Chapter 3

105 14 7
                                    

~*Life is not measured by the way we take,but the moments that take our breaths away*~

"nandito na ako" ang tahimik naman,tulog na yata sila.

Pupunta na sana ako sa taas nang may narinig akong pinggan na nabasag.

Nag-aaway na naman sila,araw-araw nalang ganito hindi man lang nila bigyang pansin ang kanilang anak. Sa tuwing gumagawa sila ng pagdarahas ay unti unti ring nagbabago ang pagtingin ko sa kanila, especially si papa.

Hindi ko napigilang umiling at pumunta na ako sa kwarto,hinuhukay ko ang bag ko at inilabas ang mga libro at yung tatlong notebooks na pinapasagot ni Chloie sa akin.

Pareho naman kami ng assignments at meron na rin akong na shade sa libro na possibleng lumabas sa test maaga akong makatapos nito. Sisimulan ko na.

Ang dilim ng paligid sa room ko,isa lang ang sumusuporta para makakita ako at yun ay ang study light.

Sa bawat minutong nakalipas,every scribble ko sa notebook at bawat next sa pahina ng book,hindi ko maiwasang umisip sa kinabukasan ko.

"Will i continue to be like this or will i change for good?"

Hindi ko namalayang kinakagat ko na pala ang pencil ko,at agad ko naman ipinatong sa mesa.

Hayy salamat tapos na.

Isinara ko na ang mga notebooks at ipinatong ang salamin ko sa mesa.Tinignan ko ang orasan 11:26,its still early.

Humiga nalang ako sa higaan, ilang minuto akong nakatingin sa ceiling,to kill time

Kailangan kong pag isipan at gawin ng paraan para maka ahon ako sa mga shukoy na yun,hindi pwedeng habang buhay nalang akong ganito.

Dahil sa pagod ay unti unti ko nang isinara ang aking mga mata,at mabilis na nakatulog.

-+-+

Beep..beep..beep.

unti-unting dumilat ang aking mga mata,another hard day na naman.

Kinuha ko ang aking salamin at pumasok na sa bathroom,pagkatapos ay kumuha ako ng uniform sa cabinet,inabot ko ang suklay at tumingin sa malaking salamin.

I could really say na pangit talaga ako,dont get me wrong its a self compliment

Kapag ako'y ngumiti hindi pantay ang ngipin ko,mas ok na ngayon dahil may braces na,pag ako ay mag po-pony tail may lalabas na malilit na buhok sa gilid wavy kasi ang buhok ko,at may katamtamang kulay ang kutis,morena. I mix pa natin ang over sized glasses then pimples.

Kung hindi nyo ma imagine,isipin nyo na lang na para akong si Betty La Fea.Tutal kamukha ko naman siya.

Pagkatapos kong magsuklay ay inayus ko na ang bag ko.

Pagkatapos kong inayus ay lumakad na ako sa baba para kumain.

Parang ang tahimik naman

Sila mama at papa hindi na naman sila umiimik,ako ay napatigil sa pag lakad at tinignan lang sila,nung nakita ako nga mama ko ay agad niya akung hinila para kumain.

"sorry dear,simpleng kainan na naman ang kakainin mo,wag kang mag alala kapag sweldo na sa susunod ay masarap na ang pagkain natin,gusto mo yung cereal diba..."habang kinakausap ako ni mama ay sumulyap ako ng tingin kay papa na bumabasa ng news paper habang umi-inom ng kape.

Nawalan ako ng gana.Hindi ko tinapos ang pagkain at lumabas na ako sa bahay,hinihintay na dumating ang bus.

Pagdating ng bus ay naririning ko ang mga hiyawan ng mga studyante sa loob.

Malas na naman ang araw na ito.

Pagpasok ko sa loob ay may ibang nag smile na abot tenga,may iba na tinatawag nanaman akong isang 'nerd'.

Umupo ako sa pinaka likuran.Where losers fit.

Bakit ba kasi kailangan pang mag bus na pwede naman akung lumakad..pshh.School policy nga,kailangan sundin ang mga rules.

"uy nerd!" may narinig akong may tumatawag sa akin,hinanap ko at d'un ko nakita si Chloie sa front seat na tumitingin sa kinaroonan ko,parang siya ang tumawag.

Tumayo siya at lumakad papunta sa kinaroonan ko.

"nerd natapos mo ba ang mga assignments namin?" nag face to face kaming dalawa,mukha niya talaga sarap butasin gamit ang barbeque stick.pshh.Nanginginig na naman ako.

"o-oo naman..h-heto" binuksan ko ang bag at inilabas ko ang mga notebooks nila.

"Good!,siguraduhin mo na check ang lahat na ito..dahil pag hindi-" tumawa siya ng konti "alam mo na ang mangyayari sayo"

Bumukas lang 'yong bunganga ko sa sinabi niya,kailangan pa ba na check lahat,nakakasira ka talaga ng araw Chloie.

Dun na siya bumalik sa upuan niya na kasama si Ryan ang boyfriend niyang kawawa dahil isang linggo lang ay break up na yan,inakbayan siya ni Ryan sa kanyang balikat.

Sayang ka Ryan,wala kang mapapala sa babaeng yan.

"uyy!! ready na ba kayo?" may sumigaw na parang nagbabalak ng masama.

"Oo naman!! ready na!!" sumigaw ang lahat ng estudyante sa bus

Anong ready? anong meron? dyos ko po! parang may kutob ako na masama talaga nito!

"Batuhin na natin si nerd ng mga papel!!! 1.2.3 Go!"

Wahhh!! isa isa nila akong binato ng mga papel,pinilit kong isara ang baba ko para hindi ako makakain ng papel.

"HINDI PWEDENG MAGING AGAHAN KO ANG PAPEL!" Sigaw ng isipan ko.

Tumalikod ako para hindi masakit ang pag bato sa akin.

Nung nadama ko nang huminto na sila hindi ko mapigilang umubo ng malakas dahil may tinie tiny bits na papel sa labi ko at sa loob ng baba ko.

"hahahahahhaha!! saya mong tignan nerd!"

"oo,nga next time naman ketchup at saka mustard,para magiging mukha siyang burger"

"hahha! sang ayon ako jan tol"

Hindi ko nalang sila binigyan ng pansin,pinipilit ko nalang na hindi tutulo ang luha ko.

Pinag-pag ko ang aking uniform para mawala ang mga papel na naka dikit,at inayus ko ang aking salamin.Tumayo ako para alisin ko ang mga papel sa sayal ko,ng biglang huminto ang bus.

"wahh!" agad akong napadapa sa sahig at nawalay sa akin ang aking salamin.Wala akong makita ,sa'n naba yun,sinusuri ko ang sahig,kung sakaling mahawakan ko ang salamin ko.

Narinig ko ang mga paa na bumababa sa bus hanggang sa wala na akong marinig,naku po! baka malalate na naman ako nito saan na ba yung salamin ko!

"uhh..nahulog mo pala toh" meron akong narinig na boses,boses lalake,tinignan ko siya sa mukha,hindi ko makita.

"haha your so careless you know" he gave out a chuckle

Nakita ko na ang kanyang mukha nong ipinatong na niya ang salamin ko sa mukha ko.Si..si Seth!

"uhh..ehh..s-salamat" kinuha ko ang bag ko,at tumakbo na ako palabas sa bus,hindi man lang ako tumingin sa likuran ko. Bakit nya ako tinulungan?

Tinignan ko ang orasan,8:40. Nako po! late na ako ng 10 minuites! humigit ang paghawak ko sa aking bag at tumakbo.

Love is Full of Stupidity [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon