"Jamil.. may interview kayo ngayon.. Wag mong sabihin sa'kin na aalis ka?"
Iba makatitig si manager. Alam niya kasing aalis ako. Malamang kasi naglilipit ako ng gamit. Hahaha! Kakatapos lang kasi ng isang recording namin para sa darating na album.
"Manager.. Hayaan niyo na si Jamil, dadating kasi si tita kaya nagmamadali yan."
Save by my bandmates! Susunduin ko kasi si mamzy sa airport. Pero bago yun, pupuntahan ko muna si fan girl sa kanyang competition. (^^,) Kailangan suportahan siya ng boyfriend niya diba? Nangako ako kaya dapat nandun ako. Sa pagkakatong ito hindi na ako makikilala ng kahit sinong fan o reporter. Perfect disguise. LOL. Salamat sa chix ni Ryo. Biruin niyo may girl na siya. Sumusunod sa yapak ng big brother niya. xD
Anyway, sabi nila sila na daw bahala sa interview at fans. Tapos susunod sila in case na may mangyaring kakaiba. Kinuha ko yung wig at nag-bihis ako sa kung ano mang ibinigay ni Ryo sa'kin. Mukha daw akong ordinaryong manyakis sabi ng manager ko. Hahaha! At least pumayag na siya at hindi ako makikilala ng ibang tao. Binigay ni Nathan ang susi sa kanyang motor para daw mapabilis ako tapos iwan ko nalang daw ung motor sa competition venue at aabangan daw ako dun ng private van ni Domz para kasama ko na si fan girl, este, Nicole. Ang weird tawagin siyang Nicole kasi siguro hindi ako sanay.. pero dapat talaga yun na itawag ko sa kanya. Maganda kasi at bagay sa kanya. (^ - ^) Sorry na, proud boyfriend lang.
Alam ko mananalo ang girlfriend ko. Nag-practice yun para dito. Tsaka hindi ba sa simula't sapul.. sinabi kong maganda ang musika niya.
Hindi ko alam kung anong piyesa ang tutugtugin niya. Sorpresa daw niya yun sa'kin para talagang pumunta ako. Kahit ano naman yun, panigurado, maganda yun. x3
Nakatigil ngayon ang motor sa isang intersection. 8:00 a.m. na, may isang oras pa ako para makahabol. Oo, wala akong tulog. Sa totoo lang lahat kami wala. Buong magdamag kasi yung recording tapos may magazine interview sila, ako naman pupunta kay fan girl. Medyo antok pa talaga ako pero inuunahan ako ng excitement.
Ayan na, malapit na maging green yung sa stop light. Konti nalang at maririnig ko na muli ang pagtugtog niya. =)
Nung saktong pagka-green, umarangkada na ako kasabay ng ibang sasakyan pero hindi inaasahan na may biglang truck na susulpot mula sa kaliwang side namin. Sa side na malapit ako.
Ano pa bang inaasahan niyo? Malamang nabunggo yung motor na sinasakyan ko pati yung ibang sasakyan. Nakahandusay ako sa kalsada. Hindi ako makagalaw. Masyadong malayo yung tinalsik ko. Hindi ko na nga makita yung motor ni Nathan. Lagot ako nito. Hindi lang dahil sa mga gasgas at pagkasira ng side mirror kundi baka madiskubre nila kung sino ako. Naririnig ko pa yung ibang tao na nagsasalita. Medyo naaaninag ko pa sila, pero malabo na talaga. Sabi nila.. "Manong! Gising! Padating na yung ambulansya! Manong!". P*ksyet. Manong talaga? Tama nga siguro si manager, mukha akong matandang manyakis. Sorry bandmates at manager. Mukhang ako lang magkakaroon ng tulog sating lahat. Pumipikit na kasi yung mata ko. Gusto ko man makita tong mga taong nagkakagulo, ayaw na ng katawan ko. Kahit pa sabihin kong naghihintay si fan girl, ayaw na ng utak ko magpakilos ng ibang parte ng katawan ko. Teka, anong oras na ba? Aabot pa ba ako dun kapag dumating yung ambulansya? Akala ko ba padating na.. niloloko pa ako nitong mamang nagsasalita sa harap ko. Lintsyak na driver kasi yun. T__T Hindi ako aabot sa part ni fan girl. Paano na kaya ito? Napalakas ata talaga yung pagkakabunggo. Gusto ko na talagang matulog. Sorry Nicole.
Pagkagising ko maputi ang lahat. Tapos may isang taong tumakip dun sa liwanag.
"Gising na si Jamil!" ->manager
BINABASA MO ANG
My Number Zero Fan
Teen FictionDestiny brought them together. Holding on to it, both of them got through it all. But when everything else fails.. How would you protect the one you love? [Love Operation => bassist]