45- Im Already Taken !!!

20.4K 623 63
                                    


KISMETH'S POV

Hindi ko mapigilang mapabuntung hininga dahil kanina ko pa iniisip kung anong gagawin ko bukas. Remember Daikie invited me in his house party? Actually, hindi naman talaga yun. Makakapunta naman sana talaga ako. But the problem is, si Dad. We talked while having our breakfast kanina. And sinabi nyang i need to go with him tomorrow night. May pupuntahan daw kaming importante. Hindi ko naman magawang humindi dahil ngayon lang ako ulit inaya ni Dad na sumama sa kanya. Pero pano si Daikie? Aish

" What the heck!!!??? Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha!!???" ooooppps. Haaay. Ang aga aga etong babaeng to na naman bumungad sakin.

" Hindi ko kasalanan dahil haharang harang ka sa daan " malamig kong sagot sa kanya. Susugod na sana sakin yung alipores nya pero pinigilan nya ito. She looks familiar... Ah oo. Yung kaklase ko na ilang beses ko ng pinahiya.

" Tsk tsk tsk. Iba na talaga oh!? Kinaganda mo yan? Bitch hindi porket pinakilig ka ni King kahapon e totoo na lahat ng sinabi nya! Hahahaha. I know him! Isa yan sa mga laro nya. Aawayin ka, tapos makikipag ayos, tapos pakikiligin hanggang sa mahulog kana sa kanya. Pero sa totoo lang, HE WILL NEVER LOVE SOMEONE LIKE YOU! Masyadong mababa ang katulad mo para sa kanya. You're nothing compared to me " mahaba nyang litanya na syang ikina hikab ko. Nawala naman ang ngisi nya ng makita ang reaksyon ko. Tssss. Ano gusto nya umiyak ako?

" Oh really??? Uhmmm... If thats the case, bakit ako yung hinatak sa stage? Bakit ako yung hinarap sa maraming tao? Bakit ako? Bakit hindi ikaw?" inosenteng tanong ko sa kanya.

" You bitc--" akmang sasampalin na nya ako ng may biglang pumigil sa kamay nya at tinulak sya palayo sakin. Great. Nice timing my knight in shining armor.

" Dont you dare hurt my baby girl! Subukan mo at baka makalimutan kong babae ka!!! " sigaw ng 'baby boy' ko. Napapitlag naman sa pwesto nila ang reyna ng mga bubuyog at tumakbo palayo sa amin kasunod ang mga alipores nya. Tssss. Coward.

" Ayos ka lang baby girl? May masakit ba sayo? Sinaktan kaba nya? Ano tell me? Tara sa clinic you want? Or do i need to call an ambu---" diko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil tinapik ko ang kamay nyang nakahawak sa magkabila kong balikat habang niyuyugyog ako. Aish.

" Stop. Hindi ako nasaktan. Im fine " sagot ko naman sa kanya. Unti unti namang lumuwag ang pagkakahawak nya sa balikat ko pero niyakap nya naman ako ng mahigpit. Naiipit akooooo

" Buti naman. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya kung sakaling sinaktan ka nya. I'll never let anyone hurt you again. Im always here for you baby girl " kumalaa naman sya sa yakap at hinalikan ako sa noo. Eto na naman yung kung anong gumagalaw sa tyan ko!

" Bakit nandito ka pa? Akala ko ba nasa room na kayo " sabi ko sabay iwas ng tingin. Nakatitig kasi sya sakin.

" Eh ang tagal mo e. Kaya naisipan kong sunduin ka. Baka kasi kung sino pa maghatid sayo " sagot naman nya bago hawakan ang kamay ko. Naglakad na kami papuntang room at buti nalang, wala ng masyadong studyante na nandito sa grounds. Pero may mangilan ngilan rin na tumitingin samin tapos biglang kikiligin. Luh !

" Sa tingin mo ba, sa ginawa mo kahapon, may magbabalak pang lumapit sakin? " hindi ko alam kung saan ko nahugot yang lakas ng loob ko para sabihin yan sa kanya.

" Kaya ko nga ginawa yun para malaman ng lahat na hindi kana pwede. Because you already have me, and you, will forever be mine " sagot naman nya sabay kindat at ngisi sakin. Mas mataas pa pala self confidence nito kesa sa height nya e.

" Ganon ba? Eh pano kung sabihin kong may nagugustuhan akong iba dito sa M.A? " napatigil naman sya sa paglalakad at unti unting tumingin sakin. Siguro kung pati ang panahon ay nako control nya, baka kumukulog at kumikidlat na dito ngayon. Pffft.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon