46- Project Pala Ha!?

21.2K 624 38
                                    


KISMETH'S POV

Usually, kapag weekends, nasa bahay lang ako maghapon. Naka kulong sa kwarto ko. Kung hindi natutulog eh nanonood ng kung ano ano. Pero iba ngayon.

Baby girl you ready? Malapit nako. See you 😘

Haaays umagang umaga gumagalaw na naman tyan ko at yung tibok ng puso ko ang bilis bilis. Inayos ko naman yung suot ko bago lumabas ng kwarto at bumaba ng sala. Ngayon, para maiba naman, napagdesisyunan kong mag pantalon at tshirt tsaka white vans. Nakakahiya naman kasi kay Zachary kung magpapalda ako diba. Ni hindi ko nga alam kung ano balak nya. Basta tinext nya lang ako na gumayak dahil aalis raw kami ngayon.

" So who is the lucky guy?" lumapit naman ako kay dad para halikan sya sa pisngi. Muntik ko ng makalimutan na nandito pa pala sya. Tsssk.

" Wala, dad. May project lang kami " sagot ko bago lumabas ng front door. Hindi ko na hinayaang makasagot pa sya dahil panigurado ay uusisain pa nun kung sino ang kasama ko.

Maya maya pa ay dumating na nga si Zachary sakay ng kanyang Bugatti Chiron. Pagkahinto nito ay agad rin syang bumaba at binigyan ako ng matamis na ngiti bago lumapit sakin at halikan ako sa noo. Yung too, nanliligaw palang ba to? Tsaka ko lang napansin ang itsura nya. He look so hot kahit na simpleng v-neck shirt at pantalon lang ang suot nya. Lalo namang nagmukhang matangos ang ilong nya dahil sa shades na suot nya. Damn. He looked so fine.

" Like what you see baby girl? " aish. Nakita pala nya.

" Not really " sagot ko sabay iwas ng tingin. Bakit ang init yata ng pisngi ko?

" Huh fool yourself. Tara na " aya nya sabay hatak sa kamay ko. Pinagbuksan nya naman ako ng pinto bago pumunta sa drivers seat at paandarin ito.

" Hanggang 7 lang ha " paalala ko sa kanya ng makalabas na kami sa gate ng bahay. Haaays san naman kay kami pupunta?

" Yes ma'am. Sabi ko naman kasi sayo, ako nalang kakausap sa amo mo. Para kahit hanggang anong oras ka pwedeng umuwi " sabi nito sabay kindat sakin. Ang palusot ko kasi kaya dun ako nakatira ay dahil katulong ako sa bahay namin. Buti nga naniwala sya eh. Tsssk

" San ba tayo pupunta? " pagiiba ko ng usapan. Tumingin lang sya sakin at ngumiti. Ayos. Nasagot nun yung tanong ko. Tumahimik nalang ako tutal mukha namang wala syang balak na sabihin sakin kung saan kami pupunta.

Mahigit kalahating oras na kaming bumabyahe hanggang sa mapansin ko na pamilyar yung daan na tinatahak namin. Shit. Napakunot naman ang noo ko ng bigla syang lumiko pakanan. Teka... Isa lang naman ang tinutumbok ng daan nato ah? Shit!
Para namang binuhusan ako ng malamig na tubig ng mabasa ang nakasulat sa itaas ng malaking gate.

KING JAMES' POV

" Hey lets go. May gusto akong ipakilala ko sayo" aya ko kay baby girl na ngayon ay nakatulala. Problema nito?

" H-huh? Tara " mahina nyang sago. Inalalayan ko naman sya pababa ng sasakyan.

This is my first time to bring a girl here sa orphanage. Diko itatanggi na malapit ang loob ko sa lugar nato. Lalo na sa mga taong nandito. Kahit na lalaki ako, gangster, basagulero, malapit ako sa mga bata. Sobra.

" Good morning Sister " bati ko kay sister Terie bago magmano dito. Mukhang nagulat naman sya dahil napaatras pa ito.

" Oh James buti nakadalaw ka! Tagal nyo ng hindi bumibisita ha? Kasama mo ba ang mommy mo? " tanong nya.

" Ah hindi po Sister. Im with someone else " sagot ko bago ngumiti ng tipid. Bigla namang lumabas si Sister Lucy sa kusina na may bitbit na tray ng cookies. Mukhang nagbake na naman  si Sister.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon