Chapter 1 - Sleeping
x x x
"Love, Your Nikollo"
Nanlaki ang mga mata ko! Pero pinunasan ko ung mata ko kasi baka nagdedelusyon lang ako, nung tsineck ko ulit ay totoo na nga. TOTOONG TOTOO NGA!
"WAH!" napasinghap ako, then tinakpan ko bunganga ko ng dahilan sa pagbilis ng takbo ng heartbeat ko
"O? Anong nangyari Ms. Padilla?" napatanong si ser sakin, lahat din ng mga kaklase ko nagsitinginan sakin
"Kase..kase.." mamula mula akong lumingon kay Nikollo Kinuha nya ung test paper nya at tinakpan 'to sa mukha nya.
"SerMayIGoOut??" mabilis nyang sinabi kaya wala ng space, bago pa pumayag si ser at dali dali syang tumakbo papaalis sa classroom
"H-Hoy Nikollo!! 'San ka pupunta!?" tumakbo narin ako papaalis sa classroom
"Nikollooooooooooooooooooooooooooo..!" ayaw nya parin magpaawat at takbo parin ng takbo, syempre ako hinahabol ko din sya dahil talagang WTF ung nakita ko! Biro lang ba yun?? Nako sana wag naman!
Sa kakatakbo namin nakaaalis na kami ng school! "Ano ba Iko san mo ba balak pumunta?!"
Bigla nalang umulan ng malakas na di ko maintindihan kung bakit. Oo nga pela,may Bagyong Gwiyomi ngayon..'Di nagtagal basang basa narin ang uniform ko
Nagtatatakbo parin kami kahit nasa tawiran na kami! Nahihingal narin ako "Nikollo!"
*BEEP* narinig ko na may nagpreno sa gilid, lumingon ako at nasisinagan lang ako sa ilaw sa'king harapan.
Gusto ko sanang umalis, pero nakapako lang ung paa ko dun. May truck na paparating..
"Michelle!" lilingon sana ako kay Nikollo pero ang bilis ng pangyayare, bigla nalang akong pumikit para hindi makaramdam ng pain..
.
.
Nasa heaven na ba ako? Kinakapa kapa ko ung clouds, medyo matigas ah infairness. Malamig din na di ko maintindihan. Atsaka parang pati ang higaan ko parang ang rough. Teka, baka naman nasa impyerno ako? Hala! Kasalanan ko ata un dahil nagplano akong mandaya!
Maya maya minulat ko na ang mata ko, medyo blurry pa..
"Michelle!" narinig ko ung boses ni Nikollo
"Ni-Nikollo??! Bakit tayo nakadapa?"
"Muntikan na!" sumigaw sya sa eardrums ko
"Grabe ka naman sumigaw para nama--" di ko na natapos ung sasabihin ko dahil bigla nalang nya 'ko hinila at niyakap sa bisig nya
"'Wag mo na ulit gagawin yun" ang lamig ng boses nya, kasing lamig ng katawan ko pero hindi na ngayon, dahil nagtransfer na ang init nya sa katawan ko..
"H-Hindi na po.." napasandal ako sa dibdib nya..
Dugdugdug ang lakas talaga ng tibok ng puso nya, kasing lakas ng tibok ng puso ko.. Di ko na pinakiramdaman ung Bagyong Gwiyomi. Basta, masaya akong ganito nalang kami. Sana nga tumingil ang oras at ganito nalang kami..
***
*tweet* *tweet*
Tunog ba yun ng twitter? Ay hindi pela, ung Alarm Clock ko
Minulat ko ang mga beautiful eyes ko at pinatay na ung alarm sa cellphone ko. Pagkakita ko sa higaan ko nandun sya..
Nagsalukbaba ako at pinagmasdan ko ung eyelashes nya. Putakte, nakakainggit talaga ung pagkalaki laki nyang eyelashes!! Lalaki ba talaga 'to?
Tapos sumunod naman ung lips nya, from coming up close mas nakakatempt pang i-kiss sya sa lips! MUST.NOT.BE.TEMPTED.PLEASE.LANG
Grabe, bakit 'pag dating kay Nikollo lumalabas ang pagkamanyak ko? Hinde, malandi lang talaga ako
I gave him my blanket and sleep again. Tutal madaling araw pa naman e, Bukas ko nalang tatanungin kung totoo ba ung binigay nya saking 'love letter'.
xxxx
A/N: Thank you sa pagbabasa! Pangit ba? haha ang echos ng Sequel
BINABASA MO ANG
Notebook ni Iko
Mystery / ThrillerNotebook niyang puno ng secrets, kaso ayun nga ba ang nasa loob ng puso niya? 1st story: Kod-iko(thank you sa pagbabasa ng kwento na 'to mali lang talaga spelling ko nun ng kodigo) CTTW: Salty Studio