Gav pov
I can't believe that she can kiss me infront of many people.This girl is really something.Her attitude is really weird.But anyway wala lang sakin yung ginawa niya. Kaso hindi lang talaga ko sanay ng may humawak sakin at humalik. Sanay ako sa racing,fights and even basketball. Sports din minsan.
Yung mga tao gustong gusto sya. Sa ganda ba naman at kinis dagdag mo pa na sexy sya tignan kase naka - short lang sya ngayon. Di naman masyado maiksi yung sakto lang. Pati nga ako na- star struck kanina pagkalabas nya. Sabi ko nga wag na lumabas pero makulit talaga. Kaya ayun hinawakan ko sya sa bewang tska ramdam ko na rin na naiilang na siya sa dami ng naka tingin sa kanya.
"Let's go home now. " Sabi ko sa kanya. Gabing gabi na halos madaling araw na e. Bukas may pasok na.
Ayun sumunod naman sya. Pagod din siguro to.
"Hey badboy." Kinalabit nya ko. Haha. Yea badboy nga.
"Oh?" Parang alam ko na to ah. HAHA. gutom to panigurado.
"Kain tayo!" Sabi na e. napangiti naman ako. Nag pout pa siya. XD
"Gusto ko Marshmallows na may chocolate." Puppy eyes. Hindi pa nga ako sumasang - ayon nag demmand agad. Hay babae.
"Uy!" Kinalabit nanaman ako.
"Oo na." Makakatanggi ba ako? Tsaka nanalo naman ako e.
------------
Ayun bumili nanaman kami ng marshmallows. Tapos uminom ng hot chocolate. Natawa nga ko at sinawsaw niya yung marshmallow sabay kain ayun napaso tuloy. Binili pa naman namin na marshmallows ay yung malalaki pa.
"Lagi na lang sila nagagalit sakin.Hindi man lang marunong mag tanong.Basta sila naniniwala sa mga nakikita nila at naririnig. Hindi lahat ng yon totoo lahat tayo may rason kung bakit natin ginagawa ang isang bagay." Sumuplada yung mukha nito. Nagulat naman ako ng magsalita sya.
"Anong ibig mong sabhin?" Sabi ko sa kanya. Ano daw?
"Lahat ng tao mapanghusga. Nakakasawa. "
"Edi hayaan mo lang. Mag sasawa din yan." Payo ko sa kanya
"1st Year highschool pa lang ganon na nila ko ituring. Hanggang ngayon ganon pa din. Yun ba ang nagsasawa? " Reklamo nya.
"Sa tingin mo ba hindi sila titigil?" Tanong ko sa kanya.
"Oo,hindi na. Pero okay lang naman. Sanay na rin ako kahit papaano. Alam kong di mo maintindihan pero wala e ganon talaga."
Nanahimik kami ng ilang minuto. Hindi ako nagsalita pa. Feeling ko may pinagdadaanan rin to e.
Pagkatapos non umuwi na rin kami mga 5 minutos ang maka lipas. But before she walks away she said that "Ang lambot pala ng cheeks mo."Tapos sabay kurot sa pisngi ko.Namula nga e. Kulit talga ng babaeng yun. Sabi ko nga "Ingat sweetheart." Tapos humarap sya sakin tapos tinarayan ako pero tinawanan ko lang siya.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakalayo na siya at d ko na nakita.
Magkikita pa kaya kami? Hmm. Tuwing may race lang kaya?
============
Alexa POv
Ayun puyat nanaman ako. Nawawala na ata ang aking mala- DIYOSANG kagandahan.Chos! Naglalakad ako ngayon sa next room ko. First time kong papasok sa class na ito kaya di ko pa alam kung sino sino ang classmates ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko nanaman yung dalawa kong kaibiganAhm sort of. They smiled me calling my name but I just wave at them. I'm not the mood. I'm craving for mallows. Umupo ako sa pinaka gilid sa dulo. Tumingin ako sa may bintana. Papasok pa lang yung iba sa mga rooms. Yung iba kakapasok pa lang. Nakakalat naman at nakatambay yung iba nakikipag kwentuhan lang.
Antagal naman ng prof. Sabagay ilang minuto pa. Magtatakip muna ko ng panyo hindi na kasi ako nakatulog dahil sa chocolate ansakit kasi ng dila ko. May race kaya mamaya? Ay nga pala, di ba nandito siya nag aaral diba? Bakit hindi ko sya nakikita? Sabagay malaki tong school na to para makita ko sya. Sa dami ba naman ng nag-aaral dito eh.
Gavin Pov
Pumasok ako agad sa first class ko and since wala na ganong upuan na vaccant umupo ako sa dulo katabi ng babaeng brown ang buhok ko. Mukang tahimik ito. Siguro naman di ako mamomroblema sa kanya. Nakatakip siya ng panyo, tulog ata. Katulad ng buhok niya yung sa may babae sa cafeteria.
Dumating din yung prof. Lahat nag sitayuan ako medyo nag pahuli, Wala BADBOY nga e. Yung katabi ko napansin ko na tumayo na din pero nakatakip pa rin ng panyo.Problema nito? Tss. Nevermind she's not my business anyway.
Discuss lang ng discuss yung prof buti di ako tinatawag.Nakakatamad. Sobra. Pag ako lang talaga tinawag nito. Tae. Wala ko isasagot. Di naman ako nakikinig e.
"You, what do you mean by blah blah----? Please write it on the board." Sabi ng prof namin. Teka? Ano daw? Ay narinig ko pala yan kanina.
Tumayo ako. Lahat ng mata nila naka tingin sakin. Lalo na yung mga babae puro nakangiti halatang nagpapansin sakin. hay! Babae.
Sinulat ko yung sagot which is tama naman talaga. Natuwa naman yung prof ko kase kahit mukang hindi ako nakikinig sa kanya nakasagot ako. Pagtalikod ko.
Sh*t! I cursed. Paano pa ko babalik sa upuan ko?
Alexa POV
Naramdaman ko na may tumabi sakin, pero hinayaan ko na lang. Maya maya nag discuss ito pero di man napapansin na nakatakip ako ng panyo. Pinasagot nya yung katabi ko. Pag balik nito.Nagulat ako. Shocks talaga! Nanlaki yung mata ko. It's him the BADBOY. Ghad! Classmate ko siya. Tae ang pogi nya lalo na pag umaga. Remember tuwing gabi ko lang siya nakikita. Twice lang pala. Di ko alam na siya yun. Di ko alam na magiging classmate ko siya. The heck. Pinagtatagpo ata kami nito. Oo yung kagabi sinadya ko pero yung ngayon. Hindi na noh. Nakita kong nagulat din siya. Naaalala niya kaya ako? Yung babaeng pumapasok sa car niya pag nag rarace? Takte.
Dahan dahan siyang umupo. Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko. Tinignan niya din ako.Tinignan ko na din sya as in nilingon ko na. Ganito ba talaga siya? Gwapong gwapo lalo na sa malapitan. Mukang wala naman magsasalita samin. Umiwas na siya ng tingin syempre ako din. Nung nag bell na inunahan ko siya umalis. Grabe di man lang ata ko papansinin nito. Buti na lang isang subject lang kami magkasama.
===========
Sb <365