Track 11

54 0 0
                                    

Sa pagkakataong ito, iniwan nila akong mag-isa. Gusto ko kasing mapag-isa at kahit ayaw nila ay pinilit ko pa din na solohin ang kwarto.

"Tol.. mas magandang tigilan mo na yan.  Kailangan din niya ang pahinga."

Si Ryo ang nag-sabi nun. Mas mature talaga siyang mag-isip kaysa sa'kin. Patungkol sa lahat ng bagay ang sinabi niya.. sa aking mga emosyon at mga luha. At syempre, kay Nicole. Pagkatapos nun, ibinalik niya ang phone ko. Napaayos na nila yun. Tinapik nila ako isa-isa at nag-alisan na sila.

Patuloy lang akong nakatitig sa labas. Pagkatapos ng ilang minuto, nagpasya akong umalis.

Ang tanging lugar na gusto kong puntahan ay..

sa tabi niya.

 

Dis oras na ng gabi pero alam kong makakapasok ako sa school tulad ng dati. Kailangan ko lang talagang bumalik. Siguro may parte sa'kin na hindi pa din makapaniwala sa lahat. 

Ang dilim ng paligid. Nanghiram ako ng flashlight kay manong guard. Alam niya ang lahat kaya naman pinagbigyan niya ako. Pagkapsok ko sa room.. sa totoo lang.. umaasa akong andun siya. Tsk. Katangahan. Umaasa akong sasabihin niyang, 'Andyan ka na pala', tapos ay ngingiti siya.

Ilang beses na ba niya akong hinintay sa room na ito? Sa lahat ng pagkakataon ganon ang eksena namin. Nasanay ako. Siguro lamang pa nga ang mga pagkakataong hinintay niya ko at hindi ako dumating. Pero palagi lang siyang ngumingiti sa'kin. Sinasabi niyang ayos lang ang lahat. P*tcha ang sakit nito! Kaya siguro ayaw magseryoso ni Domz. Kaya siguro ayaw din makisama ni Yama sa mga babae dati. Kaya siguro laging iwas si Nathan sa babae. Kasi masakit pala kapag tapos na. Mas masakit kaysa sa makita mo sa screen ang mga katagang 'game over'. Sh*t. Gustugn-gusto ko siyang makita pero ayaw ko din. Alam ko kasing pagnakita ko siya.. lahat ng bagay maglalaho. Sa loob loob ko, ayaw kong tanggapin ang katotohanan. Haharap ako sa puntod niya, magdadala ng bulaklak, pagkatapos ano? Anung kasunod? Dafuq talaga.

 

Nakatayo lang ako sa may pinto ng ilang minuto. Inaalala ko ang mga sandaling pinagsamahan namin. Inaalala ko ang panahong una ko siyang nakita.

At naglakad ako papunta sa piano, hinawakan ko ito pero hindi ako nagkalakas ng loob para tugtugin ito.

Umupo ako sa harap nito. Siguro minuto/oras din yun. Nakatulala lang ako. Nag-iisip.

Pagkabalik ko sa realidad, tumayo na ako. Sumandal sa may bintana. Sa dating pwesto ko tuwing tumutugtog siya. Yung nakikita ko sa labas ay kaparehas lang ng nakikita ko dati nung andito pa siya. Pero yun nga lang, wala namang kumakapa ng piano. Wala akong background music. Wala na si Nicole.

Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bulsa. Dinial ko ang numero niya. Narinig ang voice machine na nagsasabing, 'leave your message after the beep'. Tahimik lang ako tapos.. 

 

"Nicole..

 

...Gusto kitang tawagin sa pangalan mo. Maganda kasi at bagay sa'yo. Sa pagkakaalam ko ang ibig sabihin nun ay 'victory' at tama nga siguro 'yun dahil, nakuha mo ang puso ko. Pero sayang lang.. hindi na kita natatawag sa pangalan mo..

 

...Naaalala mo pa ba nung una tayong magkakilala? *chuckles* Akala ko isa kang baliw na fan girl ng banda namin. Akala ko stalker kita. Pero sa totoo lang.. ako talaga ung fan mo, ako yung stalker. Nung mga oras na narinig kitang tumugtog, nawala ang lahat. Ibig kong sabihin.. Ginusto kong maging normal na nilalang. Para makasama ka.. Handa akong iwanan ang lahat. 

...Naiinis ako sa sarili ko. Kung gaano ako kahina kumpara sa'yo. Kalalaki kong tao pero hindi kita kayang maprotektahan. Ang tanging bagay lang na sumagi sa isip ko ay iwanan ang career ko, iwanan ang banda namin at itapon ang screen name ko. Pero ikaw.. Sinakripisyo mo ang sarili mo para sa'kin. Pareho nating ayaw bitiwan ang relasyong ito pero pareho tayong may kailangang i-give up. Hinahangaan ko talaga 'yung side mong 'yun. Kung paano mo ako napapa-oo at napapasuko. 

...Sabi mo, madami pang dapat makarinig ng musika ko. Kaya nga ayaw mong bitiwan ko ang career ko. Pero alam mo.. sa lahat ng tao sa buong mundo.. kahit ikaw lang ang makarinig nun, sapat na sa'kin.

...Napakaunfair talaga ng tadhana. Nagkakilala tayo, nalagpasan natin ang bawat problemang dumaan, pero bakit? Bakit naman hinayaan ka niyang mahiwalay sa akin ng maaga? Madami pa akong gustong gawin kasama ka. Sh*t lang."

 

Inilayo ko saglit ang phone mula sa tainga ko. Nagsimula ng tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Sinusumpa ko na ang lahat. Sinusumpa ko na kahit sarili ko. Kung hindi siguro kami nagkakilala.. buhay pa siya ngayon. Kung hindi ako nagpunta sa music room nung panahong iyon.. masaya pa siyang tumutugtog ng mga piyesa ngayon. Makakangiti pa din siya at mapapasaya niya ang buhay ng iba. 

Pinunasan ko ang mga luha ko. Binalik ko sa tainga ko ang phone at nagsabing..

 

"Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.

Wala kang katulad.

Ang ababeng pinagmamalaki ko. 

Ang babaeng inaalayan ko ng musika ko.

Ang babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko.

Ang sakit na hindi na kita mayayakap.

Na hindi na kita maririnig.

Na hindi na kita makikita..

Kahit kailan.

 

 

Nicole..

Mahal kita.

Mahal na mahal kita..

 

 

Gusto kong sabihin sa;yo ang mga katagang ito.

Ngunit, huli na ang lahat."

 

 

Nung gabing iyon, umiyak ako hanggang sa wala na akong mailabas pang luha. Umiyak lang ako sa music room na yun. Umaasang walang makakarinig sa'kin. Lahat ng paghihirap namin nasayang dahil lang sa isang aksidente. 

Pagkatapos kong umalis sa school, nagpaalam ako kay manong guard. Hindi ako bumalik sa ospital.

Pumunta ako sa isang lugar na makakpag-isa ako.

Ang aking mga awit, ang aking musika, kung hindi naman niya maririnig yun ay balewala.

Pagkatapos ng gabing yun, napagdesisyunan kong isuko na ang lahat.

My Number Zero FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon