~*There's always room for love,you have just to move a few things around*~
Wala pala akong ginawa sa araw na ito,nakahandusay lang ako sa higaan at tumitingin sa puting ceiling
Bababa lang ako pag gusto ko ng kumain at balik nanaman sa ganito.
Tinignan ko ang oras 1:45am,lunes na pala..malas,may pasok pa.
Pinatong ko ang higaan sa ulo ko at umiyak nanaman.
***
beep..beep..beep.
Inabot ko ang alarm clock at in-off ko ito.
"Emerald sige na gumising ka na" binuksan ni mama ang mga windows at pumasok ang silaw ng araw.
"ayoko,wala akong gana" tinabunan ko ang mukha ko sa kumot.
"anong walang gana,kahapon ka pa ganyan ha..anong nangyari may problema ka ba?" hinihimas niya ang likod ko.
"w-wala lang,gusto ko lang magpahinga"
"sayang yung test mo ngayon" nabigla ako sa sinabi niya,bakit niya alam.
Bumangun ako ng mabilis kinuha ang salamin ko,kumuha ng uniform sa cabinet,at pumasok na sa bathroom. Tssk nakalimutan ko pala.
Tinignan ko ang aking sarili sa mirror,pulang pula ang mga mata ko,hindi nila ito mapapansin dahil may salamin ako. Well nobody dares to look at my face in the first place,problem solved.
◇◇◇
Hinihintay ko na ang bus sa front gate namin,hindi man lang ako nakapag-aral kahapon. May huminto sa harapan ko at pumasok na ako nito.
Sana man lang ay mapayapa ang araw ko ngayon walang mang-bubuli sa akin at wala ng tatawag sa akin ng nerd.
Ano ba tong iniisip ko siguradong sa panaginip ko lang yun mangyayari.
Speaking of dreams,ano kaya ibig sabihin ng panaginip kong yun,ang na remember ko ay yung bangugot na sobrang nakakatakot at sa isa naman ay may isang lalaki,siya at ako ay sumayaw,siya'y naka maskara pero hindi ko ma picture kung sino talaga siya.
"uy rinig n'yo ba? may dalawang transferee sa school natin"
"oo nga,sabi nila parehas sila ng year sa atin"
"ohh! so may chance tayo na maging classmate natin sila"
bagong transferee?..how rare.
Huminto na ang bus at bumaba na ako. Kumuha ako ng isang notebook sa bag para makapag aral man lang kahit saglit.
"Emerald!! nandito ka na pala!"
Tumingin ako sa unahan. "S-sam" kasama niya sila Niel at Seth.
"nahihiya ka pa rin sa akin,ok lang yan i dont bite" inakbayan niya ako.
"h-hindi naman" pilit kong mag concentrate sa notebook ko.
"uyy Seth! samahan na natin si Emerald papunta sa classroom" sigaw ni Sam,at tumingin ako kay Seth.
"sure..why not" he replied
"ano ba kayong dalawa! anong sasabihin ng mga tao na kasama natin siya!" sumisigaw na parang baliw na sabi ni Niel.
"Niel! ang OA mo naman!" pabalik na sigaw ni Sam
"Niel don't start" tinignan ni Seth si Niel ng deathly glare.
"ok i give up! pag nawala ang reputasyon natin dito sa school blame her!" tinuro niya ako.
"Niel!!" sabay nilang sinabi,lumapit si Sam sa kanya at sinuntok siya.
"aray aray!" hinihimas niya ang kanyang ulo "what was that for!"
"you deserve it you prick!"
"hoy hoy kayung dalawa malalate na tayo,masasali na talaga si Emerald sa most late student kapag hindi kayo hihinto jan sa ginagawa niyo" sabi ni Seth at lumakad na siya papunta sa classroom.
Sabay sabay kaming pumasok at lahat sila ay nakatingin sa amin,salamat naman ay wala pang instructor sa table.
Isa isa na kaming umupo sa upuan hinihintay sa pag pasok ng first instructor namin.
"uy tol" narinig kong sinabi ni Niel "nakapag-aral ba kayo sa test natin ngayon"
"konti lang"sabay sumagot sila Seth at Sam.
nako po! hindi na pala ako nakafocus mag-aral!
Kailangan kong mag review kahit saglit lang,binuksan ko ang notebook ko.
Too late may pumasok ng instructor at umupo na sa table..patay ako nito.
"theres good news and bad news"
"the bad news is,today may long test tayo"
lahat ng estudyante ay nag boo.
"Silence.. siguro naman ay narinig n'yo na,na may bagong tranferee dito sa school natin,and this class is lucky dahil dito na ang bagong classroom nila,and thats the good news"
Naghiyawan ang lahat ng edtudyante sa loob.
"for real! here in our classroom?"
"maam! may gwapo ba? cute ba siya?!"
"maam meron bang sexy hot babe? ayos!!"
"ok class,be quiet!" tumingin siya sa pinto "pumasok na kayo at magpakilala"
Pumasok na sila..Bumukas ang bunganga ko at lumaki ang aking mga mata. Lumakas ang hiyaw sa classroom.
B-bakit sila nandito!!!
--**--
BINABASA MO ANG
Love is Full of Stupidity [Editing]
Teen Fictionmapagkatiwalaan mo pa ba ang taong nanakit sayo? mabibigay mo pa ba siya ng isang chance? tuluyan mo na ba siyang iwanan. Paano kung merong iba jan na nagmamahal ng sekreto sa iyo,hindi mo lang napansin dahil manhid ka. Nakakalito noh? its so Stupid...