Buong recording namin wala akong maisip na iba kung hindi siya. Si miss fan girl. Ang sarap kasi niyang asarin kaya iniisip ko na kung paano. Kung hindi kaya ako lumitaw sa usapan namin? Nagmumukha tuloy akong tanga dito kaka-ngiti. Mas ayoko naman kasing tumawa, magmumukha akong baliw. Hinawaan na nga ata ako ng katok nung babaeng iyon.
"Bakit ba parang natitibe yang si Jamil?"
"Ewan ko nga eh... Kanina pa yan."
Pinag-uusapan na pala ako ng mga kabanda ko nang hindi ko man lang namalayan. Si miss fan girl kasi nakakahawa.
Dahil sa pagod at puyat, inaantok na ako. Hikab tuloy ako ng hikab sa klase. Kainis kasi yung baliw na fan girl na yun, ayaw lubayan yung utak ko. Kasalukuyan akong nasa isang fire exit ngayon upang magpahinga. Tanghalian na naman kasi at mas pinili ko nalang na matulog dito sa hagdanan ng fire exit kaysa kumain. Sa totoo lang, nagdedeliryo na ata ako dahil sa pagod at nakikita ko siya kahit tanghaling tapat. Makatulog na nga lang ulit tutal mamaya pa ang tapos ng tanghalian at wala namang ibang tao dito.
"Hindi ka ba kakain Jamilo?"
Napamulat ako at napataas ng isang baitang sa hagdan. Bigla ba namang lumitaw sa harap ko tong fan girl na ito. Gusto ba niya akong mamatay sa atake sa puso? Madaming malulungkot pag nangyari yun. Hindi ba siya nag-iisip?
"Kung balak mong pumatay ng tao, iba nalang patayin mo dahil sigurado akong kakatayin ka ng mga fan ko pag ako biniktima mo."
"Alam mo... Ang kapal ng mukha mo! Nag-punta nga pala ako dito para ipaalala sa'yong may usapan tayo mamaya."
"Kung hindi ako sumulpot?"
"Subukan mo at makikita mong lulubog ang reputasyon mo..."
"Ikaw na nga tong nanghihingi ng pabor, ikaw pa tong nananakot."
"Hindi talaga kita lulubayan Jamilo Cruz kahit mamakaawa ka pa!"
Napapangiti na ako pero seryoso tong usapan namin. Wag kang tatawa Jamil... Wag!
"Asus! Ganyan mo ba ako ka-gusto? Tsaka ano bang problema mo, ensayo lang naman kailangan mo. Hindi ko pati forte ang piano."
Biglang natameme ang fan girl. Malabo talaga isip niya. Pero maya-maya pa ay nagsalita na din siya...
"May tiwala ako sa'yo. Alam kong matutulungan mo ako kaya inaasahan kita mamaya!"
Sabay sibat niya na hindi man lang tumingin sa'kin kahit sandali. Parang walang kinakausap at bigla-biglaing sumusulpot at nawawala. Ang hirap naman niya basahin.
Inagahan ko ang pagpunta sa silid na pinag-usapan namin, ang guro ko ay wala namang pinakukuha sa'kin ngayon. Umuna na siyang umalis, may blind date daw. Ang tanda na kasi pero ngayon lang naisip na pwede ang mga ganung bagay. Hangad ko ang kanyang tagumpay para sa ganon, hindi na din ako nauutusan palagi.
Naabutan ko si fan girl na nag-aayos ng mga sheet. Nakakatuwa lang siyang pag-masdan kaya sumandal ako sa may bukas na pinto at tinitigan ko lang siya. Hindi naman siya kagandahan pero pwede na. Mas gaganda pa siya kung mag-aayos siya tulad ng ibang babae. Pero sabi ko nga... pwede na.
Mukhang nakaramdam na siya kaya tumigil siya at tumingin sa'kin. Panigurado may irereklamo ulit ang isang to.
"Kung tinutulungan mo kaya ako, hindi yang pinagmamasdan mo lang ako??? Mamaya matunaw na ako nyan."
Aba! Saksakan talaga ng kapal ng mukha ang isang to! Mas madami akong fans na mas maganda at mas gugustuhin kong tunawin kaysa sa kanya. Umiwas nalang ako ng tingin at,
"Hindi naman ako nagpunta dito para mag-ligpit ng sheets."
Tamo mo tong fan girl na to parang walang kinakausap. Nag-diretso lang sa pag-ligpit tapos may kinuhang isang papel at inilapit sa mukha ko. Music sheet 'yon.
"Jajaaaaaaaaaan! Yan ang tutugtugin ko sa paligsahan."
"Asus! Laos na to. Akala ko naman kung anong kahirapan ang tutugtugin mo."
"HOY! Hindi kaya biro ang humanap ng pyesang kakapain para sa paligsahan. May tema kasi, kaya pinili ko to."
"Anung tema ng sinalihan mo?"
Sabay kinuha ko ang music sheet mula sa kamay niya at pumwesto na ako sa may gilid ng piano. Tinapik-tapik ko ang malaking piano sa silid na yon, senyales na kailangan na niyang lumapit at mag-simulang kumapa ng nota.
"Ah... Inspiration daw... Ganon... Ata."
Daw? Bakit? Hindi ba niya alam? Akala ko ba kasali siya sa paligsahan pero bakit mukha siyang hindi sigurado?
"Sige nga... Tugtugin mo na lang. Hindi tayo pwedeng mag-tagal dito."
Tinuktok ko ang piano para senyasan siyang muli na lumapit at umupo na para tumugtog. Mukha na naman siyang masunuring bata at sinunod niya agad ako. Naging guro ako ng wala sa oras.
Hindi naman kami nag-talo sa buong oras na tinuturuan ko siya. Seryoso kasi ako pagdating sa musika. Ito kasi ang bumubuhay sa'kin. At hindi dahil trabaho ko ito kung hindi ito ang isang bagay na pinanghahawakan ko at sasabihing lubos na mahal ko.
"Sabi ko na nga ba matutulungan mo ako... Nilalagyan mo kasi ng emosyon ang bawat nota."
Napatigil ako ako sa sinabi niya. Naglalakad kami sa may mga silid aralan ngunit dahil sa natigilan ako ay nauuna na siya sa'kin. Hindi ko alam bakit iba ang pag-trato ko sa kanya kaysa sa ibang mga fans namin. Pero dahil sa sinabi niya, mukhang alam ko na...
Sa unang pagkakataon, may bumasag sa pader ng mundo ko at ng musika.
BINABASA MO ANG
My Number Zero Fan
Ficção AdolescenteDestiny brought them together. Holding on to it, both of them got through it all. But when everything else fails.. How would you protect the one you love? [Love Operation => bassist]