Chapter 4: Isnaberong Gago.

611 13 5
                                    

 Tricia’s POV

Buong recess time, inisip ko kung paano harapin, kausapin at gawing kaibigan si Trevor. Naiinis na nga si Alee sakin kung bakit naduduwag daw ako. Duh? Fan girl LANG daw naman ako eh. Tss. Oo, buong 1 hour, inisip ko kung ano ang magiging first move ko sa dream boy ko. Hayyy. Ganito na ba talaga kahirap humarap sa isang napakagwapong nilalang?

[classroom]

Andito pa rin kami. Filipino subject na namin ngayon.

“Hi Trevor.” Bati ko sa kanya

He just nod.

YUN LANG?

“Uhm, Trevor, gusto mo nito? Baka kasi di ka pa nag break. May lasagna ako dito sa mini lunch box ko. Gusto mo?”

Umiling lang siya.

Err. Paano na to?

“Uy Trevor! Alam mo bang ako ang Queen Bee dito sa school? Noon, yung Mommy ko. Tapos, napasa pa rin sa akin yung crown. Ang galing no? Hahaha”

“Ah.”

Lintek na Trevor na yan! Napaka’man of few words’! Shit.

“Trevor, ang ganda-ganda ng boses mo!”

“Thanks.”

“U-uhm, ano, tawag dito, kailan ka ba gagawa ng video?”

Nagkibit-balikat lang siya.

Grabe. ISNABERO PALA TONG GAGONG TO?!

“U-uy ha, ang gu-gwapo ng pictures mo sa Instagram! Nila-like ko nga yun lahat eh! Kahit simpleng coffee mo lang sa breakfast, liked ko na agad!”

“Ganun ba.”

Dedmatology.

“Uy Trevor,  ang dami mo nang followers sa fb no? Swerte ko nga kasi friends tayo. Hehehehe”

“Awp.”

“Trevor, pansinin mo naman ako?”

Kinalabit naman ako ni Alee, na nasa harapan ko lang. Alphabetical order eh. Ravenna siya, ako Suarez.

“Why did you say that?” bulong niya

“I don’t know. Bigla nalang lumabas sa bibig ko.” Bwusit. Natataranta na talaga ako.

Tinignan naman ako ni Trevor.

“Bakit naman kita papansinin?”

Eh?

Di lang ako ang nagulat. Pati na din si Alee. Grabe. Ang taray ha!

Bakla kaya to? Grabe! Sa lahat ata ng lalakeng kilala ko, siya lang yung naglakas-loob na dedmahin ang dyosang katulad ko! Kaloka! Ako? Si Tricia Tiu Suarez? Dinedma ng isang gagong to? Letche ahh.

Kung maka Bakit naman kita papansinin?’ daig pa ang babaeng may menstruation! Grabe ha?! Man of few words na nga, isnabero pa! Akala mo naman kung sino!

Pinipigilan ko yung galit ko. Pinipigilan ko din tong mga luhang to na baka bigla bigla na lang babagsak. Ako? Magpapatalo dito sa isnaberong gagong to?

Kung makapagsalita to ahh. Di porket sikat at mayaman at gwapo at full package kang tao, nang-iisnab ka na no! Pero te-teka lang. Bakit ako apektado? Bwisit. Ito ang mahirap sakin eh, nagpapadala sa emosyon. Hayys.

My Idolized Prince (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon