Tricia’s POV
KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!
This day na talaga! Oh my god. I will never ever forget this day. Eto na yung araw na ikakasal kami ni Trevor! I mean, fake wedding nga lang pero kahit na no! Keribels dapat to! Dapat i-FEEL ko talaga tong araw na ‘to kasama ang super gwapo kong prince charming!
**
“Class, you already know what to do. Ok?” sabi ni Teacher Anne
“Yes Mam!” we said in unison
Mga 30 minutes nalang, magsisimula na ang school fest. Ready na din kaming mga brides and grooms. Oh my golly wow! *O* Ang gwapo ni Trevor my loves! Naka black tuxedo siya tsaka… ahhh wala na ako masabi. Basta! Ang gwapo gwapo gwapo niya talaga! Bagay na bagay kami! BWAHAHAHAHAHA.
At since gwapo siya, at maganda ako, aba! Mas lalo akong gumanda no! In fairness, ang galing mag make-up ng classmates ko! Light lang naman yung pagkamake-up pero syempre, litaw pa din yung kagandahan ko no!
Papunta si Trevor sa direction ko. Anong ibig sabihin nito? Sasabihin ba niyang ang ganda ganda ko? Na bagay kami? Na crush na niya ako? Na liligawan na niya ako? Na mahal na niya ako? Huwaaaaaaaaaaaaat?! O/////O
“Ayos lang ba?” he asked me sabay tingin sa ayos niya.
Bwusit na boses yan, napaka-masculine! Mas lalo tuloy akong naiinlove sayo! *U*
“Naku oo naman no! You know, we’re perfect together. Gwapo ka, maganda ako. Binata ka, dalaga ako. Push na natin to Trevor no! Natotorpe ka ba sa akin kasi ang ganda-ganda ko? Naku naku, I love you na talaga Trevor!” pero syempre nagde-daydream lang ako no.
“Yep, you’re stunning!” compliment ko sabay ngiti.
**
Naku, fourth pair na! After nila, kami na ni Trevor! Oh my god. Ang daming mga estudyanteng nanonood sa wedding booth namin. Hayyss. Baka naman matulala lang ako sa harap ng mini altar saka di makasagot ng “Yes, I do.” kasi napakagwapo ni Trevor? Bwusit na wedding booth to, pinapakilig ako nang husto! BWAHAHAHAHA. Basta, kaya ko ‘to no. Hello? Isang napakagwapong nilalang ang papakasalan ko dito sa wedding booth na to no!
“Mr. Aaron, do you accept Ms. Maristela, as your wife, for sickness and health, for richer or poorer, and until life after death?” tanong ng kaklase kong pari. Hahahaha
“Father, yes. I do.” Sagot naman ni Aaron
“Ms. Maristela, do you accept Mr. Aaron, as your husband, for sickness and health, for richer or poorer, and until life after death?”
“Father, I do.”
“You may now kiss the bride.”
Humarap naman sila sa isa’t isa saka ngumiti. Bwisit. Nakakainggit. Eh tunay na magkasintahan to sila eh!
Inilapit nila ang kanilang mga mukha at pagkasabay ng pagpikit ng kanilang mga mata…
“NEXT PAIR!” sigaw ni Teacher
Umalis naman yung 4th pair tsaka pinag-ready kami ni Trevor. Hayyss. Malapit na talaga. Oh my ghad lang talaga! ♥ “Trevor, yes I do.” Wahahaha.
“Next pair!”
Yung ibang students naman na nasa assigned seats nila excited na excited na sa wedding namin ni Trevor. Wieee. Bagay kami diba? Diba? Say yes, say yes!!!