Chapter 3

2.2K 130 24
                                    

Chapter 3 - Kiss

x x x

Michelle's POV

"Bilisan mo ang pagpepedal!" utos ko kay Nikollo habang nakasandal sa likod nya

"Oo na po, Ms. Demanding" pang-aasar ni Iko, pinalo ko lang sya ng mahina sa likod at natuwa, di ko alam pero ang saya saya sa pakiramdam ng ganito.

Ano na kaya ang mangyayari pagkatapos neto? Parati kong tatanungin yun sa sarili ko..

Lagi akong mapapaisip, mapapaalala, magpepredict. Masyado akong paranoid dahil ngayon ko lang 'to nararamdaman. Ang kilig na nararamdaman ko na parang ang sarap umihi.. Ung sakit ng tyan ko na ang sarap umutot.. Lahat yun, bakit ganun pag in love? De, malandi lang talaga ako.

Napatingin ako sa dulo ng bike, may pangalan na nakalagay 'Elisa'. Tatak ata to ng bike..

"Ang lakas ng tibok ng puso mo HoneyPie" sabi ni Iko

"Malamang tumitibok yan, 'pag hindi na edi patay na 'ko. Bobo ka ba SweetiePie?" ang landi din ng mga name calls namin. Nakakasuya, para akong pokpok ew. Pero 'pag si Nikollo na ang tumawag sakin wala akong marereklamo

"Sus, patay na patay ka lang sakin e. 'Wag ka ng magdeny HP" O diba? Healing Power na? Wait. High Points ba tawag dun sa video games? Ay ewan.

"Ang kagwapuhan mo, parang hangin. Walang nakakakita, Ikaw lang ang nakakaramdam" Wew. sinungaling pa ako, ilang beses ko nga tinititigan ung DP nya sa facebook e.

"Haha, 'yan ang kilala kong Michelle. Malapit na tayo sa school" sabi nya

"Oo, kaya bilisan mo nang magpedal!" sabi ko at sabay na niyakap na sya sa bewang nya. Minsan lang ako maging malambing, kaya sinasagad ko na

"Wait. Babagalan ko muna ah?"

"Bakit naman?"

"E kasi gusto kong magtagal tayo na magkayakap. Minsan ka nalang kaya maging sweet! Sagarin na naten"

Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sakanya "Abusado ka ah, 'di na ayoko na"

Notebook ni IkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon