Mahigit dalawang linggo na akong hindi nagpapakita sa school. Medyo humupa na ang intriga pero tuwing may magtatanong sa'kin privately tungkol sa isyu lagi kong sinasagot 'no comment'. Gusto ko kasing makausap si fan girl bago ko sagutin ng totoo ang lahat.
Galit kaya siya sa'kin? Ano kayang magiging reaksyon niya sa paglitaw ko ngayon? Ilang araw ko siyang pinaghintay sa music room. Iniisip ko tuloy. Naghihintay nga ba siya? Sana.. Ayokong magkahiwalay kami dahil dito. Ang komplikado naman kasi ng lahat. Ang sama ko pa dahil gusto kong panghawakan ang dalawang bagay na sobrang importante sa'kin. Gahaman talaga.
Papunta ako sa music room. 7:15p.m. na. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto ay makikita ko ulit ang isang babaeng tumutugtog at ngingiti sa'kin tuwing makikita ako.
Dumaan ako sa may mga locker. Nakita ko ang locker niya pero hindi ko inaasahan ang tumambad sa'kin. May isang papel kasing nakasangat dun kaya hinigit ko yun at naging dahilan yun ng pagbukas ng locker niya. Lumabas ang iba pang mga papel.
Mga sulat. Pagtingin ko sa hawak kong papel, agad akong tumakbo papuntang music room.
Nasa corridor palang ako pero rinig kong may kumakapa ng piano. Sigurado ako nandito siya. Pagbukas ko ng pinto..
"Andyan ka na pala Jamilo.. Aga mo ah? =)"
Ibinungad niya agad ang kanyang ngiti. Hinawi ko ang aking buhok sabay ginusot sa kaliwang kamay ko ang papel na hawak-hawak ko. Sa mga nagdaang linggo, ngayong nasa harap ko ang babaeng ito, mas naging klaro sa'kin ang lahat. Para maprotektahan siya sa lahat ng ito, isa lang ang dapat na gawin..
"Pumunta lang ako dito dahil nagbabakasakali akong nandito ka pa. Hindi ko talaga inaasahan na hihintayin mo nga ako.."
Ang totoo, umaasa akong nandun siya. Umaasa akong pagkabalik ko sa school, makakapiling ko muli siya. Magiging malaya na kami. Pipiliin ko siya sa halip na career ko. Sasabihin ko sa lahat na siya ang babaeng mahal ko. Pero..
Sumandal ako sa may pinto. Ayokong lapitan ang babaeng yun. Ang hirap maghanap ng lakas ng loob at baka pag nakita ko pa siya ng malapitan.. mawala lahat ng inipon kong lakas. Inilagay ko ang papel na hawak ko sa aking bulsa kasama ng kamay ko. Sumandal lang talaga ako dun.
"Gusto ko lang sabihing.. Mas makakabuti kung maghihiwalay na tayo."
Nanlaki ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. Nakakagulat nga naman kasi diba? Hindi ako ang inaasahan niyang lalaking poprotekta sa kanya. Isa akong masamang nilalang.
Iniwas niya ang tingin niya at binaling ito sa piano na kaharap niya.
Katahimikan.
Wala ni isa samin ang nagsasalita. Tahimik na din ang paligid dahil kaming dalawa nalang ang nasa building na iyon. Maaga kasing pinalabas ang lahat ng estudyante gawa ng evaluation lang ng profs ngayong araw na ito.
"Ano yang hawak mong papel?"
Isang tanong na bumasag sa katahimikan. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin o hindi. Bakit kasi napansin pa niya. Napatulala nalang ako.
"Galing yan sa locker ko diba? Akala ko pa naman itinapon ko na yang mga yan."
Bigla siyang ngumiti. Isang napakasinungaling na ngiti. Pilit niyang itinatago ang lahat ng nararanasan niya mula sa'kin. Ganun ba yun? Maging ang mga sulat na ito? Napaisip ako kung sinubukan niya akong kontakin nung mga panahong hindi ko siya kinokontak? Tiningnan ko siya habang nilalaro ng kaliwang kamay niya ang mga nota sa piano.
BINABASA MO ANG
My Number Zero Fan
Roman pour AdolescentsDestiny brought them together. Holding on to it, both of them got through it all. But when everything else fails.. How would you protect the one you love? [Love Operation => bassist]