Chapter 6 - Girl Talk
Naantig kami sa lalaking papasok sa room namin, 'yung isa niyang tenga nakasuot ang earphones niya, naka leather jacket at medyo loose ang necktie niya. Wow angas bad boy type, pero iba sya sa mga bad boy type.. nakasalamin kasi siya, mala gwapong nerd nga kumbaga. Pero masasabi kong kahit gwapo sya ay mas gwapo parin si Nikollo. Period.
"You need to introduce, go on." malambing na utos ni ma'am.
Tinanggal lang nya ang earphone nya sabay titig saamin, para bang inoobserbahan kami. Di siya umiimik pero mga ilang saglit nagsalita narin siya.
"Drake Paul. 15. Quezon City" bigla siyang tumingin kay ma'am, "Sa'n na po upuan ko?"
"Mamaya na Mr. Dizon, ipapakilala muna natin ang kasabay mo, Ms. Hazen pasok ka na din."
Tumingin kami sa pintuan, maya maya ay bumukas nadin to ay nakita namin ang babaeng lumalakad papunta sa platform.
"Hi, Elisa Hazen, 14. Turning 15 this march." sabi niya, ngumingiti ngiti pa na para bang nang-aakit ng mga lalaki. So kailangan pa talaga pati birthday sabihin?
Nairita ako bigla, siya lang naman 'yung nakita ko nung isang araw! Akala ko di na siya magpapakita!
Tumingin ako kay Nikollo, pati siya halatang nagulat! Ang mga mata nya ay parang halos maluluha na.. Nikollo, please. Tell me more about you and Elisa.
Nagkatamaan sila ng tingin, umiwas saglit si Nikollo, si Elisa naman ang ngumiti saamin. Pero this time malatang mapait.
"So, nasaan na upuan ko?" inip na tanong ni Drake,
"Bunutan na, kayo na mauna." may binigay si ma'am na box sakanila. bumunot na dun sila Elisa bawat isa "Wag niyo munang papakita ah?" nakangiting sabi ni ma'am.
Isa-isa dumadating ang box papunta saamin, malapit na to saakin at bago ako bumunot. Para bang nagdasal ako ng ritwal na ewan, basta memasabi.
Nang makabunot na ako ay nakita ko yung papel at ang numero na nakaukit dito. 13
Nang makita kong nakabunot nadin si Nikollo ay binulungan ko siya.
"Pst!" lumingon siya sakin,
BINABASA MO ANG
Notebook ni Iko
Mystery / ThrillerNotebook niyang puno ng secrets, kaso ayun nga ba ang nasa loob ng puso niya? 1st story: Kod-iko(thank you sa pagbabasa ng kwento na 'to mali lang talaga spelling ko nun ng kodigo) CTTW: Salty Studio