Chapter 5

1.5K 74 8
                                    

Chapter 5 - Transfer Students

"Sino ang ama ni Florante?"

"Si Duke Briseo!" sambit ko "O ako naman, sino ang kaibigan ni Florante?"

"Si Menandro, E eto, sino ang kabiyak ni Aladin?" tanong saakin ni Niko

"Si Flerida!.."

Nandito kami ngayon sa library kung saan ang next subject na itetest namin ay Filipino, buti nalang at nabasa ko na yun dati pa kundi wala na akong pag-asa

Buti nalang at natauhan nadin si Nikollo, sabi nya 10 minutes! ngayon ko lang nalaman na late 15 minutes ang oras nya? nakaabot kami dun ng halos 25 minutes -///- grabe, mukhang hinintay nya pang mag-ring bago tumigil sa pagyakap sakin

Nagsasalitan kami ng tanong ni Nikollo, ganun talaga ang paraan namin magreview, ganyan narin simula pa nung gradeschool. tanda ko pa nun nung nagrereview kami ni Niko sa table namin ng tamaan ako ng bola ng kaklase ko.

"Ah! Sorry Mic!" sabi ng isa

Nagbitaw ng masamang tingin si Nikollo sakanila, mukhang kinabahan sila pero ung isa ayaw magpatalo sakanya

"O bakit? naharang kasi kayo e" sabi nung lalaki

Papatulan na sana ni Niko pero hinawakan ko lang sya sa kamay para pigilan

"Wag mo na silang pansinin. Mga walang magawa lang yan" kumalma na si Niko at paupo na ng biglang batuhin ako ng tsinelas

"Haha! kulot buhok!" asaran nila sakin, kulot kasi buhok ko e. parati kasi akong nag-iipit

"Tangna!" lumusob si Niko sakanila at nag-away na sila, mala 3 on 1 ang laban, masyadong lugi si Nikollo.

"O, ano? Anong sagot?" kinakaway ni Nikollo ang kamay nya sa mata ko na para bang binabalik ako sa realidad

"Ah, ano nga ba ulit ang tanong?" ngumiti nalang ako sakanya

--

"Eto na test nyo, bawal kopyahan" sabi ni sir saamin, nandito kami ngayon sa Teacher's Office, malaki ang sala nila dito at may glass table. nang binigay na saamin ang test papers ay pumikit muna ako at nagdasal

"Lord, sana po makapasa.." sana'y dinggin ng maykapal. haha ang deep

Sumilip ako kay Nikollo na kasalukuyang nakafocus sa pagsagot, syempre di ako magpapatalo, binasa ko na ung first part at sumagot nadin..

"Kamusta test, HP?" tanong nya sakin habang umiinom ako ng coke

"Okay lang, nagreview e, haha!" sabi ko, nako tuwang tuwa ako dahil multiple choice! T_T savior ng lahat! "E ikaw?"

"Ah ayos lang din. ahhh, nagugutom na ako" nang sinabi nya yun ay napatingin sya sa hawak kong coke, tatago ko sana pero ang bilis ng galamay nya at nahablot nya kagad yun, kainis!

"Uy akin na nga!" pilit kong kinukuha sakanya ang coke pero sadyang matangkad sya at naaangat nya ang coke at di ko mareach!

"Wait lang, painomin mo muna ako" binaba nya na ung coke KO at sinimulan ng sumipsip sa straw..

"Tch, leche" tangi ko nalang masabi, bigla nalang akong natulala doon sa mukha nya habang umiinom, umaangat talaga ung eyelashes nya! tapos dahil naka-side view sya ay halatang halata ang pagkatangos ng ilong nya. Napagmasdan ko din ung adams apple nya na gumagalaw galaw habang umiin-- wait. pati ba naman adams apple nya Michelle??! Michelle adams apple na nga lang nya pagnanasaan mo na din? Maghunos dili ka nga!

Pero may napansin ako, sumipsip na ako dun sa straw.. tapos ngayon iniinom na nya... inom ko na, ininom nya.. nalagyan ko na ng laway, dinikitan nya na ng laway...

DIBA INDIRECT KISS NAYUN??! waaah! wait. bakit pa ba ako matataranta e last week nagki-ki-ki-ginawa na namin yun?

"T-Tapos ka na?" pagkatanong kong 'yun ay tinanggal na nya ang straw sa labi nya..para ngang nagslow mo nung ginawa nya yun e

"Kulang pa" bigla syang tumingin saakin, sa mga mata ko.. at bigla bumaba ang tingin nya sa labi ko.. mga ilang saglit lang at umiwas na sya ng tingin

"P-Punta lang akong canteen" nilagpasan nya na ako, napatakip ako ng mukha sa pag-aakalang baka sakali.. baka sakaling halikan nya ako..

--

"Dahil 4th Quarter nyo na ay magpapalitan na kayo ng upuan" declare ni ma'am saamin,

"Awwwww!" sigawan ng iba, syempre ako malungkot din..

Every quarter papalitan kami ng upuan, pero buti nalang at mabait si ma'am dahil pag tuwing exchanging seats ay parati parin kaming magkakatabi ni Iko, yeah bait mo ma'am!

Sumilip ako kay Nikollo, nakasleeping position, wala syang pakelam sa seating plan?

"Ngayon para maiba ay magbubunutan kayo ng numero, kung ano ang nabunot nyo ay dun nadin ang magiging upuan nyo.."

Medyo nanlaki ang mata ko, akala ko pa naman makakapagpahinga na ko! Ngayon aasa nalang ako sa swerte ko dahil posibleng hindi na kami maging seatmates ni Niko.

"Pero bago yun, wag muna kayong kabahan.." ngumiti saamin si ma'am, "may bago tayong transfer students"

"Ma'am! Transfer studentSS?" inemphasize ni Cedrick Lee ung SS dun sa dulo

"Oo dalawa sila, you wanna know?" medyo umingay ang klase namin, ako naman medyo excited na kinakabahan..

E kasi naman bihira nalang may magtransfer sa school na 'to, teka bakit ngayon sila pupunta dito e 4th quarter na?

"Ma'am bakit ngayong 4th Quarter sila nagtransfer?" tanong ko

"Ah, Galing kasi sila sa Canada. Sabay silang dalawa, nakapagregister na sila bago magstart ang school year kaya legal na silang students simula pa man, ngayon lang sila mag-aadvance."

Wala akong naintindihan sa sinabi ni ma'am. period.

"Ma'am nasaan na ba sila?" tanong ni Adrena

"Sige pasok na kayo" inanyaya ni ma'am ang dalawang tao na pumapasok sa room namin..

Notebook ni IkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon