Chapter 3: Closer

1.3K 55 13
                                    

"Babe, where are you?" I asked when he picked up the phone.

"Office, babe." he said sighing.

"Office? Sunday ngayon ah. Hanggang weekend OT pa rin? "

"Yeah. Pinapasok ako ni Ma'am eh. I have to supervise the installation of the new equipments sa factory. I'm sorry babe."  he said apologetically.

"What? No babe time? Babe naman eh. Grabe naman yang boss mo! " I irated.

Naiinis na ako ha. Sobra na 'to.

"I'm sorry. Babawi ako, Babe. Kahit tumatanggi ako wala akong nagawa, no one will supervise." he excused.

Bumuga ako ng hangin. Medyo napipikon ako. Lagi na lang ganyan.

"Babe, you have to learn to say no. Kung tutuusin naman hindi mo yan work, right? "

"Hindi naman kasi ganon kadali ang tumanggi, babe. Boss ko yun. Hindi naman ako katulad mo na pwedeng gawin ang gusto dahil kayo ang ang may ari. Baka kasi nakakalimot ka na isang hamak na empleyado lang ang boyfriend mo." tila naiinis na wika niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.  "And where did that come from, huh? Bakit nasali dito ang pagiging employee mo? We're talking about you, being so martyr about your job. Wala na sa lugar!" ganting sigaw ko.

"Ugh. This is insane. " wika niya. Tapos bigla na lang syang nawala sa linya.

Lalo akong nayamot. Sa inis ko ay inihagis ko sa kung saan ang phone ko at pinagsusuntok ang kama.

" Bwisit! Bwisit ka talaga! Lagi ka na lang ganyan! " naiyak na ako. Naaasar kasi ako. Come to think of it. We only have Sundays and here he is, ditching our babe time again. Damn him!

Bumuga ako ng malalim na hinga. I took my towel and soak myself in the bath tub.

Para mawala ang bad trip ko ay pupunta na lang muna ako kina Sam para maglabas ng sama ng loob.

Pagkabihis ko ay dali dali akong bumaba.

"Anak, bakit simangot na simangot ka? San ka pupunta? "mom asked.

"Bad trip ako, Mom. I'll just go to Sam." malamig na wika ko. Tinawag pa nya ako. Pero hindi ko na sya liningon dahil talagang mainit ang ulo.

Pinaharurot ko ang kotse ko papuntang BF Homes kung san nakatira si Sam at ang ugok kong kakambal. Maigi pang makipaglaro na lang ako sa mga pamangkin ko.

"Tita Chicher! " nagtatakbo palapit sakin si Louise pagbaba ko sa kotse. She's my niece. Panganay nina Sam at Gadiel.

Napangiti ako. Good choice na dito ako nagpunta.

"Hi Louise! Give Tita a big hug!" I spread my arms and hugged her.

Ugh. She's so cute. Nakakagigil! Sarap pisil-pisilin ng pisngi!

"Where's your mom and dad? "I asked.

"Dea's nursery. Do you have pasalubong for me?"

"Of course. Tara na sa loob. " wika ko.

Inakay ko na sya paloob ng bahay. I was greeted by their maids. Papaakyat na sana kami nang bumaba si Gady. He's holding an empty bowl. Mukhang pinakain si Deanna, their youngest.

" Hello my twinnie bear na under de saya! "pang aasar ko. Under yan eh. Bahag ang buntot sa bestfriend ko. Lols.

Inirapan lang ako." What are you doing here? " simangot na simangot na tanong niya.

I smirked. Kaya ang sarap asarin nito at i-bully, masyadong pikon. " What else? Hmmmn. Annoy you? " kaya walang kaabog abog na tinaas ko ang kamay ko at pinaamoy ang kilikili ko na medyo basa kasi mainit sa labas, saka nagtatakbo sa taas.

Beyond MeasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon