Tricia’s POV
Andito lang ako sa classroom. Tahimik na naglalaro ng minion rush sa iPad mini ko. Milagro ba kung tahimik ako? Paano ako makakapag freak out kung tulog na tulog tong katabi ko? Oo, natutulog siya. Ee, pati ba naman sa pagtulog gwapings pa rin?
Maya-maya rin ay dumating na din yung teacher. Pero eh? Di naman siya yung teacher namin ah? Tinago na din namin yung mga gadgets namin, ganito kasi kami while waiting. Nagseselfie, naglalaro, soundtrip etc.
Fortunately, or should I say, UNFORTUNATELY, gumising na din tong si Trevor. Umayos na din ako sa pagkaka-upo since andito na yung teacher.
“Good afternoon, class! Absent ang teacher niyo kasi masama ang pakiramdam. At since shortening of periods ngayon kasi may meeting kami, di tayo mag-di-discuss ngayon. Mag pi-pick-up lines lang tayo. Ayos ba yun?” sabi ng substitute teacher
Pick-up lines? My ghad.
“Whoa! Ayos yan mam!”
“Ayieee, dumadamoves na yang iba dyan! Wahahaha”
“Ikaw ba yung sasabihan namin ng pick-up line, Mam?” tanong naman ng isa kong classmate
Ngumiti naman yung teacher. “Of course not! Yung seatmate niyo. Since boy-girl boy-girl naman dito, diba?” masayang sagot niya
HA?! Pick-up line, with our seatmate? For Pete’s sake. NO WAY!
“Gora na kayo? Sinong una?” excited na tanong ni Teacher
Tumayo naman si Nicholas. Guitarist siya ng school band namin, seatmate ni Alee. Gwapo’t habulin din tong lalake ‘to no.
“Wow! Go Nicholas! Wahahaha”
“Chicks yang si Alee! Baka makalimutan mo yung pick-up line mo ha! Hahaha”
“Good luck, bro! Hahaha”
Samut-saring hirit ng mga kaklase ko. More on, mga lalake.
Tumingin naman si Nicholas kay Alee. Yiee. Pero, binalik niya yung tingin niya sa teacher namin na para siyang nahihiya.
“Mam naman eh, sobrang ganda ni Alee. Nakakatorpe!” sabi niya.
Nagtawanan naman kaming lahat dito. Hahaha. Si Trevor? Nag smirk lang. Tawa-tawa din oy, pag may time? =__=
“Naku bolero ka talaga! Kaya mo yan. Para pick-up line lang eh!” comment naman ni Alee saka hinampas nang mahina ang braso ni Nicholas
Ngumiti naman siya kay Alee.
“Uhm, Alee. Alam mo ba kung bakit may space between your fingers?”
Napakunot-noo naman si Alee sa sinabi niya.
“Bakit?” tanong niya
“So that mine could fit in.”Seryosong sabi ni Nicholas kay Alee saka hinawakan ang kamay niya
“Da’moves! WAHAHAHAHAHA”
“Ayos ka pre! Hahaha”
“Uuyyy, hahaha”
Nag smile lang si Alee kay Nicholas. Saka tinanggal niya yung pagkakahawak ni Nicholas sa kamay niya.
“ikaw naman Alee!” sabi naman ni teacher
Tumayo naman si Alee saka tinignan si Nicholas.