Tricia’s POV
It’s been 1 month nung nangyari yung aksidente. 1 month na akong absent. 1 month na din akong binabantayan ni Trevor. Magkatabi na nga kami sa pagtulog eh. Every afternoon, binibisita ako nila Mommy at Daddy. Pag gabi naman, binibisita ako nina Tita Jannie, Tito Travis at ni Ate Jannica. At yeah, 1 month na ding absent si Trevor. Super excused na nga kaming dalawa eh. Tsaka naiintindihan din naman ni Tita Clarysse yun… and responsibility daw din yun ng isang boyfriend na alagaan ang girlfriend niya. Oops! I mean, suitor. Hehe. Di ko pala siya sinasagot. Daddy and Trevor went out para bumili ng food for lunch. Sawang-sawa na ako sa mga rasyon dito sa hospital. Tssk. By the way, andito nga pala si Mommy, Alee, Daniella, Clyde at ang dakilang bakla ng aming classroom, si Leonardo a.k.a. Lea. XD
“Ati! Namimisslalu ka na namin. Bumalik ka na there, puhlease?”
“Sis, miss na namin ang Queen Bee.”
“Balik ka na Tricia. Napakatahimik ng classroom, wala yung madaldal eh.” Natatawang sabi ni Clyde.
“Balik na Tricia, please? Malapit na din yung Prom Night! You should be there!” sabi ni Daniella.
“PROM NIGHT?!” gulat na tanong ko
“Yes Triciagirl! Malapit na yun! Gumora ka te ha?”
“T-teka, paano ako makaka-attend ng Prom Night eh di pa ako nakakapag-take ng exam? I mean, kami ni Trevor?”
Napaface-palm si Alee. “Sis naman! Buong St. Rose Academy alam kung anong nangyari sayo no! Tsaka, SUPER EXCUSED kayo diba? So, special exams nalang yung kukunin niyo no!”
“Kailan sila mag-e-exam?” cold na tanong ni mommy
“Next monthlalu po ti. By the way, sino ikaw te?” tanong ni bakla
My mom rolled her eyes. “Ang taray ni ati ha” bulong ni bakla, but I know di sya nakaligtas sa pandinig ni mommy
“Di mo ako kilala? Tss. Nakakaawa ka naman.” Cold na sabi ni Mommy
Humarap naman si bakla kay mommy. “Me?! Nakakaawa?! Excuse me lang ati ha, pwe---“
“SHE’S MY MOM!” sigaw ko
Halata namang nagulat si bakla sa sinabi ko. Si mommy? No reaction.
“Naku ti! I’m so sorry! Sorry po talaga. I didn’t know po eh! Sorry na ti ha? Peacelalu na po tayo, puhlease?” sabi ni bakla tsaka nag pout.
My mom smirked. “Tss. Bakla ka talaga. Okay. Apology accepted.”