Chapter 19: Kidnapped.

434 15 4
                                    

Brianna’s POV

Andito na kami sa company ni Arianna. Dala na namin ang perang gagamitin para sa ransom ng anak ko. Syempre kasama ko si Patrick at Trevor.

“Where’s Arianna?!” mataray kong tanong sa isang secretary

“N-nasa conference room po. May meeting.”

Dali-dali ko nang binuksan ang pinto. Bastos na kung bastos. Halata namang nagulat si Arianna sa inasal ko, pati na din ang mga tao sa loob ng room.

“STOP THIS RIGHT NOW!” sigaw ko

Nakita ko namang ngumiti muna si Arianna sa kanila. “Excuse me.”

Sus, bruhildang ‘to!

Lumapit naman siya sa kinaroroonan ko.

“Hey, what’s wrong?! May meeting ako! Ano bang problema mo?!” naiinis niyang sabi

“Your daughter and mine were kidnapped. That’s OUR problem!” galit na galit kong sagot sa kanya

Nakita ko namang may namumuong luha sa mga gilid ng mata niya. “H-hey. Y-you’re joking, r-right?”

“Mukha ba akong nagjo-joke? Maghanda ka na ng 7.5 million para sa buhay ni Alee! Iwan mo na yang pisting meeting na ‘yan!” naiinis kong sabi sa kanya

“P-pero…”

I didn’t let her finish.

“No buts, kambal. Itigil mo na ‘tong lecheng meeting na ‘to para mailigtas na natin ang mga anak natin! Tawagan mo na si Allen!” utos ko

She just nod.

Lumapit naman siya dun sa upuan niya saka inayos ang mga gamit niya. “Sorry. The meeting will be cancelled.” She looked down. “M-mahal ko ang trabaho ko, p-pero m-mas mahal ko ang anak ko. Sorry. Emergency lang. Excuse me.”

**

Mabilis na pinaandar ni Patrick ang kotse namin. Nasa backseat sina Arianna at Trevor. I can see in Trevor’s eyes na natatakot siya… natatakot siyang mapahamak ang anak ko.

Kinuha naman ni Patrick ang cellphone niya.

“Kyle! Reyes Extension ang address ng hide outs ng mga kidnappers. Please. Tulungan niyo kami. Send your people there. Nanganganib ang buhay ng mga anak namin.”

**

Andito na kami sa labas ng abandunadong building. Andito na din yung mga pulis, pati na din ang SWAT.

Readyng-ready na ang mga armas nila. Hinihintay pa din namin na lumabas yung mga kidnappers… kung sino ang may hawak sa buhay ng anak at pamangkin ko.

“Si Alee, hon. Si Alee.” Umiiyak na talaga si Arianna.

Niyakap naman siya ni Allen.

“Mahuhuli din ang mga kidnappers, ok? Maibabalik din nila sa atin ang mga anak natin.”

Di ko na talaga mapigilan ang bunganga ko kaya…

“HOY MGA GAGO! LUMABAS NA KAYO! ANDITO NA ANG PERA! IBALIK NIYO NA ANG MGA ANAK NAMIN!!! LUMABAS NA KAYO! DUWAG BA KAYO, HA?! MGA GAGO! MGA WALANG-PUSO!” galit na galit kong sigaw

Hinawakan naman ni Patrick ang kamay ko na kanina pa naka form into fist, at ready nang mamboxing.

“Babes.” Awat niya sa akin

My Idolized Prince (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon