31- The Top 15

27.9K 785 34
                                    


Kismeth's POV

"Hoy bruha wag mona ulit uulitin yung kahapon ha! Abay inintay ka naman pero di kana bumalik!" beks.

Nakaupo kaming tatlo ngayon sa pwesto namin dito sa room. Iniintay ang pagdating ng napakagaling naming professor na 30 minutes ng late.

" Bes tama na nga! Kanina mo pa sinasabi yan eh!" Sydney na nakakunot ang noo. Naiinis siguro dahil kanina pa naaabala ang pagbabasa nya tss

"Sorry naman! Mukhang hindi naman ata papasok si ma'am eh! Mabuti pa kaya'y pumunta nalang tayo sa cafeteria at nagugutom nako!" aya naman na na ikinabuhay ng sistema ko. Pagkain yu eh tsss-_-

" Mabuti pa nga tara na!" Sydney na nauna pa saming tumayo at lumabas ng room.. gutom lang!?

Naglalakad kami papuntang cafeteria ng mapadaan kami sa quadrangle kung saan nagpapractice ng basketball ang haring hilaw at mga alagad nya. Teka diba dapat kasali si beks?

" Hey Ej right? Mamaya may practice tayo" natigil naman kami sa paglalakad ng harangin kami ni Daisuke. Maski ang mga kaibigan nya ay natigil rin at nanonood samin.

" Oo sige bro. Kita kits maya" i cant help but to chuckle ngmagsalita si beks. Trying hard palakihin ang boses. Kahit si Sydney na kaninang nahihiya ay napangiti rin

" Sige. Balik nako dun. Bye Kismeth :)" he said with a smiling face.

Pinaghahampas naman ni Sydney ang braso ko na parang kinikilig. Tss tsura

"Hoy mga bruha ano? Kakain ba o kakain??" beks. Naglakad na kami ulit hanggang makarating kami sa cafeteria. Umupo na kami ni Sydney dahil si beks naraw ang oorder at magbabayad. Pagbigyan.

" Hey Kismeth, sa tingin mo, sino kaya ang masasali sa top 15 bukod dun sa walo?" Sydney asked while looking outside the window. Kita pala dito sila Daikie.

" Abay malay ko.. Tsss. Alam mo namang wala ako masyadong kilala dito sa school" cold kong sagot sa kanya sabay irap. Duuuh transferee lang ako remember? tsss

"Aba taray ni ate oh! Sorry naman! Pairap irap kapa dyan dukutin ko maa mo eh" sagot naman nya. Tsss di bagay sa kanya maging brutal

" Kaya mo?" tanong ko naman sa kanya gamit ang pinakamalamig kong boses. Nakita ko namang nanlaki ang mata nya. (chuckles) mukha syang nakakita ng multo tssss

" E-eto naman! Niloloko kalang hahaha" akward nyang sagot habang kinakamot ang noo nya. Napangiti naman ako ng halos 2 segundo pero itinago ko ulit ng may magsalita mula sa likod ko. Andito na pala si beks

" Oh mga donya ayan na po order nyo" kinha ko naman agad ang isang plate ng carbonara at dalawang chocolate cake slice. Inabot naman sakin ni Sydney yung choco frappe ko. Si beks naman abalang abala sa pagsubo ng chicken pasta nya. Si Sydney naman, tinamaan na naman ng pagiging vegetarian at vegetable salad ang inorder. tsss

" Ahm guys later diko kayo masasamahan ah. Nakita nyo naman inaya ako ni Mr. Cute kanina gusto yatang makipagdate!" beks na nagbu beautiful eyes pa.

" Kapal naman! Gaga di kana nakakaintindi? Magpapractice kayo! MAGPAPRACTICE!!" Napalakas at a ang sigaw ni Sydney dahil lahat ng staff ng cafeteria ay nakatingin sa kanya.

" Sigaw pa more hahaha!! Btw, Kismeth, what's with you and Mr. Cute? Bakit parang close kayo?" beks. Napatigil naman ako sa pagsubo dahil hindi ko rin alam ang sagot.

" Ewan" sagot ko nalang bago isubo ang cake ko.

Natapos kaming kumain ng maisipan ni beks na maglaro ng truth or dare. Di naman ako makatanggi dahil kahit si Sydney ay pumatol sa gusto nung isa

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon