He cheated. Kahit anong pagtatanggol mo sa kanya, what he did is undeniably abominable! Bunso, gumising ka. Makinig ka samin. Hindi sya nararapat para sa'yo! Manloloko ang hayop na yun!! Don't be stupid, Marisse! " pagalit na sabi ni Kuya Marco.
Pakiramdam ko ng mga oras na yun, wala akong kakampi. Nalukungkot ako kasi hindi nila ako maintindihan. And I think, kahit ano pa yatang sabihin ko ay hindi nila papakinggan. They are closed minded. At siguradong mag aaway lang kami.
BINABASA MO ANG
Beyond Measure
Ficção Geral" Anak ka naman ng tinapa, oo. Hindi ko alam na ganyan ka ka-martyr. Risse, gumising ka. NILOKO KA NG BOYFRIEND MO. Hindi pa ba sapat na dahilan yun para makipag break ka? Hindi lang pakikipag fling ang ginawa nya, uulitin ko na naman, NAKABUNTIS SY...