Track 12

73 0 0
                                    

Dalawang buwan.. Dalawang buwan na akong nawawala.

Wala naman gaanong intriga sa showbiz kasi sinasabi ng agency ay nagrerecover pa din ako sa trauma kaya ung schedule namin at gigs, magulo at hindi kami kumpleto.

Kaya ayun, asan nga ba ako nagtungo?

Hindi ko din alam.. basta alam ko, hindi ko makalimutan si Nicole at nababliw na ako sa pagbabalewala ng music career ko.

Nagpunta ako sa vacation house ng pamilya namin. Nagmuni-muni ako. Hinahanap ko kung may saysay pa ba magpatuloy sa mundo. Siguro kung yung dating Jamilo to, patuloy lang siyang mamumuhay.. walang ibang inaalala kundi musika. Pero hindi eh. Hindi na ako ang dating Jamilo na puro career lang ang nasa utak at music lang ang tanging minamahal sa buhay. Nahanap ko ang rason ng buhay ko.. pero, kinuha din siya mula sa'kin. Bullsh*t na buhay to.

Tulla lamang ako habang nakaupo sa may balcony nang makarinig ako ng ingay ng mga saksakyan. Medyo tago kasi tong vacation house namin. Medyo nasa kagubatan at pinaalis ko naman ang aming caretaker so imposibleng bigla biglang my dadating na kung sino lang. Bumaba ako para tingnan kung sino yung mga dumating. At sadyang nagulat ako.

“Guys.. Ano-------“

/punch

Bigla akong sinuntok ni Domz. Hindi ako makaimik. Alam ko naman kung bakit. Ngunit natural lang na mainis sila sakin dahil bigla bigla nalang akong nawala.

“F*ck naman tol! Dalawang buwan! Dalawang buwan mo kaming tinaguan! Dalawang buwan mo kaming prinoblema! Dalawang buwan!!! Gamitin mo naman yang utak mo Jamil.. sana naisip mo man lang ang samahan natin kahit hindi mo na isipin yung banda at career mo! F*ck talaga! Damn!”

Galit na galit si Domz. Nasipa pa nya yung paanan ng sofa sa galit bago siya umupo habang pinipigilang makadampot ng gamit at ibato sakin. Si Nathan naman hindi nagsasalita pero lumabas siya nung umupo si Domz, ganon naman yun eh. Tahimik. Nasa loob ang kulo. Hindi ako magugulat kung sinusunog na niya ang kagubatan pag lumabas ako. At itong si Ryo, hindi din nagsasalita. Iniikot lang niya ang mga mata niya sa buong bahay.

Wala akong masabi at magawa. Magulo pa din kasi ang isipan ko. Tsk. Nakatayo lang ako dun.

“Aabandunahin mo na ba talaga kami at maninirahan mag-isa dito?”

Umimik din si Ryo matapos ibaba ang tinitigang letrato nakadisplay sa isang maliit na lamesa. Letrato yun nung kakasimula palang ng banda namin. Wala akong masagot. Nanigas ako. Hindi ko alam kung bakit. Biglang tumayo si Domz at kinuha ang kwelyo ng damit ko.

“Tol sumagot ka naman! “

Susuntukin na niya ako ng pigilan siya ni Ryo.

“Domz.. lumabas ka muna. Palamig ka ng ulo.”

Binitiwan niya ang kwelyo ng damit ko at lumabas pagkatapos ibagsak ng malakas ang pinto.

Katahimikan. Nagkatitigan lang kami ni Ryo ng ilang segundo pero pakiramdam ko minuto o oras yun. Wala kasi akong mabitiwang sagot sa katanungan niya. Magulo pa talaga ng isip ko.

“Sinabi ko naman sa'yo.. kahit ano mang desisyon mo, tatanggapin at susuportahan namin. Kung gusto mong umalis sa banda, sabihin mo lang. Hindi habambuhay na maitatago ka namin sa mata ng publiko.”

Hindi talaga ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi din ako makasagot sa tanong niya.

“Buti naman at nabubuhay ka dito.. Kung sa bagay, si Domz lang sa atin ang hindi makakatagal sa ganitong sitwasyon”

Bigla siyang umupo sa sofa at parang feel at home na feel at home siya.

“Kamusta ang banda? Si manager ba?”

“...Alam mo naman madaling magpanic yun. Nadagdagan ulit ang mga wrinkles sa mukha niya. Pero ayos naman siya, wag kang mag-alala dahil kaya naman niya ang sarili niya saka sinabi din naman niya samin na siya muna bahala sa'yo basta hanapin ka namin.”

“Ah ganun ba..”

Bigla siyang humarap sa akin at sinabing..

“So anung desisyon mo?”

“Sa totoo lang hindi ko alam.. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko kasi wala ng saysay ang pagtugtog ko kung hindi naman niya maririnig yun. Hindi na ako babalik sa dating Jamilo na maibibigay ang 100% sa musika.”

Tinitigan ulit niya ung letrato sa di kalayuan.

“Alam ko.. Lahat ng tao nagbabago. Pero alam ko din na mahalaga sa'yo ang musika. Kaya nga kita sinali sa bandang ito diba?”

“Pero.. hindi ko na mahawakan ang gitara at hindi na ako makatugtog ng tulad dati..”

“Isipin mu nalang Jamil.. mahalaga din kay Nicole ang musikang naibabahagi mo. Sa tingin mo ba, mapapalagay ang loob niya kung ihihinto mo nalang ang career mo dahil sa kanya? Sa tingin mo ba matutuwa siya at hindi ka na ulit hahawak ng kahit anong instrumento at hindi ka na ulit tutugtog?

Alam niya kung gaano kahalaga sa'yo ang career mo lalo na ang pagtugtog mo. Kaya nga diba kahit na tago ang relasyon niyo, pumayag siya? Kaya nga diba palagi siyang pumupunta sa mga gigs at shows natin?

Sa tingin mo ba kung nabubuhay pa siya ngayon, papayag siyang bitiwan mo ang lahat pati ang pagtugtog dahil lang sa pagkawala niya? Kung ganon, di sana hindi nagtagal ang relasyon niyo.. Hindi siya makasarili para isipin lang ang sarili niya. Sa tingin ko, mas iniiisip ka pa niya kaysa sa sarili niya.

Maswerte ka nga kay Nicole pero kung ganyan lang din ang iaasal mo, hindi ka nababagay sa kanya. Masasayang ang lahat ng pinaghirapan niyo at sigurado akong magagalit siya sayo.”

Tang-*na naman. Sapul na sapul ako kay Ryo. Nung oras na binibitawan niya ang mga katagang yun, pakiramdam ko nilalamon ako ng lupa.  May punto kasi siya. At masakit.. hindi ko naintindihan yun kung hindi pa niya sinabi.

Napangiti nalang ako. Pero sa totoo, pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Dyahe naman makita nilang umiiyak ako diba?

“Bigyan mo ako ng dalawang araw...”

Tumayo si Ryo at tinapik ako sa balikat.

“Sige lang..”

Sabay alis niya.. medyo nagkataasan pa ng boses sa labas pero pagkatapos nun narinig kong umandar ang makina ng sasakyan at umalis na sila.

“Mukhang kailangan ko na mag-empake..”

At tumaas na ako para pumunta sa kwarto at iligpit ang mga gamit ko.

May kailangan akong puntahan.

My Number Zero FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon