Tricia’s POV
[after 1 week]
1 message.
Message: No class for today but students are still asked to come to school for the planning of their section’s outing. Thank you. –St. Rose Academy Principal.
Yaaaaaaaaaaay! ^______^ OUTING NA! WOHOOO!
*classroom*
“Class, natanggap niyo naman yung message diba?”
“Yes mam!”
“Hmm, sige. Saan niyo gustong mag outing? Class ahh, dapat sa magandang place naman, i-enjoy niyo na to. Last year niyo na dito!”
Napaisip ako sa sinabi ni Teacher Anne. She’s right. Dapat i-todo-todo na namin to. Ilang months nalang at ga-graduate na kami ng high school. I can still remember kung saan kami pumunta nung 1st, 2nd at 3rd year ako. Nung first year, since medyo ‘baby’ pa kami nun, pumunta lang kami sa isang butterfly sanctuary. Nung second year naman, sa Davao, nag zip line kami nun. Enjoy din yun ah! Nung third year naman, since mga ‘ate at kuya’ na kami nun, sa isang orphanage naman nun. Nag alaga kami ng mga bata dun for 2 days and 1 night. Grabe, nakakawa-poise yun ahh. Ang kulit-kulit kasi nila, palaging hyper. Parang di napapagod. Psh.
“Mam, resort Mam!”
“Oo nga Mam! Overnight!”
“Rock na yan Mam!”
“Sis. Resort daw!” bulong ko kay Alee
“Hmmm”
“SA RESORT NILA LOLO AT LOLA!” sigaw namin at nag high-five kami
“Hmm, Alee at Tricia, may problema ba?” tanong ni Teacher
Umiling kami.
I stood up.
“Guys, gusto niyo sa resort?” excited kong tanong.
Nag smirk naman si Alee sa akin.
“Oo naman no!”
“Para enjoy!”
“Last year na natin dito no, so dapat rock na talaga!”
Tumayo naman si Alee. Nginitian namin ang aming adviser.
“MAM, MAY RESORT PO YUNG LOLO AT LOLA NAMIN!” duet naming sigaw
“Whoo! Dun nalang tayo!”
“Yehey!”
“Exciting to mga brad!”
“W-wait, seryoso ba kayo?” tanong ni Mam
We nodded.
“Malayo ba siya?”
Tumingin naman si Alee sa akin nang nagtataka.
“Hmmm, di naman po masyado. Sasakay lang po tayo ng bangka.” Paliwanag ko
“HA? Gagamit tayo ng sagwan?!”
“Naku! After 2 million years pa yan! Di tayo marunong nun no!”
Umiling ako. Maling mali kayo ng inakala classmates =__=
“Hindi tayo gagamit ng sagwan guys! May gasoline naman yung bangka,parang motor-bangka ba?” sabi ni Alee