Track 2

67 1 4
                                    

 Minsan nakikita ko siya sa eskwelahan. Hindi naman talaga maiiwasan yun dahil parehas kami ng pinapasukang eskwelahan. Napapatawa nalang ako kasi pahalata siya... halatang nainis ko siya nung panahong iyon at iniiwasan niya ako. Mukhang ayaw niya talagang amining fan ko siya. Hehehe. Alam mo yung feeling na may nakatingin sa'yo tapos pag nahuli mo siya eh bigla-bigla siyang tumitingin sa ibang direksyon? Feeling ko gusto niya talaga akong kausapin. Minsan natutuwa lang akong asarin siya kaya sinasadya kong dumaan sa harap niya.


     Natandaan ko nga nung minsan na asarin ko siya, hindi kasi tumitingin sa daraanan kaya sinadya kong mabunggo niya ako.


"Ay pasensya na po..."


     Sinabi niya habang nakapikit at hinihimas ang ilong na napitpit ata sa bungguan namin. O.A. lang niya.


      At dahil alam kong siya yun. Binulungan ko pa siya.


"Sa susunod kasi, tumingin ka sa dinaraanan mo miss fan girl."


     Napamulat siya sa bigla at napaatras nang makita niyang nasa harapan niya ako. Gusto ko na talagang matawa sa reaksyon niya pero nagpigil nalang ako at naglakad palayo. Ang malinaw lang sa'kin ay yung usapan ng mga kasama niya bago pa man ako makalayo ng tuluyan.


"Hoy Nikz! Kailangan mo pa nakilala si Jamil?!"

"Oo nga! Grabe ha! May bulungan pa kayong nalalaman! Talandi ka! Sarap mong sabunutan!"

"This friendship is over!!! Kaya pala tinanong mo yung name ni fafaJamil nung isang araw! You betrayed me!"


     Nakakatawa talaga. Sayang lang hindi ko na nakita yung reaksyon niya at nakaalis na kasi ako.  >=)


    Nung hapon na yun, inutusan na naman ako ng guro namin sa musika na kunin yung sheets na naiwan ulit niya sa room. Isa pangdie hard fan ko tong si ma'am eh. Palagi nalang iniiwan yung sheetstapos papaiwan ako para kunin. Kaya tumatandang dalaga, hindi mag-hanap ng ka-edad niya.


     Nakita ko ulit si Nicole sa silid. Nagpa-practice na naman. Sumandal nalang ako malapit sa may pinto at nakinig sa tugtog niya.


Mali-mali pa din yung ibang parte ng tinutugtog niya pero hindi naman masakit sa tainga. Sa totoo lang, masarap makinig sa musika niya. Nakakarelaks. 


"AHHHHHHHHHHHHHHH!"


     Bigla nalang siyang sumigaw dahilan upang ikagulat ko kaya dali-dali kong binuksan ang pinto. Akala ko kasi kung ano nang nangyari sa kanya.


     Pagkapasok ko, nagkatinginan kami. Parehas kaming nagulat at nanlaki ang mata. Siya nagulat dahil bigla akong pumasok at ako dahil sa sumigaw siya. 


"AHHHHH!"


    Sabay pinagtututuro niya ako na parang isang multo. Tangengot kasi tong babaeng to. Sumisigaw ng wala namang dahilan. Baliw na kasi siya. Hehehe.

My Number Zero FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon