NBSB 16~

23 1 0
                                    

JEN'S POV

“Ayos ka na ba?” Tanong ko.

Mula kaninang nadatnan ko si Ley na umiiyak dito sa may clinic, mga 10 munites ago na ‘yon, ngayon lang sya huminto.

Si Justine naman bigla nalang umalis kanina nung dumating ako ditto. Nakakainis nga yung abnormal na lalaking yon eh. Biruin mo hindi man lang nagawang sabihin ang dahilan kung bakit sya ang nagdala kay Ley ditto sa clinic.

Basta ang sinabi nya lang nakita nya lang na nahimatay sya bigla kaya nagmagandang loob nalang daw sya at dahil pogi sya.

-_____-

Pakikonek nalang. Abnormal yung lalaking yun eh.

Pero kahit naman papaano nagpasalamat ako na bukal sa loob ko.  Pero anong ginawa nya? Kinindatan lang ako pagkatapos biglang sumigaw ng:

“Diba tinatanong mo kung ano ang whole name ko?! The great Justine Berjocien!”

Pagkatapos nyang sabihin yon pinagtinginan ako ng mga babae na para bang nakamamatay.

Gustong gusto ko  sanang sakalin ang Justine na yon dahil sa sinabi nya. Sumigaw daw ba naman ng ganon, ayan tuloy na mis understanding ng mga babaeng to!

Ano pa bang aasahan mo sa isang Justine Berjocien diba?

-__-

“Hmm.”  Tugon nya sa tanong ko sabay tango at ngumiti sya na halata namang hindi umabot sa mata nya.

Magsasalita pa sana ako kaso nagsalita sya bigla.

“Jen, Thank you.”

 

Nakatingin sya sa mga mata ko at sincere na sinabi ang mga yan habang nakapatong ang dalawang kamay nya sa dalawang kamay kong nasa kamang hinihigaan nya.

“Asus! Drama mo girl. Bestfriends tayo diba? Duh~ Haha.”

Natawa tuloy kami pareho sa iniasta ko dahil sa panggagaya ko kay rick.

Kaso habang tumatwa kami bigla ko nalang syang nakita yumuko at may tumutulong luha na sa pisngi nya.

Kaya napahinto ako at gumuhit na naman ang pagaalala sa mukha ko.

“Oy girl! Wag ka ngang magdrama, ikaw naman. May nasabi ba akong mali ha? May problema ba?” Hinawakan ko ang baba nya para iaangat ang mukha nya at pinunasan ko ang mga luha nya.

May nasabi ba akong mali na dapat na ikaiyak nya?

NBSB (no boylet since born)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon