Naniniwala ba kayo sa salitang love,hope at trust?
Ang salitang yan,ano ba ang maibibigay nyan sa atin?
Ang saya ba?
Ang walang katapusang tawa?
Ang tiwala ng iba?
O, isang destiny na kayo ay magtatagpo at mamumuhay ng walang hanggang pag-ibig sa isa't-isa.
Ako..hindi ko naintindihan ang salitang yan.Pwede rin nating sabihin na wala akung experience,simula na nung naging mag isa lang ako parang wala...EMPTY.
Ako pala si "Nerd" ika nga nila.Sikat ako sa school namin.Sikat ako sa pagiging nerd at no.1 akong binibiktima ng pangbubuli, hindi lang iyan tinuturing rin nila akong laruan,ngi isa nga wala akong malapitan para magsumbong,at kung sa mga teachers naman,akala nila popular ako dahil to the highest level ang mga grades ko.
Yung parents ko naman hirap na hirap na sila,at para hindi na yun lalala pa ay tinatago ko nalang sa sarili ko ang mga pangyayari.
Akala ko ba kapag ikaw ay magaling sa IQ hahangaan ka na ng iba,nagkakamali pala ako.
***
Tinitigan ko ang bughaw na langit.Saglit lang ay balik na ako sa binabasa kong libro,inayos ko muna ang salamin ko at nagsimula na akong bumasa ulit.
Dito lang ako palagi tumatambay sa parte ng eskwelahan na may maraming kahoy at mapayapa. Kaya nga lang hindi ako makakaiwas sa mga taong akala nila kapag sila ay mukhang matapang at may kakayahang mang-bully ng kapwa ay meron na silang kapangyarihan dito sa West Feilds Academy.
Scholar naman ako at may maraming awards,kaya ako nakapasok dito sa mayaman na institution na ito.
Ewan ko ba kung masisisi ko ang sarili ko,pagpasok ko dito sa school ang iniisip ko lang ay maganda ito, outstanding ang mga teachers at mga club activities. Yun nga lang hindi ko naisip kung ano ang mga ugali ng mga estudyante dito,assuming nga na may mga disciplina sila,well its the other way round.
Buzz!! kringgg inggg!! kriiing!!
"ahh tapos na ang oras"
Tatayo na sana ako para maghanda sa susunod kong klase nang may lumapit sa akin.
"well..well..nandito kalang pala nerd!"
Tumingin ako sa pinaka hatest kong enemy,si Chloie dela Vega.Anak ng tipaklong naman ehh! ,Susugod na naman sila.Oo sila, tatlo silang nakaharang sa daanan ko,at parang may kutob ako na malalate na naman ako nito!. Malas na naman ang araw na ito.
Tinulak niya ako sa dibdib at agad akong napaupo sa bench. Dali dali kong inayos ang salamin ko para hindi matuluyang mahulog at hinihimas ang likod ko malapit sa pwet para mawala ng konti ang sakit.
"Nerd! simple lang ang favor namin sayo,tutal nerd ka naman ay ikaw na ang sasagot sa mga assignments namin at saka ang mga possible na questions para sa exam natin next week" Nabigla ako. Hindi ba nila kayang mag aral man lang sila kahit minsan,malas talaga at naging classmates ko pa ang tatlong shukoy na ito.
"C-chloie h-hindi" bago pa ako makatapos ay tinakpan niya ang bibig ko
"tssk..tssk..walang excuse nerd,kung hindi mo ito magawa ay sure na sa hospital kana magigising" binitiwan n'ya ang kamay n'ya sa bibig ko.
"Alcohol please,baka mahawa pa ako,yung 99.9% para sure" binigyan siya ng alcohol sa isa niyang kasama,binuhusan niya ng marami sa kamay niya,at ang sobra ay sa akin niya binusbusan sa buong katawan ko.
"k-kung sasaktan nyo ako..a-ay malalaman rin ito ng prinsipal" depensa ko sa kanila,i was shaking uncontrollably,hindi ko na pinansin ang sinasabi ko at nailabas ko nalang ang umiikot sa isip ko.
"ha..hahahahhah!!!" biglang tumawa silang tatlo.
"are you insane nerd!" sabi ng girl na mahaba ang buhok
"parang insane na nga siya ahahah!!" sabi naman ng isa na hanggang balikat ang buhok.
"Isusumbong mo kay prinsipal Miguel dela Vega,my precious daddy ang gagawin ko sayo,lakas mo'ng mangarap nerd!"
Na shock ako oo pala,tatay pala niya ang prinsipal sa school namin.Inis na inis na ako,tiniis ko nalang na hindi pumikit dahil sa weakness ko ang ganitong experience ay baka sakali ay tutulo na ang luha ko.
Kung hindi lang siya naging masungit sa mga tao ano kaya siya ngayon. Hindi ko halos maimagine kung ano siya kapag siya ay mabait,dahil sa kanyang ugaling over sa kasuklaman!,bagay naman sa kanya hmmp!
"ayusin mo yang pagmumukha mo nerd! sasapakin na talaga kita!!" di ko na pala namalayan sa kakaisip ko ng masama ay sumama rin ang mukha ko.Patay ako ngayon.
"o-okey na s-sige ako na ang gagawa sa mga homeworks n'yo at ang mga posibleng lalabas sa exam natin.P-please don't hurt me" tinaas ko ang dalawa kong kamay para depensa sa kanila,baka sakali ay sasapakin talaga ako.Kung sa panahon ay ayos na ang mga pasa ko ay meron pang ibang aabot.At feel ko mas malaking pasa pa ito,dyos ko po!
"hahaha! para ka talagang aso,kung hindi ka marunong sumunod sa mga sasabihin ang master mo ay hahampasin ka talaga ng mataas na latigo,by the way salamat nerd!" sabay pa nilang hinagis ang mga notebook sa kandungan ko,dumoble na naman ang sakit sa katawan..Pasalamat-salamat pa siya,buburahin ko talaga yang pagmumukha mo gamit ang muryatic acid!! bw*sit!
Tinignan ko sila kung nasabi ko ba yong na sa isip ko..Huminga ako ng malalim,wala na pala sila.Tumayo na ako dala ang kanilang mga notebooks,at pumunta na sa classroom para sa next subject namin.
Gods and godesses in heaven,kayo na ang bahala sa akin.
---***---
BINABASA MO ANG
Love is Full of Stupidity [Editing]
Teen Fictionmapagkatiwalaan mo pa ba ang taong nanakit sayo? mabibigay mo pa ba siya ng isang chance? tuluyan mo na ba siyang iwanan. Paano kung merong iba jan na nagmamahal ng sekreto sa iyo,hindi mo lang napansin dahil manhid ka. Nakakalito noh? its so Stupid...