Ang libro kooo!
Sigaw ko sa isipan para hindi nila marinig.
Tinignan ko ang lalaki at siya'y napatingin sa libro ko.
"im really sorry for that miss,ill replace your blouse and your uhh.." napatingin siya sa ibaba "and your long skirt" tumakbo lang kaming dalawa.
Teka sinasabi na niyang ang baduy kong manamit? okey man lang sa akin 'to,hindi ako parehas sa mga taong panay na mag su-suot ng sexy at magarang kasuotan.
Tumakbo kaming dalawa kahit saan na parang walang kataposan.
"nandito na tayo" huminto kami at tumingin ako kung anong store ang aming papasukin. Bigla akong naging statua.
"Something wrong? halika na" sabay hila ng babae sa akin sa loob.
"T-teka m-mahal dito,wala akong perang pambayad" hinila ko siya pabalik at kami'y napahinto sa paglakad.
Tumingin siya sa akin ng ilang segundo at siya'y lumapit,hinawakan niya ang dalawang kong balikat and she stared at me with those hazel brown eyes.
"whats your name"
"ehh umm E-emarald L-lopez" i swallowed my own saliva.
"and im Xandra Rose Alvarez" she shot me a cold stare.
"well Emerald,kung sasabihin kong dito tayo at ito ang su-suotin mo,sumunod ka nalang..ako na lahat magbabayad,wala akong paki- alam kong magkano..anyways may kasalanan ako sayo,and please accept this as my own apology to you" sabi niya sa akin na parang hindi na siya humihinga.
"p-pero"
"walang pero,pero..wala kang dapat problemahin,parents ko naman ay may ari ng negosyo na ito so ok lang"
Bumukas ang bunganga ko, abot lupa. Umuntog ako sa isang mayaman na babae,dapat akong aware sa paligid baka may pulis na gusto akong ikulong.
Sinusundan ko nalang siya,ang sakit na ng tiyan ko,hindi pa rin ako kumakain.
May nakita akong maganda na t shirt,plain,kulay sky blue. Tinignan ko ang price.
10,000 pesos!!???
"oh gusto mo yan?" sabi ni Xandra at kinuha niya ito
"hindi hindi tumitingi-"
"miss kukunin po namin toh" bago pa ako mag explain ay ibinigay na niya sa sales lady.
"ganda ng taste mo,bagay sayo at ito may napili na akong pang ibaba mo,look at this cute jeans" minamaluktok pa niya sa mukha ko,tinignan ko ang price.
20,000 pesos!!!??
Siguradong mamamatay na talaga ako sa heart attack.
"maam ito na po ang mga damit" sabi ng sales lady at inabot niya sa amin ang mga su-suotin kong damit.
"halika na sa fit room" hinila na naman niya ako papunta dun.
Pumasok na ako sa fitting room, inuna ko ang jeans at sunod na ang shirt,nahirapan pa ako nong sinuot ko ang plain skyblue na t-shirt kasi naman masyadong fit sa body ko.
"Emy tapos ka na?" sabi ni Xandra habang hinihintay niya ako sa labas.
"K-konti nalang" nagsinungaling ako,kakatapos ko pa lang magbihis, pero parang hindi ako makapag pigil sa kakatitig ng aking sarili sa salamin. Totoong sinabi niya bagay talaga sa akin. At ang ganda ng feeling na akoy nakasout ng mamahalin na damit.
Lumabas na ako at parang nahihiya ako ng konti baka sa paningin nila ay hindi bagay sa akin.
"omg! ang cute mo Emy,lumabas talaga ang curves mo" sigaw ni Xandra, at winawagayway pa niya ang kamay niya forming a curve.
"maam paano po itong damit na may dumi"sabi ng sales lady na dala dala ang aking lumang damit.
"dispose of it" lumapit si Xandra sa akin at akoy niyakap.
dispose? hindi.
"ok maam"
teka yung damit koo hindiii!!
"ang cute mo talaga Emy" sabay bitaw ni Xandra sa akin.
una ang libro,pangalawa ang damit ko. Ang dalawang pinaka importante sa buhay ko ay wala na!
Parang mababaliw na ako sa kakaisip.
"Emy kumain ka na ba?" tumingin ako sa kanya,anong sasabihin ko,oo o hindi. Kung oo mamamatay ako sa gutom kung hindi nakakahiya naman.
"h-hindi pa" Emerald ano ba tong sinasabi mo!
"ok so saan mo gustong kumain?"
"F-fishball" Nakakahiya ako.
"oh..uhmm..ok tayo na dahil humihintay pa si Lhoydee sa atin" sabi niya sabay hawak ng kamay ko papunta sa distinasyon namin.
"anong gusto mo Emy?" sabi ni Xandra habang pumipili ng pagkain namin.
Bumili na kami ng fishball,medyo natagalan kami dahil hindi alam ni Xandra kung ano ang pipiliin niya dahil hindi pa raw siya nakatikim ng ganito.
"wow Emy ang sarap nito" sabi niya,wala pa ang isang minuto ay ubos na niyang kinain ang lahat ng kanyang fishball.
Pumunta na kami kung saan namin na iwan si..Lhoydee? ang weird ng name niya.
"uyyy Lhoydee! nandito na kami!" sigaw ni Xandra habang ako'y kumakain ng at uminom ng pineapple juice.
Tumingin sa direksyon namin si Lhoydee na parang may galit ang kanyang mata.
"Xandra Rose!! ive been here standing for 2 hours! nanigas na ako dito sa kakahintay nyo!" sigaw niya sa mukha ni Xandra at siyay tumingin sa akin.
"hmmp,mas mabuti pa ang kasuotan mo ngayon kesa kanina,ang baduy mong manamit,para kang nanay" nabigla ako sa sinabi niya.
Ang lakas naman mag judge ang lalaking ito!. Ang sakit ng mga salitang sinabi niya sa akin!
"Lhoydee dont be rude to Emerald,pasensya ka na Emy ganito talaga ang lalakeng toh" sabi niya at hampas niya ang balikat nito.
"ow it hurts!"
"you deserve it freak!"
Hindi halata na magkasingtahan sila dahil palagi nalang silang nag aaway,habang tumitingin sa kanila ay tumawa ako ng mahina.
Ano na kaya ang oras tumingin ako sa orasan 4:32 ng tanghali.
Tanghali na pala!!
"a-ano..uhh ma-mauna na ako sa inyo,sana hindi na kayo mag away dalawa dahil mas bagay pa sa inyo ang sweet ganyan kumilos ang magkasintahan, s-salamat!"
Teka kailan ko pa nalaman na dapat lovey dovey ang couple.
Tumingin sila sa isat-isa,bago pa sila maka pagsabi ng gusto nilang sabihin ay tumakbo na ako papauwi.
--****---
BINABASA MO ANG
Love is Full of Stupidity [Editing]
Jugendliteraturmapagkatiwalaan mo pa ba ang taong nanakit sayo? mabibigay mo pa ba siya ng isang chance? tuluyan mo na ba siyang iwanan. Paano kung merong iba jan na nagmamahal ng sekreto sa iyo,hindi mo lang napansin dahil manhid ka. Nakakalito noh? its so Stupid...