NBSB 2~~

85 2 0
                                    

JENICE CHANDREA'S POV

"Bakla ! ano na?! bakit ang tagal umuwi ni LEY? naku ! humanda talaga sa akin yang babaitang yan pag uwi! sabi wag syang magpapagabi ah!" dakdak ako ng dak dak habang pababa ng hagdan at sinisigawan si rick na sitting pretty sa sofa at nag aayos ng kuko.nasa iisang bahay lang kasi kaming tatlo .nag request kami sa mga parents namin na magpatayo ng bahay kahit maliit lang yung magiging komportable kaming tatlo kaya pumayag naman sila.pero paminsan minsan umuuwi rin kami sa kanya kanya naming pamilya.

so back to reality.kanina pa ako nagpapanic dito dahil kanina pa kami nakauwi dito sa bahay nung hinatid kami ni james, mga 5:30 yon pero hanggang ngayon wala pa si LEY 7:30 na at hindi pa sya dumarating.

"ano ka ba girl, bakit kaba nagpapanic dyan.easy ka lang,tsaka kasama nya naman si AL ,safe yun sa kanya"

"safe?pano kung hindi ? papano nalang ku---" grabe..nagiging nega na ako.ayokong isipin na yun talaga yung nangyari..aahh. *iling* *iling* 

"grabe ka naman girl,alam ko naman yang iniisip mo,uh-ha,sasabihin ko na sayo mali yang nasa isip mo ,hindi isusuko ni i LEY ang v-card nya,ayon yon sa 3 magic rules mo dba??kaya easy lang." nilapitan ako ni rick at tinulak nya ako papunta sa sofa at pinaupo.

"umupo ka muna dyan,and then inhale,,exhale." sinunod ko namn ang sinabi nya.

kaya lang di ko talaga maiwasang mag alala..waah! LEY nasan ka naba??

"o ano girl? ayoss naba??" tanong ni rick at umupo sa tabi ko.

umiling ako at yumuko

"hindi ko talaga maiwasang mag alala rick,kung tutuusin mag tetext naman si LEY o tatawag kapag ganyang late na syang umuwi,pero wala eh.bakla...nag aalala na ako . " humarap ako kay rick na malungkot ang expression. dahil mga 6:00 lang nandito na si LEY yun na ang pinaka matagal nyang oras na umuuwi.pero ngayon wala man lang text o tawag na nang galing sa kanya.

"haay,malay mo nakalimutan lang.kasi alam mo na busy sa date dba??kaya tama na yang pag aalala," alam kong sinasabi ni rick to para maiwasan o mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

*DINGDONG*

bigla akong napatayo ng marinig kong may nag doorbell

"bakla! baka si LEY na yan, teka bubuksan ko lang" pumunta kaagad ako sa pinto at binuksan ang pinto. kaso ganong nalan ang pag ka dissapoint ko nang hindi si LEY ang nakita ko .kaya naman nwala ang ngiti sa labi ko. isang delivery boy lang pala.

kinuha ko ang pizza na dinala ng delivery boy at bumalik sa living room

"oh? nasan si LEY" tanong agad ni rick

"wala,delivery boy lang pala,eto pizza,ikaw nag order?" nilapag ko ang pizza at umupo ako ng nanlulumo.

"ah,oo ako nga,o pizza"binigyan nya ako ng pizza .

" movie marathon tayo girl"pag yayaya ni rick kaya tumango nalang ako ng wala sa sarili.

--

ilang oras na kaming nagmamarathon pero wala parin si LEY kada minuto yata tingin ako ng tingin sa orasan 9:18 na pero wala parin si LEY. si Rick naman nakatulog na dito sa sofa.

*click*

nang narinig ko ang pagbukas ng pinto pumunta kaaagd ako doon..laking tuwa ko nalang ng makita ko si LEY .kaya naman sinunggaban ko sya ng yakap,

"LEY! nako! ikaw talga ! bakit ngayon kalang umuwi ha?alam mo bang alala ako sayo?" sabi ko habang yakap yakap ko sya .kaso hindi ko naramdaman na niyakap nya ako kaya naman unti unti kong kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya.

"LEY? may problema ba?" wala akong ibang nakikitang emosyon sa mata nya kundi pagkalungkot at hinanakit.nakatulala lang sya at parang wala sa sarili.

"LEY?" ulit na tawag ko sa kanya .unti unti syang tumingin sa akin at sinabing ..........

"wala na" sinabi nya ng nakatingin sa akin at parang wala sa sariling sabi nya.naguguluhan ako sa sinabi nya.

"ha?L-LEY? anong wala na?" kinakabahan ako sa sinabi ni LEY.

"JEN,wala na,wala na kami ni A-AL" bigla nalang may tumulong luha sa mata nya.

nabigla ako sa sinabi ni LEY.hindi ko akalaing magagawa sa kanya ni AL yon.nakikita ko sa mga mata nya kung gaano sya kasaya kapag kasama nya si LEY noon.pero bakit siya nakipaghiwalay?hindi ko inaasahan na mangyayari to.hinding-hindi.

"hush LEY" yan nalang ang nasabi ko sa kaibigan ko hindi ko alam kung papaano ko sya kokompartahin.

"Jen,ang sakit !ang sakit sakit! bakit nya ba a-ko iniwan?! may nagawa ba akong mali?! nagkulang b-ba ako?! Minahal ko naman sya ah! pero bakit Jen! " tanging paghikbi ni LEY ang naririrnig ko.nakayakap sya sa akin kaya kapag binitawan ko sya maaari syang matumba,parang hinang hina sya.

ngayon ko lang syang nakitang ganito,for almost 13 years na bestfriend ko sya ,ngayon ko lang sya nakitang nasaktan ng ganto.siguro nga masakit dahil 2 years rin silang mag kasintahan at ngayon ay 2nd anniversarry nila,hindi ko alam kung bakit nakipag break si AL sa kanya,pero siguradong may rason sya.

pero ang sakit rin para sa akin na nakikitang nahihirapan ang bestfriend ko,kung masakit na para sa akin ,paano pa kaya ang sakit na iniinda nya?? 

"LEY magpahinga kana,at hindi ka nag kulang sa pagmamahal na ibinibigay mo siguro may rason talaga si AL kung bakit ka nya iniwan,dba?" kinakabahan ako sa bawat salitang binibitawan ko,dahil hindi ko alam kung anong sasbihin ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman nya.baka may masabi akong makakasakit sa kanya.

"sana nga ! sana nga may rason sya.pero dapat sabihin nya sa akin yon dba? pero hindi! w-wala ! wala syang sinabi Jen! maiintindihan ko naman eh! pero kahit konti sa mga rason nya wala syang sinabi!  d-di ko kaya kung mawawala sya sa akin ! di ko kaya.!!" kumalas sya sa yakap ko at sinabi ang mga salitang yan.habang sinasabi nya yan tuloy parin sa pag agos ang mga luha nya at nakikita ko sa mga mata nya ang sakit , gusto ko ring maiyak dahil sa nakikita ko at nadarama ko ,pero kailangan ipakita ko sa kanya na nandito lang ako kami ni rick . pwede nya kaming kausapin . kung nakikita rin siguro ni rick to malamang kahit may pagkaka bakla sya magagawa nyang sugurin si AL ,dahil ayaw naming  may nakikitang nasasaktan sa aming tatlo.

pagkatapos non ay tumakbo na sya papasok sa kwarto nya at doon na tumulo ang luha ko.nanatili akong nakatayo doon.

kaya napaisip ako bigla. at nasabi ang katagang.....

"ganyan ba? ganyan ba kasakit ang iwanan ka ?lalo na kapag nagmahal ka ng lubos?"

lalo akong natakot,natakot na magmahal,natatakot na baka mangyari sa akin ang dinaranas ni LEY? kaya ba kanina wala akong maipayo sa kanya dahil hindi pa ako nakararanas ng tulad sa sitwasyon nya?? pero ayoko .

AYOKONG MARANASAN ANG GANYANG SITWASYON..natatakot ako.

***********

A/n: hello!!! ^^ ayos ba ang next UD guys??haha.naging madrama ba??

guys..please comment po kayo kung readers po kayo :) para malaman ko po ang opinyon nyo :) thank you guys !

ENJOY READING !

NBSB (no boylet since born)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon